Chapter 11

1K 43 37
                                    

~Servant of the night~
Labing isang bala
By: Mharl

Napamulat nalang ako ng bigla kong marinig yung tunog ng alarm kaya agad ko itomg inabot at pinatay

sigh

kulang pa ako sa tulog, medyo masakit din ulo ko dahil siguro masyadong gabi na ako natulog

halos alas kwatro na ako nakatulog kagabi, nakatunganga lang ako sa kisame, blangkong blangko ang utak ko pero hindi ako tinatamaan ng antok

napabuntong hininga nalang ako bago bumangon sa kama, napansin ko din na mukhang hindi sya dito natulog sa tabi ko dahil naglagay ako kagabi ng unan sa gitna namin pero parang hindi naman nagalaw

agad na akong pumasok sa loob ng cr para sana maghilamos ngunit ng bubuksan ko na sana yung gripo ay agad kong nakita yung engagement ring na ibinigay nya saakin na ikinaawang ng labi ko

alam ko binalik ko to sa kanya kagabi, ibig sabihin natulog sya sa tabi ko?

inilagay ko nalang muna sa bulsa ko yung singsing at saka ko na ginawa ang daily routine ko at iniligpit ang kama

pagkababa na pagkababa ko sa sala ay napatigil nalang ako sa paglalakad ng makita ko syang natutulog sa Sofa at nakakumot at mukhang mahimbing pa ang pagkakatulog nya kaya dahan dahan nalang akong naglakad papunta sa Kusina

Nagluto nalang ako ng Ham at Bacon para mabilis na maluto at nagugutom na din ako

habang piniprito ko yung mga ulam ay nagtitimpla nadin ako ng kape para matapos agad ako at ayaw kong kumain kasama sya. Siguro mamaya nalang ako kakain sa kwarto or baka pag maliligo na sya pero ayaw kong kumain na kasama sya

"Kanina ka pa gising?" nagulat nalang ako ng biglang may magsalita sa likod ko kaya agad akong napatingin sa kanya na ikinabilis ng tibok ng puso ko dahil napakalapit nya saakin at mukhang kakabangon lang dahil gulo gulo pa ang buhok nya

"oo" maikli kong sagot at umusog ako ng kaunti para makaalis ako sa pwesto ko ngayon at binaliktad ko na yung ham atsaka ko inilapag yung kape nya sa table dito sa kitchen na agad nya namang pinuntahan at ininom

"have you ea" tanong nito habang naririnig ko pa ang pag inom nya ng kape at naghuhugas naman ako ng plato

"please don't talk to me" saad ko sa kanya na ikinatahimik nya, buti naman at marumong syang makiramdam, tinitiis ko nalang na wag syang awayin ulit dahil ayaw ko din mabugbog

"are you still mad b-"

"no im not mad" pagpuputol ko sa sasabihin nya at duon ko narinig ang malalim nyang buntong hininga at pinunasan ko na ang kamay ko matapos kong hugasan ang mga platong ginamit ko atsaka na ako pumunta sa piniprito ko at inahon yun at inilagay sa harap nya

"hindi mo talaga ako kakausapin?" tanong nanaman nya saakin habang pinaghahandaan ko sya ng kanin, mabuti nalang at mabilis tong naluto kung hindi baka maghintay pa ako ng ilang minuto dito sa loob kasama sya

"wala naman tayong dapat pag usapan, malelate ka na sa flight mo, you have something to do in office bago ka lumipad right?" saad ko sa kanya habang naka fake smile para mawala ang awkwardness at inilagay ko na yung pagkain sa harap nya ngunit ang mga mata nya ay saakin parin nakatingin. Nagulat nalang ako ng bigla nyang itabi yung mga plato nya at hawakan ako sa balikat na ikinatingin ko sa kanya

"halika nga rito" nagulat nalang ako ng bigla nya akong buhatin at iupo sa lamesa at saka nya ipinasok ang katawan nya sa pagitan ng dalawa kong hita and he snake his arms on my waist kaya napakalapit naming dalawa habang ang mga mata nya ay nanatiling nakatingin sa mga mata ko and he smiled at me

Servant of the NightWhere stories live. Discover now