Kabanata 3

20 5 9
                                    

FHL
Kabanata 3
The Art Of Courtship


NAGMAMADALING akong tumatakbo na naman pero ngayon ay sa Post Office ng hagdan ako pumapanik. Hindi kataasan pero nakakahingal. Walang time para magpahinga. Tinungo ko agad ang Window 36 para doon ay ihulog ang sulat para kay tatay. Vacant lang namin sa school at kailangan kong makabalik agad. May quiz kami sa susunod kong subject. Pero hindi puwedeng hindi ito ihulog. Ito lang ang paraan para kumonekta kay tatay. 

Mabuti na lang at wala masyadong tao kaya mabilis akong natapos. Pero bago lisanin ang gusali ay inilibot ko ang tingin sa magarang lugar na ito kahit sandali. At hindi ko na naman napigilan ang sarili kong humanga rito. Nakakamangha kasi. Para akong prinsesa sa tuwing pumapasok dito. Mataas, magara at maganda ang disenyo ng gusali. Kaya naman minsan ay wini-wish ko na makapagtrabaho rito balang araw.

Ilang saglit lang ay lumabas na ako pero bago bumaba ay idinipa ko ang mga kamay sa ere at pumikit.

"Mission accomplished!" At ako ay bumuntonghininga. "I hope makuha agad ni tatay ang sulat at sagutin n'ya agad. I miss you, tatay!" Punung-puno ang puso ko ng pag-asa at kaligayahan nang ako ay bumaba saka nilisan ang lugar.

Ito ang aking routine.

Isang beses sa isang linggo ay nagpapadala kami ni nanay n'ya ng liham kay tatay na isang OFW. Para sa akin ay sakripisyo ito na bagama't maliit, kumpara sa sakripisyo na ginagawa ng aking ama sa malayong lugar ay sapat naman na para makausap kahit paano ay makausap ko s'ya kahit sa ganito lamang na paraan.

ANG isang beses na pagsabay ni Klarence ng lunch sa amin ay nasundan pa ulit pero ramdam kong hirap din siya sa dalawang kaibigan kong may tililing sa mga ulo. Minsan ay nasabi rin sa akin ni Mari na parang nahihiya raw si Klarence dahil pakiramdam nito ay iniiwasan ko s'ya. Parang hindi ko raw gusto ginagawa niyang pagsabay-sabay sa akin. 

Bigla naman akong na-guilty. Wala naman siyang ginagawa. Pero masaya pa rin kasi kahit nahihiya siya ay heto at sumasabay pa rin s'ya sa amin. 

Pumasok kami ng cafeteria. Sa isang bakanteng lamesa ay lumapit na ako habang ang dalawang kaibigan ko ay nakapila na sa counter.

"Ano'ng gusto mo?" lakas loob na naitanong ni Klarence. Napatitig ako sa mapupula at hugis puso n'yang mga labi. 

Nag-iwas ako ng tingin. "I'm sorry. May baon ako."

Sinimulan ko nang ilabas ang baon ko na nakalagay sa clear container na parisukat. Naamoy ko ang pritong bangus na baon ko at natakam sa tabi nitong kamatas na may asin. At nawala ang ngiti sa labi ko nang makita sa harapan ko si Klarence. Nandito pa rin pala s'ya.

Nakita kong malungkot ang mukha n'ya pero biglang nagbawi. "Dessert gusto mo? Sige dito ka lang, ako na'ng bahala." Sukbit ang bag ay pumila na s'ya para bumili ng pagkain.

Ayoko namang maunang kumain kaya hinintay ko na lang sila para sabay-sabay na kami. At habang wala sila ay kinuha ko ang latest na sulat sa akin ni tatay.

Sa Pinakamamahal kong anak, 

Alam kong iniingatan mong maigi ang sarili mo at proud ako sa 'yo. Alam ko kahit malayo ako ay ligtas ka at kaya mo ang sarili mo. 'Wag kang mag-alala. Ang nanay mo, kumusta na s'ya? Nami-miss ko na kayo. Ang bilin namin sa'yo ha. Kung may manliligaw sa 'yo dalhin mo sa bahay. Ipakilala mo kay nanay. Gusto ko makilatis n'ya ang sinumang magtatangka sa dalaga ko. Mag-iingat ka lagi. Mahal na mahal kita.

Love,
Tatay

Halos nagkaroon ng sabaw ang kanin ko dahil sa pagluha ko kaya naman mabilis ko nang pinahid ang mata at pisngi ko. Sunod kong sinulyapan ang drawing ni tatay sa ikalawang pahina ng sulat n'ya.

Fathom Her Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon