Chapter 4
Jasmine Sophia Andrews
Hindi ako makapakinig ng maayos sa klase. Okupado ang utak ko habang nagdidiscuss ng tungkol sa Politics and Governance, hindibko maintindihan ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig dahil may ibang umiikot sa aking utak. Si Ate Mikayla.
Kanina kasing umaga ay may natanggap akong mensahe sa kanya na nagtatanong kung nalaman na kung sino ang pumatay kay Sven Montemayor. Hindi sa pinagdududahan ko siyang siya ang gumawa no'n dahil alam kong imposibleng siya ang pumatay kay Sven — yun ay kung pagbabasehan ang hula ko. She's obviously not the person who Sven Montemayor trusts.
Pero may isa pang bumabagabag sa akin. Noong isang araw kasi ay sinundan ko si Kuya nang mgpunta siya sa sira ng mansyon ni Medrino. I think I saw her there.
"Jas," tawag sa akin ni Kein matapos ang klase. Pangatlong subject pa lang namin ito ngayong araw, may last pa mamayang alas-kwatro ng hapon, may isang oras lang kaming vacant time.
Tumingin ako sa kanya at inabot ang bag ko sa kanya.
"Are you alright?" Simpleng tumango lang ako at ngumiti sa kanya at lumexabas na kami ng room.
Sa tapat ng pinto ay naabutan ko si Sam na nakasandal sa may pader, magka-ekis ang kanyang kamay na tila ba may hinihintay.
"Jasmine, tumawag si Kuya." Malamig na saad ni Sam, na para bang labag sa kanya ang sinabi tapos ay naglakad siya paalis. Nagkatinginan kami ni Kein at tahimik na sumunod dito. Mukhang hindi na naman ako makakapasok sa huli kong subject. Naka-ilang absent na din ako doon.
Sumakay ako sa sasakyan ni Kein at sinundan si Sam na nakasakay sa kanyang motor. Tahimik ang aming naging biyahe hanggang sa makarating kami sa HQ ng Black Rose.
Dumiretso kami ni Sam sa opisina ni Beau kung saan daw nandoon sila Kuya, si Kein naman ay dumiretso sa Gray kasama si Vector na nakasalubong namin kanina. Pagdating sa opisina ni Beau ay katahimikan ang sumalubong sa amin. Si Elena ay bakas ang saya sa mata na para bang may natanggap siyang magandang balita, si Night ay tahimik na nakahalukipkip at nakasandal sa mesa, nakatitig ito kay Elena at tila ba may malalim na iniisip. Si Beau ay hindi mo kakikitaan ng kahit anong emosyon, si Starr ay nasa malalim na pag-iisip gaya ni Night. Ang tanging naiiba lang ay si Kuya na mabilis ang paghinga, nakakuyom ang palad at bakas ang galit at sakit sa mata.
"What happened?" Si Sam ang nagtanong tapos ay umupo sa tabi ni Kuya Craig. Naupo ako sa tapat nito at inagaw ng isang kulay itim na folder ang atensyon ko. May parang apoy na nakatatak doon. Black Heart Organization. Kinuha ko iyon at binuksan. May ilang piraso ng papel ang nakalagay doon. Pamilyar ang mga graph na nakalagay doon. It's a result of a DNA examination. Sa unang papel ay isang klase ng blood type, sa pangalawang papel ay ganon din pero ibang blood type ang nakalagay. Sa pangatlo, nakalagay ang isang kulay pulang salitang 'positive' na nakalagay sa pinakababang parte ng table.
"Kanino ito?" Tanong ko kila Beau. Kinuha ni Sam ang folder at binasa din ito. "Saan ito nakuha?"
"Galing sa BHO. JP and Kat investigate the crime scene. May nakuha silang blood sample sa kwarto mismo kung saan namatay si Sven." Panimula ni Starr habang nakayuko. "Hindi iyon kay Sven. Hindi din kay Andrew Montemayor. They tried to find its match. Wala sa kahit isang taong namatay sa mansyon na iyon. So Kat had this weird hunch, may record kami ng DNA ni Margarette, tinest niya. At ang positive na nakasulat diyan ang naging resulta."
"Paano nangyari iyon?" Si Sam na ang nagtanog dahil napako ako sa aking pwesto.
Si Ate Mikayla. She killed them. Siya ang pumatay. Pero paano? Bakit kinailangan pa niyang magsinungaling sa akin?
YOU ARE READING
Art of Assassination Trilogy (Book2): Vengeance
AdventureAfter two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what they did to her Mother and Medrino? With the help of Sef Martin Keynes, can they make them all suff...
