CHAPTER 23 : FINALLY

Start from the beginning
                                    

"ICE?" Tawag ni Manager Rica sa Pangalan ko. Agad kong binuksan ang pinto ng CR at sumilip.

"Eto pala yung costume mo , nakalimutan mo kanina sa Room ko. Kaya dinala ko nalang dito... Take time! Byeyie!" Nakangiting sabi ni Manager Rica. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Manager Rica at marahan kong kinuha ang inabot niyang paper bag. Pagkasarado ko ng pinto ay napasuklay nalang ako sa buhok ko gamit ang kamay ko.

"Bakit ko ba kasi nakalimutan ang tungkol doon, makikita tuloy nila akong naka Bunny Costume, Haisstt!"
Napailing nalang ako and i took deep breath. Twenty-minutes ang ginugol ko sa pagpapalit at nang matapos nakong nagbihis ay lumabas na ako. Napakunot noo ako nang makita kong nakasuot din ng Bunny Costume sila Avery at Astrid. "Avery? Astrid? Bakit kayo nakasuot ng Bunny--"

"Cute! Right?" Sabi ni Astrid tsaka siya ngumiti. Napangiti nalang din ako nang makita ko ang napaka cute niyang ngiti.
"We asked your manager if meron pa siyang extra costume. Me and Avery decided na tumulong sa inyo ni Manager Rica" dugtong nito at muling nagbigay ng isang matamis na ngiti.

"So? Let's take a selfie muna bago tayo bumaba?" Excited na sabi ni Avery tsaka ito pumwesto sa gitna namin ni Astrid at kumuha na ng litrato.

Pagkababa namin ay madami nang tao ang nakaupo sa kanya kanya nilang mesa. Nag umpisa na din kaming kumuha ng order ng mga bisita.

"Young Master , Here's your Om-Num Nomu Rice and Hot Chocolate. Enjoy!" Nakangiti kong sabi sa isang bisita at marahan kong ibinaba ang kanyang order sa mesa.

Napunta sa gawi nila Avery at Astrid ang atensyon ko at hindi ako makapaniwala sa nakita ko...they're having fun. Nagkasalubong ang tingin namin ni Astrid na ikinagulat ko, dahil hindi ko inaasahang titingin din siya sa direksyon ko. Ngumiti ito sa akin At kumaway na para bang ngayon lang kami nagkita. Napabuntong hininga nalang ako at tumuloy na ako sa counter para ibigay kay Manager Rica ang iba pang order ng mga bisita.

Papunta na ako sa table ng isang bisita para ibigay ang order nila nang biglang may lalakeng nakaputing suit akong nakasalubong. Nanlaki ang mata ko at Humigpit ang pagkakahawak ko sa tray na hawak ko nang sandaling maramdaman ko ang kakaibang prisensya galing sa kanya.
"Manager Rica , Ako nga pala ang yung nagpaservice sa Café niyo."

"Mr.Silver Villanueva? Nice to meet you" Nalaglag ang panga ko nang marinig ko ang pangalang 'yon.

"Hmmm. i think my guests are having fun... Everything went according to my plan. Thank you, Manager Rica." Napaka lamig ng kanyang boses. I really don't know what's happening. Bakit ba ako nagkakaganito!

"You okay , ICE?" Tanong ni Avery. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit ni Avery sa akin dahil doon.

Marahan kong naipikit ang aking mata at bumuntong hininga.  "I'm fine"  Tipid kong sagot sa tanong ni Avery at muling naglakad.

"ICE! DITO NAMAN SA TABLE NAMIN" Nakangiting sabi ni Adrian habang nakataas ang kanyang kanang kamay. Dali-dali akong lumapit sa kanila at nagtataka ko silang tinignan.

"Nababaliw na ba kayo? Bakit kayo nandito?" I asked them. Pero isa isa silang nagtinginan kay Timothy.

"You're so beautiful and adorable, Erin" Sabi ni Timothy habang kumikinang ang kanyang mga mata. Napangiwi ako sa ipinakitang reaksyon ni Timothy. Hindi naman ganon ang usual reaksyon niya sa tuwing nakikita niya ako. Teka! Hindi yata siya naka take ng gamot! -,-

"ICE! Papicture naman! Please?" Nakangusong sabi ni Justin. I flashed him my poker face na ikinatigil naman niya.

"Hanggang ngayon wala pang nakakasagot sa tanong ko, Pwede bang--"

THE S CLASS PROJECTWhere stories live. Discover now