Kabanata 2

26 5 14
                                    

FHL
Kabanata 2
Crush

"Playboy o bad boy?"

Nagulat ako sa mahinang tanong ni Shut.

Napakunot ang noo ko. "Bakit mo naitanong?" sagot kong pabulong din.

Ano bang iniisip nito e nasa gitna kami ng klase? Lumulutang na naman ang isip nito. 

Si Shut ang gay best friend ko. Sherwin F. Utagan ang totoong pangalan n'ya. Pinaikli nito ang pangalan sa pagsasama ng dalawang unang letra ng first name at surname n'ya. Baklitang guwapo ang bansag namin sa kaniya. Mapagkakamalan kasi siyang lalaki. Kung hindi lang magsasalita.

Marigold let out a soft laugh after hearing our conversations.

Si Marigold L. De Leon naman ay medyo chubby. Kulot na parang kay Sto. Nino ang buhok. Matangkad at maganda. Kung magpapapayat nga ito ay papasa itong Miss Universe.

Ang lakas ng loob naming magbulungan samantalang nasa gitna kami ng klase namin sa College Algebra. Pinagigitnaan nila akong dalawa. Sa kaliwa si Shut at nasa kanan ko naman si Mari.

"Tumigil ka na nga Shut! Paano kung mahuli tayong nagdadaldalan dito at tawagin para mag-solve ng problem? Bibigyan mo pa kami ng problema ni Happy. Tsk!" mahinang sayaw ni Mari.

"Tumpak! Mabuti naisip mo 'yan, Marigold," sang-ayon ko. Ayokong matawag ano! Hindi ako handa. Kung sabagay. Kailan na ako naging handa sa Math? Hindi ako magaling sa d'yan. Baka 'pag tapos akong tawagin sa harapan e ako naman ang magtawag ng mga santo.

Pero tila ayaw paawat ng baklang 'to. Mukhang walang balak na tantanan ako. Kahit dumiretso na kami ng tingin ni Marigold kay Mrs. Fuentes na nagdi-discuss na.

"'Yong old crush mo playboy. Ito namang bago parang bad boy?"

"Hindi ko s'ya crush!" pagmamatigas ko. Hindi ko mapigilang hindi sagutin. Mali naman kasi s'ya ro'n.

Hindi pa rin nakakalimutan ni Shut si Ashton. Well, ako ba? Nakalimutan ko na ba s'ya? Crush is crush. At aaminin ko crush ko pa rin s'ya kahit na isang taon na mula nang maka-graduate kami ng high school at isang taon na rin na hindi ko s'ya nakikita.

"Crush mo s'ya," pangungulit n'ya. Nakakarindi na!

"Bakit ba pinipilit mo? Marunong ka pa sa 'kin!" untag ko. Pinandilatan ko na s'ya ng mata. Pero ang totoo ako ang kinakabahan sa kaniya. Parang nararamdaman ko ang unti-unting pagbubutil ng pawis ko sa sculp ko.

"E sa marunong ako eh. At alam ko crush ka rin n'ya. Ayan oh, tumingin na naman," kinikilig na sabi n'ya. "Pero, ehem! Sa akin yata nakatingin e. Baka ako ang gusto?"

"Shh!" saway na naman ni Marigold kay Shut na natatawa rin naman.

Hay! Bakit ang dadaldal namin?

"Huwag ka nga, mantikilya!" panunuksong sagot naman ni Shut na pabiro ring umirap.

"Ikaw, baklita!"

"Ikaw, margarine!"

"Shuding!"

"Butter!"

"Bitter!"

Sinamaan na lang ng tingin ni Shut si Marigold. Dinilaan naman ni Marigold ang una. Nagdiriwang. Sa asaran nila tila nanalo si Marigold kay Shut. Mga bwisit! Kahit sa pag-aasaran nagpapaligsahan pa rin. Mga abnormal talaga.

Pero bakit hindi ako mapakali? Kahit parang bubuyog sa magkabilang tainga ko ang dalawa ay hindi ko maiwasang  hindi tingnan si Klarence. 

Bruha talaga itong si Shut. Paano kung may nakarinig sa mga pinagsasabi n'ya? Nakakahiya talaga!

Fathom Her Love (Ongoing)Where stories live. Discover now