Chapter 14: Enchantress' Chant

Start bij het begin
                                    

"Pasalihin mo siya," sabi ni Enchantress sa akin at kampanteng-kampante siyang nakatingin sa akin.

"Let's get started." Narinig ko iyon mula sa labi ni Cantis. "You are all 21 players," sabi pa nito.

"Maghanda ka na," mahinang sabi sa akin ni Enchantress.

Tumango naman ako kaagad at saka dali-daling naglakad patungo sa kinaroroonan ng mga players, sa tabi ni Zach.

Nang lingunin ko ito, ganoon na lamang ang kanyang reaksyon nang makita ako nito nang tuluyan. Magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Loser," narinig kong sabi nito bago nito tuluyang ituon ang kanyang atensyon kay Enchantress na ngayon ay nasa amin ng harapan.

"Bastardo."

"Ang dalawampu't isang manlalaro ay magtutungo sa loob ng kagubatan. Ngunit lima lamang ang maaaring makakuha ng crest's symbol." Enchantress walks back and forth as she looks at all the players. "The first thing you need to do while you're inside the forest is to protect yourself from danger. And of course, dangers is yourself. Paunahan kayo mula sa pagkuha ng crest's symbol to win the game."

Mula sa kanyang palad ay lumabas ang limang crest's symbols at lumutang iyon sa hangin. Sumasabay mula sa aliw ng hangin ang mga symbol na iyon. Saglit lamang iyon at nagpaikot-ikot 'yon sa kanyang kinaroroonan.

"Here's the five crests," sambit nito bago siya tuluyang tumalikod sa amin at humarap sa napakalawak na field.

"Nasa'n ang tinutukoy niyang gubat?" Tanong ko sa aking sarili.

Wala talaga akong makitang kahit na isang punong nakatayo sa harap ng field.

"Ambobo. Maghintay ka," narinig kong sambit ni Zach mula sa tabi ko.

Tiningnan ko iyon at binigyan ng nakakasindak na titig bago ko unti-unting pinalabas mula sa tapat ng kanyang kinatatayuan ang isang maliit na kamay at hinawakan niyon ng black shadow.

Marahan niyang itinapat sa akin ang kanyang hintuturo. Mabilis na lumabas mula roon ang kuryente at nagtungo iyon sa aking kamay kaya't mabilis ko iyong nabawi't nawala ang black shadow mula sa kanyang paa. Napaatras pa ako dahil sa kanyang ginawa. Ngunit nakapuwesto naman ako kaagad mula sa kanyang ginawa sa 'kin.

"Mas bobo ka. Hindi ikaw ang kausap ko," mahinang sabi ko sa kanya.

"Tanga ka ba?"

I just simply rolled my eyes on him. Magsasalita pa sana ako nang bigla na lamang gumalaw ang lupa at nayanig ang buong paligid.

Nilingon ko si Enchantress nang marinig ko itong magsalita.

"Goddess of tree,
I summon you by thee.
Full the field with too many trees,
So mote it be."

Tatlong beses niyang inulit ang katagang iyon habang yumayanig ang buong paligid. Ni hindi ko nakita ang ibang reaksyon ng mga player bukod sa sampung bagong recruit na nasa laro. Hindi mapakali ang mga ito habang nakatingin din sila kay Enchantress.

Ilang saglit lamang iyon nang unti-unting lumitaw mula sa kalawakan ng field ang mga puno. Ilang minuto rin ang itinagal niyon bago tuluyang nabuo ang napakadilim na kagubatan.

Lumipad mula sa himpapawid ang mga crest symbols at nagtungo iyon sa loob ng kagubatan. Doon din ang hudyat ng ng pagtingin sa aming kinalalagyan ni Enchantress.

Naglakad din doon si Cantis at nilingon niya kaming lahat.

"Ang bawat manlalaro ay nagtataglay ng iba't ibang ability na nanggagaling sa inyong mga katawan," umpisa nito habang nakatingin siya sa aming lahat. "Gaya ng sinabi ni Enchantress sa inyo, kailangan niyo lamang protektahan ang inyong mga sarili sa loob ng kagubatan at hanapin ang mga crest symbols upang manalo sa laro."

Mas lalong umingay ang mga Vicants na nasa aming likuran habang sila ay nanonood nang banggitin ni Cantis ang mga katagang iyon.

Mula sa himpapawid ay nagsiliparan ang mga itim na ibon. At doon ko na rin napansin ang marahang paglabas ng kulay asul na buwan mula sa kaitaasan. Malaki iyon ngunit hindi pa buo ang buwan.

Tinalikuran kami ni Cantis saka siya tumingala sa kalangitan at gaya ng ginawa ko ay tiningnan niya rin ang patuloy na lumalaking buwan kahit hindi pa iyon buong-buo. Maging ang mga players ay tumingala na rin sa itaas.

"Sa sandaling mabuo nang tuluyan ang buwan sa kalangitan, maaari na kayong magtungo sa loob ng kagubatan upang hanapin ang mga simbolo."

Ilang minuto rin ang itinagal ng katahimikan. Nakabibingi ang katahimikan ng buong paligid. Ang mga Vicants na kanina lamang ay sigaw nang sigaw at nagdaldalan mula sa aming likuran ay bigla na lamang natahimik mula sa kanilang kinatatayuan habang silang nakatingin sa amin. Muli ko silang nilingon dahil walang imik ang mga ito.

Napansin ko sina Jill at ang kanyang mga kasama na nakaupo mula sa kulay pilak na upuang mayroong simbolo ng kidlat mula sa ibaba niyon at nakatingin sila sa akin. Naroroon na rin si Sev na ngayon ay naging visible na ang kanyang katawan at mukha itong nag-aalala habang nakatingin din siya sa akin.

Nakikita kong bumubuka ang kanyang bibig ngunit walang lumalabas na kahit na anong boses mula roon.

Sinesenyasan ako nito at mukhang nais niya akong mag-back out mula sa desisyong ginawa ko sa aking sarili.

Ngunit buo na ang desisyon ko. Kailangan ko kaagad na mag-move sa Tournament upang makaalis na ako rito.

Gagawin ko ito para kina nanay at Reena.

"Bakit para kang puno riyan?" Narinig kong tanong ni Zach mula sa gilid ko at binasag niyon ang nakabibinging katahimikan ng paligid. Hindi ko siya nilingon dahil alam kong hindi naman ako nito kakausapin bukod sa naaasar siya sa akin at ganoon din ako sa kanya ay walang dahilan upang harapin ko pa ang mokong na 'to. Naramdaman ko ang kuryente sa aking balat kaya napalingon ako sa kanya. "Kinakausap kita."

"Ano ba kasing problema mo sa 'kin bukod sa nagmumukha kang propeller dahil ang hangin-hangin mo?" Mahinang reklamo ko sa kanya.

He smirked. "Tss." Iniwas nito ang tingin sa akin. "Sana hindi ka mamatay."

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin pa rin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

"Ano'ng sabi mo?" Insultong tanong ko sa kanya.

"Wala," sagot nito sa akin nang hindi pa rin niya ako nililingon at nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa harap ng madilim na madilim na kagubatan. "Goodluck."

"Sana'y hindi ka rin mamatay," mahinang bulong ko sa aking sarili bago ko tuluyang itinuon ang aking atensyon sa harap ng kagubatan.

Napansin kong umalis sina Enchantress at Cantis mula sa aming harapan at nagtungo sila sa aming likuran.

Saglit na tumingala ako sa kalangitan upang tingnan ang buwan.

Doon ko napansin ang pamumuo ng asul na asul na buwan sa kalangitan.

Sa hudyat na bilog na bilog na ang buwan sa itaas ay siya namang pagsigaw ni Cantis na nasa aming likod kasabay niyon ng paunahan naming pagtakbo patungo sa loob ng kagubatan.

The Vicant's Crest (Wattys 2021 Winner)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu