1

10 0 0
                                    

SA LOOB ng dalawampu't dalawang taon, naramdaman niya ang higit sa isang libong mga panahon. Mayroong lungkot, hinagpis, takot at galit sa bawat oras na lumilipas. Pero ang kasiyahan sa buhay niya, panandalian lang.

Ang pinakamasaya na siguro doon ay iyong nagkasama-sama sila ng kaniyang pamilya sa araw ng pasko. Kahit na, isang beses lang iyong nangyari sa tanang buhay niya.

Napahinga siya nang malalim. Saka ipinagpahinga ang mga mata, ganoon din ang kaniyang isip. Isinara niya ang laptop na nasa kaniyang harapan at pagod na naisandal na lang ang likod sa kinauupuang swivel chair. Isang journalist si Alya Zion. Pero kung tutuusin, hindi niya mararating ang kung ano man siya ngayon kung hindi siya tinulungan ng kaniyang sarili.

Sino pa ba ang tutulong sa kaniya? Wala rin naman siyang kaibigan. Kung mayroon man ay nabubuwal agad dahil inilalayo niya ang kaniyang sarili sa mga ito. Masiyado na kasing magulo ang buhay niya. At ayaw niyang may madamay pa uli sa gulong hindi naman niya sinimulan.

Hinilot-hilot niya ang batok bago naisipang tumayo. Tinanggal niya ang anti-radiation glass na nasa kaniyang mata. Inilapag iyon sa mesang kinalalagyan ng laptop, saka uminat.

Tinungo niya ang bintana sa loob ng kuwarto at hinawi ang kurtinang nagtatakip doon. Madaling araw na. Nang tapunan niya ng tingin ang wall clock ay hindi na siya nagulat nang matapos na naman siya nang alas quattro ng umaga. Wala naman nang bago roon. Ito ang pinili niyang kurso at maging trabaho.

"Good morning, world," iyon agad ang una niyang binanggit matapos ang madugong mga oras na lumipas dahil sa kaka-isip ng ita-type sa kaniyang article. "Thank you, God." Saka niya marahang binuksan ang bintana ng kaniyang kuwarto.

Sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin sa madaling araw. Napapikit siya at dinama iyon. Ilang beses siyang huminga nang malalim dahil ramdam na naman niyang maiiyak siya. She's so emotional. Idagdag pa na sobrang tahimik ng paligid at madilim pa ang kalangitan. Sa ganitong oras niya lang nailalabas ang tunay na siya.

Muli niyang binuksan ang mga mata. Pinagmasdan niya ang paligid. Nasa second floor siya ng kaniyang bahay sa isang village. Bukas ang mga ilaw sa labas ng mga kabahayan kaya kahit papaano ay hindi gaanong nakakatakot tingnan ang buong lugar.

Ilang minuto siyang nanatili roon, nagmamasid at nagmumuni-muni lang. This is her kind of rest. Kahit papaano ay naitatakwil niyon ang stress na tumatama sa kaniya.

Iniangat naman niya ang tingin sa kalangitan. Kitang-kita roon ang nagkikislapang mga bituin. Tipid siyang ngumiti at umalis na sa kinatatayuan. Hinayaan lang niyang nakabukas ang bintana para mapagmasdan ang langit. Tinungo niya ang kamang malapit doon at sinimulan nang ipahinga ang katawan. Tamang-tama lang ang puwesto ng queen-sized bed para makita niya nang malinaw ang kalangitan mula sa labas ng bintana.

Lihim siyang nagdasal bago hinila na ng antok.

"Kanina pa ako tumatawag sa yo, te! Ano? Itinuturing mo na rin akong virus?"

Naitikom na lang ni Alya ang bibig nang tumawag na naman sa kaniya ang dati niyang kaklase sa college at naging ka-roommate sa boarding house noon— si Felicia. Kuwela at may pagkaprangka ang dalaga. Kabaliktaran niya na mas gugustuhin na lang na nakatikom ang bibig kaysa makapanakit pa ng damdamin ng iba. They say, being straightforward is a sign of maturity. You tell what you see because you are being honest. You tell what makes anyone or everything wrong, and with that, it helps them improve themselves. There will be a change. Maturity is when you started helping people— for some of them.

But for her, if you are really matured enough, you will just shut your mouth and let them notice their mistakes by themselves. Trying to hurt their pride or ego is not the answer. People themselves will realize things they are doing once they reflect on their lives.

Psalms 46:5Where stories live. Discover now