"Hello po ma'am."

"Magandang hapon po."

Mga bati nila sakin nang makalabas ako ng elevator. Kinamusta ko ang ilan sa kanila at tumungo sa mga kaibigan ko.

"CEO Galanza!" Nakangiting bati ni Eya sakin at sinalubong ako ng yakap.

"Miss na miss ha. Parang di naman nagkikita araw-araw." Bulong ni Yumi kaya nakatanggap siya ng malutong na batok mula kay Eya.

"Eh bakit ba?" Pairap na tanong ni Eya.

"Kamusta lakad?" Fhen asked. "Nakausap mo ba yung gago mong ex?"

Agad naman siyang hinampas ni Mika sa braso.

"Wag ka ngang ganyan. Nasa opisina tayo at baka may marinig pa sayo. Malalagot tayo." Mika told her.

"Eh sa nagsasabi lang ako ng totoo." Sagot pa ni Fhen kaya umawat na ako.

"Hay tama na yan. I wasn't able to talk to her because she did something important daw sabi ng sekretarya niya." Sabi ko.

"Si Ponggay?" Ej asked but I shook my head.

"Michelle Cobb daw ang pangalan." Hindi ko alam kung sasabihin ko din bang girlfriend siya ni Deanna. Pero tutal wala namang mawawala kung sasabihin ko, sinabi ko na.

"Edi quits naman pala kayo. You have Cordova and she have Cobb. Fair." Sabi ni Eya. Tumatango-tango naman ang iba sa sinabi niya.

"See? Gago talaga. Iniwan ka na nga tapos pinagpalit ka pa." Nasapo ko na lang ang aking noo dahil sa patuloy na pananalita ni Fhen.

"Fhen enough. It's all in the pasy and we're happy now. Alam kong galit ka pero ilagay mo sa lugar." Panenermon ko kaya natahimik siya at padabog na bumalik sa kanyang ginagawa.

Napansin kong tahimik lang si Ken na nakikinig samin kaya nilapitan ko siya.

"Is there a problem Ken?" I asked him but he gave me a scared look. "Nakakita ka ng multo sis?"

"Eh paano naman kasi, kanina daw na pumunta siya sa office mo para ireport yung nangyari sa airport, stress ka daw at maraming ginagawa kaya hindi mo sinasadyang masigawan si Kenneth. Of course he did not expect that but I told him that yun nga na stress ka lang at marami ka pang kailangang tapusin. " Kwento ni Mika kaya ngumiti ako kay Kenneth at pasimpleng ginulo ang kanyang buhok.

"Pasensya ka na sa inasal ko kanina. Tama naman si Mika but I still have to control my emotions towards to the other people." Sabi ko kaya napangiti na rin siya.

Nagpaalam muna ako sa kanila para makapabalik na sila sa ginagawa nila kanina at para na rin macheck ko sina Ate Jia at Kyla sa itaas.

Even if this is my office, I still knocked and waited them for me to enter.

"Pasok lang!" Rinig kong sabi ni Kyla kaya pumasok na ako.

Sabay silang natigilan atsaka sakin tumingin.

"Ikaw lang pala Jemalyn. Bakit ka pa kasi kumatok?" Tanong ni Kyla.

Binaba ko muna ang bag ko atsaka umupo sa aking office chair.

"Manners." I shortly replied and leaned my head.

"Oh what happened to your appointment?" Ate Jia asked and started to do the paperworks again.

So for the second time, kinwento ko sa kanila lahat ng pangyayari at pareho lang sila ng reaksyon kina Mika, Eya, Ej, Ken at Fhen. Unexpected happenings occur nga naman.

My Immortal Crush  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon