"Bakit nga late ka?" Tanong ni Christine.



"Si tita kasi eh, Gabi na umuwi, hinintay ko sya kaya ayun hanggang nyagon inaantok pa ako. Bakit raw na aksidente si sir?" Tanong ko.




"Ewan ko ba. May pumunta rito kanina na teacher din. I think baguhan yun dito sa BNHS at sinabi na ilang weeks raw baka wala si sir kasi nasa hospital daw. At baka merong teacher na papalit muna kay sir habang wala sya." Paliwanag ni Christine.




"Ahh, nagmadali pa naman akong pumunta rito pagkatapos ito ang bungad." Sabi ko sabay higa sa desk ko.



"Kamusta kayo nang jowa mo bhe?" Tanong ni April.



"Hindi ko yun jowa noh."



"Deny! Deny! Mabubuking rin kayo."



"Kung kami edi kayo ang una kung sasabihan." Giit ko.



"Wala pa rin bang balita Kay rendelle?" Tanong naman ni Christine.




"Wala eh. Yung mama nya hindi rin sinabi saakin."



"Baka nagkasakit lang." Sabi ni Christine.




"Ewan! Hayaan muna natin. Babalik rin yun."




Second subject na namin sa umaga kaya bumalik na sa upuan silang dalawa dahil dumating na rin ang teacher namin.





Wala rin kaming masyadong ginawa kaya nakinig lang kami at kinopya ang sinulat nya sa blackboard.




Tanghali na nang nagpaalam si ma'am, dali dali rin kaming lumabas at naghanap nang makakainan. Katulad kahapon ay magkasama ulit kaming kumain nila tyron at kasama na ang mga boyfriend nila.




Pa round ang lamesa na napili namin, kaya magkatabi kaming dalawa ni tyron. Sya rin ang pumili at bumili nang ulam namin dahil meron naman kaming dalang kanin.





Maikling oras lang ang natira saamin kaya pumasok na ulit kami dahil meron pa kaming klase. Nag paalam na kami sa kanila at nag umpisa nang lumakad.




HAPON na nang matapos ang klase namin. Kaya dali dali naming linigpit ang gamit namin at lumabas na sa kwarto.



"Nasaan daw silaa." Tanong ni April.




Sasagot na Sana ako nang magsalita si Christine. "Nagtatambay sila sa labas. Ka text ko si kim eh."




Sabay sabay kaming tatlo na lumabas at hinanap sila. Nakita naman namin sila ka agad. Si Christine lumapit ka agad sa boyfriend nya. Si April naman ay nag chicka pa sa friend nya. Ako diretso lang ako kay tyron at umupo sa tabi nya.




"Nagugutom ka ba?" Tanong nya saakin.




"Hindi naman. Ikaw kumain kana?" Balik tanong ko sa kanya.



"Busog pa ako. Mamaya na daw Uuwi."




"Bakit raw?"



"Iinom pa raw sila."



"Iinom kaba?"




"Oo naman."




"Sige, Hintayin nalang namin kayo." Sabi ko.



Nakita ko naman si Christine na nag bulongan sila ni kim kaya hindi ko nalang pinansin.




"Huwag kang uminom nang marami, Uuwi pa tayo." Rinig kong sabi ni Christine.



"Gusto mo bang kumain?" Tanong ulit ni tyron saakin.



"Ayaw ko. Busog pa ako." Sabi ko habang nagsicellphone.




Hindi na sya nagsalita at uminom nalang. Tagay lang sila nang tagay, hangang sa nag usap usap sila sa kung ano ano. Hangang nagbangayan na sila. Inawat ni tyron Ang boyfriend ni April at si kim, dahil na subrahan na sa pagsasalita ng kung ano ano.




Nang matapos ay hawak hawak ni Christine si kim at si April naman ay pinapagalitan ang boyfriend nya. Na uwi sila na karga karga ang mga boyfriend nila.



Nag para ako ng motor para sa kanila at una silang pinaalis dahil ihahatid pa nila yung mga boyfriend nila. Napatingin naman ako kay tyron na the last man standing. Ngumisi lang sya saakin.



"Walang makakatalo saakin." Proud nyang sabi.



"Tatlong baso lang ininom mo, pano ka malalasing nyan?" Tanong ko.




"Hindi naman ako malakas uminom."



Malapit ng dumilim kaya inaya ko na syang umuwi. Nag bantay sya ng motor at sumakay kami. Ako muna ang pinahinatid nya bago sya.



"So baka wala kang kasama Mamaya?" Tanong nya.


"Uuwi naman si tita. Gabi lang siguro." Sabat ko.


"Mag Ingat ka ha." Bilin nya.



"Oo naman. Ikaw rin mag Ingat ka." Sabi ko.



Nang makarating ako sa bahay ay nag paalam na ako sa kanya. Hinalikan nya ulit ako sa noo at umalis na. Ako naman ay pumasok na at nilock ang gate.



Dumiretso ako sa kwarto ko at nag bihis at pumasok ulit sa sala at nag linis nag luto na rin ako. Nag text kanina si tita na baka gabihin raw sya. Kaya katulad kahapon ay hinintay ko ulit sya.





Maya Maya ay dumating na sya. Dinalhan nya naman ako ng pagkain pero busog naman ako kaya nilagay ko nalang sa ref. Pagkatapos nyang mag half bath ay pumasok na sya sa kwarto nya. Siguro matutulog na yon. Kaya ako naman ay chineck at nilock ang pintuan. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa kwarto.



Tyron:
Nandyan nana si tita mo?



Basa ko sa text nya.



Me:
Oo, kanina pa. Kumain kanaba?



Tyron:
Oo Ikaw ba? Huwag Ka dyan mag pagutom.


Me:
Hindi naman. Ay nga pala.


Tyron:
Ano?



Me:
May sasabihin ako sayo bukas.



Tyron:
Bakit hindi ngayon.



Me:
Bukas na. Gusto ko personal.



Tyron:
Sige, see you tomorrow. Goodnight 😘



Me:
Goodnight din 😘





Pinatay ko na ang cellphone ko at nilagay sa lamesa. Nahiga na ako sa kama ng may maalala ako. Kahit ilang weeks lang ay na appreciate ko ang panliligaw nya saakin. Kaya oras na siguro na sagutin ko na sya. Sana lang hindi nya ako lokohin katulad sa ginawa ng ex boyfriend ko.




Always think positive. Sabi ko bago ako natulog.




ANA MARIE

ITS EASY TO SAY ILOVEYOU (HIGH SCHOOL SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon