Fathom Her Love

41 5 5
                                    

Marami ang nagsasabi mahirap tayong intindihing mga babae.

Bakit naiisip natin ang mga iniisip natin?

Bakit minsan o madalas pa nga ay tamang hinala tayo?

Bakit advance tayo mag-isip?

Bakit may woman's instinct na tinatawag?

Bakit para raw tayong imbestigador e nagtatanong lang naman tayo?

Bakit minsan tingin pa lang akala nila gera na?

Bakit minsan iba ang sagot natin sa nararamdaman natin?

Bakit paiba-iba ang mood natin at desisyon natin?

Bakit ang tagal nating magbihis at mag-makeup?

Bakit laging nagpapahintay o kaya ay late tayo?

Bakit kapag nagalit tayo parang wala ng bukas?

Bakit?

Bakit?

Bakit?

Napakaraming bakit?

At ang mga lalaki, wala namang magawa kundi mahalin at intindihin tayong mga babae.

Marami mang tanong pero isa lang ang sagot.

Tayong mga babae ay parang abstract painting. Magulo. At tanging ang katapat lang at karapat-dapat na lalaki lang ang makauunawa lalo na kung paano tayo ay magmahal.

Hindi raw kasi tinitingnan ang isang abstract painting nang paisa-isa o kung paano sila binuo o hinulma. Ang mga dugtungan. Ang simula, katapusan at gitna. Dahil kung minsan gano'n din ang babae magmahal. Parang abstract. Hindi maintindihan. Hindi alam kailan ang simula, gitna at dulo. Minsan magulo pero madalas-- tapat at totoo.

Kaya huwag tumingin sa maliliit na piraso. Hindi talaga maiintindihan.

Tingnan ang kabuuan at doon ito mauunawaan.

Ang tunay na anyo at ganda ay mula sa pinagsama-samang piraso na hindi akma ang kulay at sukat. At ang mga ito ang sumasalamin sa maliliit at hindi perpektong ugali nating mga babae. Ang mga ito rin ang nagpapakita ng mga bubog at pinagdaanan natin sa buhay. Dahil din dito kaya sa kabuuan, tayo ay ubod ng ganda!

Magkakaiba man tayo dahil sa mga kaugalian at pinagmulan, hindi perpekto pero hindi magawang talikuran bagkus inuunawa at minamahal ng mga lalaking tunay na magmamahal sa atin.

At ito ang istorya ko na puwedeng istorya rin ng marami.

Ang mga hilig ko ay hindi magda-define sa akin at sa pagkatao ko. Hindi rin ang mga desisyon at nakaraan ko.

Sa huli ang mahalaga ay ang magiging ako sa katapusan kasama ang mga taong totoong nagmamahal sa akin.

_-**-_

DISCLAIMER

Plagiarism is a crime.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resembe to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission from the copyright holder.

All Rights Reserved

Uriela Yin

Copyright © 2014

TO GOD BE THE GLORY

Fathom Her Love (Ongoing)Where stories live. Discover now