Chapter 15

1 0 0
                                    

Donelly POV

Hindi ko mawari sa aking isipan ang aking narinig na palaisipan bago ako matulog kagabi



KAY SARAP SA FEELING
WALANG KASING SARAP ANG NAKAHAIN
SARAP ANG MAGLALAGAY SA ALANGANIN
ISANG LIKIDONG ITIM
SUSI SA LIWANAG NA NAGDIDILIM

anong ibigsabihin nun
Pero feeling ko may konek ito sa food pero hindi ako sure!

"Attention sa lahat ng nakabunot ng number 4 please proceed to the kitchen"

Sabay kaming naglakad papunta doon ni wanwan at nakasabay rin namin ang dalawang estudyante mula sa section cactus at isa naman sa section marigold. Bale lima kaming lahat

Habang palapit ng palapit kami sa kitchen ay lumalakas ang aking kaba


"Calma lang ate" sambit ni wanwan sabay hawak ng kamay ko

Salamat bulong ko sa hangin dahil lalo akong naging determinadong mabuhay!
Ayaw Kong maiwang luhaan ang mga taong importante sa akin kaya gagawin ko ang lahat




Sinabi sa amin ang aming gagawin!
At nandito kami ngayon sa isang lamesa kung saan ibat ibang putahe ang nakahain meron ding mga desserts then different kinds of drinks

Amoy palang winner na pero alam kong may kakaiba!



"Remember students! Ang ibang pagkain diyan ay may lason na kikitil sa inyong buhay makalipas lang ang ilang segundo at meron lang kayong isang chance para pumili...so choose wisely" pagpapaliwanag ni lady sa amin

Si gracin muna ang pumili at pinili niya ang cake, Pagkatapos ay si bethy at ice cream naman ang kanya,tapos si Aldine at pinili niya yung coke.

Tumingin sa akin si wanwan at sinabing siya na ang mauuna at pinili niya ang royal

Its my turn

I need to choose wisely
Kung hindi ito na ang katapusan ko

Ang palaisipan ko ay about sa poison!
Isang maling hakbang ko lang ay pwede akong mamatay

ISANG LIKIDONG ITIM
SUSI SA LIWANAG NA NAGDIDILIM

itim?

Napatingin agad ako kay wanwan na nakangiti lang sa akin!
Sana mali ang hinala ko


Kinuha ko yung wine na nasa glass at walang pag aalinlangan ko itong ininom


"Hmnn ms yang han? Excited kabang mamatay?pero okay..pwede niyo ng tikman" sambit ni lady at agad naman nilang tinikman ang kanilang nakuha


Wala akong naramdamang kakaiba sa aking katawan dahil malaki ang aking kompyansa na walang lason ang ininom ko

*Ubo*

Napatingin ako kay bethy at gracin na umuubo na makalipas lang ang ilang oras ay bumula ang kanilang bibig saka nangisay



"A-ate" agad kong nilingon si wanwan na bigla nalang umubo



"Wan okay kalang ba?" Sambit ko at sinalo ko siya dahil bigla nalang siyang natumba at nangisay at nawalan ng buhay sa aking mga kamay


Parang tinusok ang aking dibdib ng isang milyong karayom dahil sa sobrang sakit!
Bakit ikaw pa?


"Hindiiiiiii" sigaw ko ng pilit nilang inaagaw ang bangkay ni wanwan sa akin


"Tumahan kana done" sambit ni aldine




"Hindi wag niyong kunin sa akin si wanwan pleaseeee" pagmamakaawa ko sa kanila habang palayo ng palayo na sila dala ang katawan ni wanwan




"Nasaan si wanwan" bungad nila sa akin pero umiling lang ako at napahahulhul




"Tama na done" sambit ni jean de



"Done tahan na...wala na tayong magagawa kahit masakit kailangan nating tanggapin" sambit ni mereim



"Ipagdasal nalang natin nasa ay matahimik ang kanyang kaluluwa kung saan man siya naroon" sambit ni lorenzo


Ilang minuto muna kaming tumahimik at kanya kanyang dasal para kay wanwan!

Miss kana agad ng ate wanwan, ma mimiss ko ang mga yakap mo, mahal na mahal kita,paalam



Niyakap ako ng mahigpit ng BGB at ganun rin ako



Hanggang sa muli wanwan!
Magkikita din tayo sa kabilang buhay!

After ng madramang tagpo na iyun ay pumunta kami sa dark canteen pero hindi ako kumain dahil bumabalik lang sa akin ang lahat kanina!



"Done kumain kanaman kahit konti lang" sambit ni ash



"Sensya na kayo Pero kahit ngayon lang hayaan niyo muna ako...wala talaga akong gana ehh" sambit ko at tumango naman sila




Life is unfair talaga!
Kakambal ba ng saya ang luha?
Pagkatapos ba nitong delubyo ay may walang katumbas na ligaya?





Walang makakapagsabi dahil ang buhay ay Puno ng pagsubok, maraming balakid ang humahadlang para maabot namin ang aming mga Pangarap pero ito kami nagpapakatatag dahil may mga naiwan kami na amin pang babalikan!




Neidecker POV

"Destination day kona Tomorrow" sambit ko ng ako ang makabunot sa aming section ng number 5


Nakatingin silang lahat sa akin na para bang nag aalala


"C'mon guys! Hindi pa ako handang iwan kayo kaya mabubuhay ako no matter what happen" sambit ko at nag group hug kaming lahat maliban shempre dun sa dalawang grupo




"Ehem guy's" napalingon naman kaming lahat sa nagsalita at nakita namin sina jim,shawn at byrne


"Bakit" sambit ng kambal kong si zoellner



"Alam namin na may galit kayo sa amin, masakit para sa amin ang mawalan ng leader pero mabubuhay kami para sa kanya" sambit ni jim





"May mga nagawa kami sa inyo but andito kami para humingi ng tawad sa inyo at sana ay bigyan niyo kami ng chance to show the nice side of us" sambit ni shawn




"Kapatawaran lang ang gusto namin at tama kayo sa mga sinabi niyo wala tayong ibang masasandalan kundi ang isat isa at sana...sana ay tanggapin niyo kami" sambit naman ni byrne


"Lahat naman tayo nagkakamali, walang taong perpekto at diyos nga nagpapatawad kami paba kaya" sambit ko at tumango naman silang lahat

Sinalubong namin silang tatlo ng mga yakap!


Masaya kaming naliwanagan narin ang kanilang isipan maliban lamang sa goddess martilyo brats na andun lang sa kanto at nakataas ang mga kilay na parang mga tanga!



Alam naming may mga good side naman sila sadyang bulag lang talaga ang kanilang mga mata sa kahalagahan ng salitang pagkakaisa!

VOTE, COMMENTS, FOLLOW

Hadesia's GameWhere stories live. Discover now