Chapter 26: Relative?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ye-yes." Is that even possible? Is she really writing a check worth five million pesos? Waah!

"Here." Inabot niya sa akin ang cheke. "Don't lose it. Deposit it right away, and be very careful; that's a huge amount of money."

"O-opo." Nakakanerbyos naman ang chekeng 'to.

"Do you want to have lunch with me?" Tanong ni Lady V.

"Sige po. Libre po namin kayo."

"No dear, I still have more money than you." Sagot ng matanda sa alok ko.

Taray naman ng lola mo! Para nagmamagandang loob lang.

"Okay po."

"We'll have lunch here. I usually don't go out for security reasons." Ngumiti siya ng bahagya. "Jen, please tell the chef." Tumango ang assistant at naglaho siya papuntang kung saan.

When the assistant left, I grabbed the opportunity to ask Lady V a question.

"Lady V, bakit po hindi matulis ang tenga niyo?"

"That's just illussion dear."

"Watch," Nilapitan niya si Pio at hinawakan ang tenga. Pag-alis niya ng kamay niya ay parang normal na ang tenga ni Pio. Normal. As in. Pang-tao na tenga.

"Ganoon lang 'yon kadali? Pio, bakit 'di mo ginamit kapangyarihan mo?" Marahan kong pinalo si Pio sa braso.

"Wala akong ganoong kapangyarihan, Alex." Sagot niya.

"Oh." In fact, I've never seen him use his powers. Except that weird thing he did with Simon.

"You see, hindi lahat ng engkanto parepareho ang kapangyarihan. Some have different powers- like Pio's father. He's very powerful but some don't have powers at all." Sabi ni Lady V.

"Ah.. ganoon po ba.."

"Eh, alam po ba ng mga employees mo dito na isa kang.. You know.?"

"Not everyone.. But my head guard knows and so does Jen. I trust them and they've proven it." Sagot niya. Taray talaga!

"I see.." I paused para mag-isip ng bagong tanong. "Eh pa'no niyo naman po nakilala ang asawa niyo?" Pagkasabi ko 'non napafingers-crossed ako. Sana hindi siya magalit sa pang-uusisa ko. Baka sabihin niya feeling close agad ako.

But instead of being irritated by my questions, I saw her face lit up as if remembering a good memory.

"Ahh.. I actually met him here, later I'll show you where. Sa likod ng bahay na ito ay mayroon dating lagusan. Noong dalaga pa ako ay mahilig akong mamitas ng bulaklak sa kagubatan kasama ang mga kaibigan ko. Isang araw namitas akong magisa sa pinakamalayong parte ng gubat hanggang sa marating ko ang kinalalagyan ng lagusan. I knew I was forbidden to cross the portal but I was always curious of what's on the other side.. Sumuway ako sa utos at tinawid ko ang lagusan. And there, I saw a boy." She smiled at me. I could see that she's happy. I smiled back at her giddily. She went on with the story.

"Wala pa ang bahay na ito noon, isa pa lamang itong gubat. Nagpakilala siya sa akin at ganoon din ako. His name was Oscar. Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin na nauwi sa pag-iibigan. Sa tuwing may pagkakataon ay pumupuslit ako sa lagusan upang magkita kami hanggang sa isang araw ay nasundan ako ng isang kawal at isinumbong ako kay Ama." Natigil siya. Malungkot na ngayon ang expression niya.

"And then what happened?" Tanong ko sa kanya.

"Pinapili ako ni Ama but I chose Oscar. I remember how angry he was. I never told them that we already got married and that I was pregnant." She frowned.

"Nagkaanak po kayo? Pwede po namin siya makilala?" I asked her excitedly. Ano kaya itsura niya? Makakakita na ako sa wakas ng engkantao.

"She died at birth."

"I'm so sorry po, Lady V." I reached for her hand to comfort her. Dami ko kasing tanong.

"It's okay. I've accepted the fact that I was never meant to be a mother. Oscar and I were happy with just the two of us. We worked hard and this is the result." She made a gesture with her hand.

Mabait naman pala si Lady V. Mukha lang talagang mataray gawa siguro na matagal siyang namuhay mag-isa with only her assistant and guards with her. Madami pa kaming napag-usapan until our lunch was ready. Exciting! Take note, hindi ordinaryong lutong bahay ang inihanda para sa amin. Walang adobo or menudo dito. Lahat sosyal na pagkain. May sariling chef naman kasi. Nagtaka tuloy ako kung ilan ang monthly expenses ng bahay na ito.

Anyway, pagkatapos namin kumain ay itinour niya kami sa malawak na bahay niya. Sa likod nito ay naroon nga ang gubat.

"Dito kami unang nagkita ni Oscar. Dito rin iniaabot ni Filomino ang mga sulat ni Sonayda noong bago pa lang ako sa mundong ito. The portal used to be here." Wika ni Lady V.

Naalala ko tuloy 'nong tinawid ko ang portal matapos ang mapait na sinapit ko sa kamay ng hari.

"Sa tingin niyo po magbubukas ulit ang lagusan?" Tanong ko.

"I don't know, but we'll see.." She replied with a shrug.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon