Chapter 45

419 27 1
                                    

~Servant of the night~
Chapter 45
By: Mharl

"Kalix! Kalix!" unti unti kong iminulat ang mga mata ko matapos akong makaramdam na parang may tumatapik sa mukha ko

hinang hina ang katawan ko at tila ba hindi ako nakakain ng ilaw araw dahil pati ang pag dilat ay nahihirapan ako

shit! what happened to me

"Pst. Hoy teh Gising na si Kalix" unti unting nakapag adjust ang mga mata ko hanggang sa makita ko ang paligid

nasa isa kaming bahay, hindi ako pamilyar sa lugar pero puting puti ang buong bahay

"A-anong nangyari sa inyo?" sinubukan kong tumayo kahit na hirap na hirap na ako at agad naman akong tinulungan ni Jpih

May mga gasgas ang balat ni Amanda, Gela, ayeesha at erl habang may benda naman si Damon sa kaliwang kamay nya

"Hindi din namin alam, when i woke up we are all here" biglang sabi ni Ayeesha habang ginagamot ang iba pang sugat ni Damon

"Si Rafael?" tanong ko sa kanila ng hindi ko sya mapansin sa lugar kaya kahit na nahihirapan ay agad akong tumayo

"Where is he?" kinakabahan kong tanong, wala din dito si Calum, Ethan at Axel

"We are not sure, but we need to get out of here, kanina pa kami nakakarinig ng mga putok ng baril, malakas ang pakiramdam ko na matapos tayong mawalan ng malay Dito tayo dinala" sabi ni Damon bigla saakin na mas lalo kong ikinakaba

asan si Rafael? bakit wala sya dito?

"Kaya nyo bang maglakad, kailangan na nating umalis dito bago pa tayo pasukin" saad naman ni Erl saamin, mukhang nakakalakad naman ako ng maayos medyo nanghihina lang ako

"asan ang mga gamit natin?" tanong ko sa kanila pero umiling lang sila. Mahihirapan kaming makalabas dito kung wala kaming gamit baka mabaril lang kami

"We don't have any guns or tools that we can use" sagot naman ni erl na ikinabuntong hininga ko. We wre trapped

"fuck! paano tayo makakalabas dito kung wala tayong gamit" irita kong sabi. Ilamg oras ba akong walang malay?

"Dapa!" biglang sigaw ni damon na ikinagulat naming lahat

napayuko nalang kami ng biglang sunod sunod na may nagpaputok nanaman kaya agad akong dumapa sa kaba

"Please Rafael, be safe" i don't know where you are and Axel, Calum and Ethan but please be safe

hindi ko na alam ang gagawin ko basta ang alam ko ay kailangan kong makakuha ng baril para makaalis kami Dito

hirap silang umalis dahil sa mga sugat nila kaya wala akong choice kundi ako ang lumabas

Mabilis akong tumayo, hahawakan sana ako ni amanda pero agad akong tumakbo papunta sa pinto

"Kalix anong ginagawa mo!" sigaw saakin ni Jpih pero hindi ko na sya pinansin at agad akong lumabas ng bahay at isang madamo at matalahib na gubat ang nadatnan ko, hindi ko alam kung saan nang gagaling ang mga tunog ng baril at ng akmang tatakbo na ako ay biglang may humawak sa kamay ko na ikinagulat ko

"sasama ako sayo, kaya ko pang tumakbo" biglang sabi ni Jpih saakin

"Hindi mo to kailangang gawin Jpih, baka mapahamak ka" saad ko sa kanya dahil hindi sya marunong makipag laban o gumamit man lang ng baril

"Kung mamamatay ako ngayon wala akong pagsisisihan kalix, dahil nakilala ko si Ethan at kayo kaya lahat gagawin ko mailigtas ka lang sa lugar na to" dagdag nya pa na ikinalambot ng dibdib ko, hindi ko alam pero pinapaalala nya saakin ang nakaraan ko

Servant of the NightWhere stories live. Discover now