Chapter 27

63.3K 1.5K 88
                                    

Andy

We went downstairs. Nasa may sasakyan na si Hershey kasama ni Darren. We decided na wag ng magdala ng sasakyan since nag insist naman si Darren na ihahatid rin kami pauwi

Nagpaalam kami kay Manang Mona at kay Coreen na naglalaro sa may living room

We went inside Darren's car

"Ano kayang magandang ipasalubong kay Coreen?"

Nakaupo si Hershey sa may tabi ni Darren. Si Darren ang nagdadrive

"Hershey, bar ang pupuntahan natin hindi amusement park. Ano maiuuwi natin kay Coreen, alak?"

Gabby rolled her eyes. Napanguso naman si Hershey

"I'm just thinking that we could drop in some shop in our way home and buy something for Coreen"

"Well we can still do that kung hindi tayo lasing sa mga oras na yun"

"I'm positive that I won't get drunk Ate Gabby"

Gabby rolled her eyes

"Syempre wala naman nalalasing sa juice"

Darren laughed at pati ako ay natawa na rin. Namumula naman si Hershey at nag iwas na lang ng tingin

Hindi talaga mahilig uminom ng alak si Hershey. Whenever we're in a party, madalas ay juice ang iniinom nya

"I can't see any wrong with that. I like girls who don't actually drink too much"

I'm pretty sure that Hershey's now blushing even more

"Naku Darren, mas lalo tuloy namula. Baka mamaya dahil sa sinabi mo, gatas na inumin nyan sa party"

"Ate Gabby!"

Natawa na lang si Gabby sa kanya

Nakarating kami sa may bar. Malakas na music, amoy ng alak at mga taong nagsasayawan sa dance floor ang sumalubong sa amin. May mga ilan din na nakaupo at umiinom

May mga lumapit kay Darren at binati ito. Darren led us in a table

"Anong gusto nyo?!"

He had to shout for us to hear him

"May gatas kayo?!"

Darren laughed on Gabby's sarcasm

"Alright, ladies drinks!"

Umalis ito sa harap namin at pumunta sa may counter

Hindi nagtagal ay may dumating na mga alak

We started drinking, napangiwi ako nang malasahan ang pait ng alak

"This is so fun!"

Pinapanood ko lang ang mga nagsasayawan sa dance floor. Nilibot ko ang tingin at nakitang may mga nagmemake out sa isang gilid

"Don't be afraid to get drunk. I'll take care of the both of you!"

"You mean, we'll take care of you Ate Gabby?!"

Gabby rolled her eyes. Hershey chuckled

We continue drinking. Wala naman sigurong masama kung mag enjoy ako minsan. If I get drunk it's okay, kasama ko naman sila Gabby. I know they'll take care of me

"Sayaw tayo!"

I shook my head at Gabby

"Medyo masakit pa ang paa ko!"

She nodded. Hinawakan nito ang kamay ni Hershey at hinila ito papunta sa may dancefloor

Natawa na lang ako sa ginawa nya. Mukhang ayaw rin ni Hershey pero wala na itong nagawa nang hilahin ni Gabby

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon