3

7 0 0
                                    

"ALAM MO ang kahihinatnan kapag hindi ka nagbayad, 'di ba?"

Mahigpit na napahawak si Alya sa phone habang pinakikinggan lang ang kanang kamay ng lalaking kanilang pinagkaka-utangan. Ilang taon na silang ginigipit ng amo nito. At hindi niya alam kung paano na ito matatakasan dahil malakas din ang kapit nito sa nakaupong nasa gobyerno. Kahit na kung tutuusin, eh, pupuwede niya silang ireklamo.

"Hanggang katapusan na lang ang palugit sa iyo. At kung hindi ka pa makakapagbayad. . . tsk! Alam mo na, susunod ka sa yapak ng magulang at kuya mo," banta nito sa kaniya kaya sunud-sunod siyang napalunok.

Naputol na ang linya sa kabila kaya nanginginig na binitiwan ni Alya ang cellphone. Nanghihina siyang napaupo sa sofa sa sala ng bahay niya at wala sa sariling nasapo ang dibdib. Doon niya pinakawalan ang kanina pa nagbabadyang mga luha. Muli na naman niyang naalala ang malalagim na pangyayari sa kaniyang buhay kasama ang pamilya.

Noon kasing mga oras na walang-wala sila ay nagkautang ang ama niya sa kaniyang ninong. Pero ang hindi nila alam, iyon na pala ang simula ng matinding kalbaryo sa kanilang buhay. Sa tuwing hindi pa nakakabayad ng sapat ang ama ay tinutubuan ito ng doble. Hanggang sa maging triple na iyon at malubog na sila nang tuluyan sa utang. Ang mas malala pa riyan, nang umabot na ng milyon ang kanilang kailangang bayaran, doon na isa-isang kinuha ang kanilang mga ari-arian.

At ang hindi nila inaasahan, pati pagmamay-ari na buhay ay kukunin din sa kanila. Una, ang kaniyang ama. Hanggang sa naipasa na ang bayarin sa ina na pinatay din, sumunod sa kuya niya na ganoon din ang sinapit.

Ngayon, siya naman ang binabalikan ng mga ito. Ito ang dahilan kaya natatakot siyang magkaroon ng malalapit na kaibigan. Kaya nililimitahan niya ang sarili sa mga taong gusto rin sana niyang paglaanan ng pagmamahal niya.

Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone niya. Hindi niya sana iyon bibigyan ng pansin. Ang kaso ay nakita niya ang pangalang hindi niya inaasahang tatawag sa kaniya sa ganoong oras. Hating-gabi na, bakit nito naisipang istorbohin siya?

Ikinalma muna ni Alya ang sarili, huminga nang malalim at sinagot ang tawag mula sa binata.

"Hello, Asher."

"Ah, hi. May ginagawa ka ba ngayon?" parang may pag-aalinlagang tanong sa kaniya nito.

"Bakit mo natanong? Nasaan ka ba?" takang tanong niya rito. Alam na rin ni Asher ang tungkol sa kaniyang piniling maging trabaho. Akala siguro nito ay nagsusulat siya para sa article kaya natanong ang bagay na iyon. Pero, para saan at natanong niya nga ako?

"Nandito ako sa harap ng bahay mo."

Napakurap-kurap siya sa naging sagot ng binata. "S-Seryoso ka ba? Sandali, ano'ng ginagawa mo riyan?"

Dali-dali niyang inayos ang sarili at pinunasan ang hilam na mga luha sa kaniyang mukha. Bago napagdesisyunan na buksan ang main door ng kaniyang bahay.

"May dala akong ice cream at pizza."

Saktong pagkabukas nga ni Alya ng pinto ay namataan niya si Asher na may hawak sa kaniyang kanang kamay. Habang nasa tainga naman nito ang cellphone gamit ang isang kamay. Tanging lampposts lang ang nagsisilbing ilaw sa buong village. Kaya kahit papaano ay kita niya kung paano tumindig doon ang binata sa gate at naghihintay na pagbuksan niya.

Hindi niya mapigilang ngumiti. Lumapit siya sa gate at binuksan iyon. Sinalubong niya ng ngiti si Asher.

"H-Hi, pasok ka?" parang hindi niya siguradong pag-aya rito.

Natawa ang lalaki at nagkibit-balikat. Nakakita ng kakaibang kislap si Alya sa mga mata nito. Parang may isinusupil din na kasiyahan at hindi niya namalayang ilang segundo pala siyang napatitig kay Asher. Nang tumikhim ang binata ay saka lang siya napabalik sa huwisyo.

"I can stay here outside if you want. I'll just give you these," iminuwestra nito ang mga hawak na pagkain, "'tapos uwi na 'ko?"

Napaamang naman si Alya sa sinabi nito. Umiling siya at sumenyas dito na pumasok. "It's okay. Pasok ka. Ahm, nagulat lang kasi ako sa pagdalaw mo."

Nang sabihin niya iyon, nauna na siya sa pagpasok sa bahay niya habang nakasunod naman sa kaniya ang lalaki. Dumiretso siya sa pintuan na malapit sa garden sa likod ng bahay niya. Nang pagpasok doon ay ang dining area agad ang bumungad sa kanila. Binuksan niya ang switch ng ilaw sa loob at iminuwestra kay Asher ang bar-height stool para umupo.

Agad na kumuha si Alya ng kutsara para sa kanila ni Asher. Saka siya umupo sa tabi ng binata na binubuksan na ang dalang mga pagkain na nasa island counter. Nang tapunan niya ng tingin ang wrist watch ay nagulat siya na mag-a-alas tres na pala ng madaling araw. Napaisip tuloy siya kung ano nga ba talaga ang sadya ng lalaki sa kaniya.

Kaya naman nagsimula siyang magtanong. "Aside from bringing midnights= snacks, ano pa ang dahilan ng ipinunta mo rito?" Siya kasi ay sanay nang magtrabaho at manatiling gising nang ganoong oras. Pero si Asher, hindi niya masabi kung bakit. "May problema ka, 'no?"

Ano pa ba kasi ang ibang dahilan, hindi ba? Alanga amang gusto lang siyang dalawin nito dahil trip lang? Kakakilala pa lang nila sa isa't isa. Malamang ay may ibang agenda ito sa kaniya.

Huminto sa pagkain ng pizza si Asher at tumingin sa kaniya. Nginitian siya nito at mayamaya pa ay may iniabot na box. Kumunot naman ang noo niya.

"Para saan 'yan?" takang tanong niya.

"Para sa 'yo 'to. Sigurado akong magugustuhan mo 'yan," sagot sa kaniya nito at nagpauloy sa pagnguya.

Binuksan niya ang box na naka-ribbon pa. At napaawang ang labi niya nang makita ang laman niyon. Isang maliit na bible. Kulay puti at gold ang kulay nito at nakakapa rin niya ang mga letra nang subukan niya itong basahin sa loob. Iyon na yata ang pinakamagandang bagay na natanggap ni Alya sa buong buhay bukod sa magkasama-sama silang pamilya noong pasko.

Napatingin siya kay Asher na nakatitig na pala sa kaniya. Nakaramdam siya ng pag-init ng pisngi at sa sulok ng kaniyang mga mata. She's so overwhelmed.

"T-Thank you, Asher. I badly need this. Words of God are the only way to make me calm this time." At kasama na rin si Asher sa ipinagpapasalamat niya dahil kahit papaano, may nakaka-usap siya sa kanilang village at naging kaibigan pa.

"You're always welcome, Alya Zion. Hindi lang 'yan ang matatanggap mo sa akin sa oras na sumama ka sa biyahe ko." At kinindatan siya nito.

--*--

The next chapters will be visible on Quattro (Tagalog Online Stories). Thank you for reading.

Psalms 46:5Where stories live. Discover now