Chapter 41

62.7K 1.4K 86
                                    

Andy

It wasn't a question, it was a statement. He wasn't asking for permission, he declared it

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya

"Hindi ko alam kung paano manligaw. I never courted anyone so I guess I'd just do my best"

Seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Napalunok ako

Damn, ano ba talagang nangyayari sa kanya? This is ridiculous!

He moved his face closer to me. Natauhan ako sa ginawa nya. Inalis ko ang pagkakahawak nya sa bewang ko

"Wait Axel!"

Umatras ako, lalapit sana ito sa akin pero mabilis akong umiling

"Lilinawin ko lang. Kaya lang tayo nagkaroon ng connection ulit dahil kay Coreen. I told you that we can be civil to each other but the courtship you were talking about? There's no way"

Nababaliw na ba sya at iniisip nyang hahayaan ko syang ligawan ako? Yes, I forgive him but I still don't trust him

Kumunot ang noo nito

"Why don't you give it a shot? I know I fuck up back then, I was horrible to you and I regret everything that was why I'm here to make it up with you" nagbuga ito ng malalim na hininga

"Axel I told you that---"

"Please give me a chance Andy" namumungay ang mga mata nito

Huminga ako ng malalim

"Why are you doing this? Is this about Coreen? You want to give her a complete family?"

Kasi kung tungkol ito kay Coreen, hindi nya naman kailangan gawin ito para bigyan ang anak namin ng buong pamilya. Mapapalaki pa rin naman namin ng maayos si Coreen kahit hindi kami magsama bilang mag asawa

"Yes I badly want to give her a complete family but Andy, I'm also dying to be with you"

Nabigla ako sa sinabi nya. Shit! Ano bang pinagsasabi nya? Kanina pa ako nawiwindang sa kanya!

"Lasing ka ba?"

Hindi ko inaasahan ang mahinang pagtawa nya

Naglakad ito palapit sa akin

"Liligawan kita kahit ilang beses mo akong tanggihan, hindi kita susukuan Andy"

Tinitigan ko sya ng seryoso

"Do you think this is just a joke?"

"Of course not"

"Yes I forgave you but that doesn't mean I'm allowing you in my life. You're welcome in Coreen's life but not in mine"

"Andy..."

"Hindi ganun kadali makalimot Axel. You hurt me, you broke me and made me feel unwanted and now you're here and telling me that you want to court me?"

Iniisip nya ba na laro lang ito? Damn you, don't you dare play with my feelings!

Tatalikuran ko na sana ito nang bigla nyang hawakan ang braso ko para mapigilan ako

"Mahal kita Andy"

Pakiramdam ko ay nabingi ako dahil sa sinabi nya. He didn't say those words right?

"So please give me a chance Andy, to prove it to you"

He turned me and made me face him. Tinitigan ko sya, he looks tired. Parang pagod na pagod na ito sa mga nangyayari

"A-ano bang sinasabi mo?"

UnwantedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz