Ika-Labing Isang Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Bahagya akong yumuko ng kaunti at nagsalita. "Paumanhin." Iyon lamang ang sinabi ko at dali-daling lumabas ng silid.

Habang naglalakad pabalik sa pagawaan ng mga gamot, hindi ko maiwasang isipin ang natuklasan ko kanina. Hindi ko lubos akalain na nasa kay Leidi Wheein ang librong matagal ko ng hinanap. Sa kay tagal-tagal kong paghahanap nito ay nasa kaniya lamang pala. Gayunpaman, kailan kong makuha iyon sapagkat malaking tulong iyon sa pag-aaral ko tungkol sa Neriandrin.

Bigla naman akong napatigil nang makarinig ako ng tunog ng latigo at samu't saring hagulgol sa 'di kalayuan. Dahil sa kuryusidad ay nagawa kong sundan ang tunog na iyon, hanggang sa makarating ako sa isang hardin at nakita si Lynn na nakatali sa puno at pawang umiiyak habang nilalatigo ng isang babae. Ngayon ko lamang siyang nakita, subalit kung oobserbahin ang kaniyang bawat anggulo... ang kaniyang bawat galaw at kilos ay hindi mapagkailang mataas ang kaniyang ranggo... hindi mapagkailang nagmula siya sa malalakas na angkan. Sa likod naman nito ay nakatayo ang dalawang tagapaglingkod at bahagyang pinapanood ang kasulukuyang pangyayari. 

Bumalik ang tingin ko kay Lynn na walang tigil sa pag-iyak at namimilipit sa sakit. Pawang namumutla ang kaniyang mukha at mamamalat ang labi. Mahahalata ring hinang-hina na ang katawan at tila wala ng pagkuhanan ng lakas. Makikita ring napunit na ang kaniyang damit sa bahaging likod at nababakas pa ito ng dugo dahil sa malaking sugat na walang tigil sa pagdurugo gawa ng paglalatigo sa kaniya.

Nakaramdam ako ng matinding awa at galit nang makita ang kalagayan niyang iyon at dahil doon ay nagawa kong magtungo sa kanilang kinaroroonan at agad na pinigilan ang babae sa ginagawa nito.

"Tama na iyan." Nagawa kong hawakan ang kaniyang kamay na may hawak na latigo dahilan para mapatingin siya sa akin na may matinding inis at irita ang makikita sa mukha. Halos lukusin na rin ang noo nito sa sobrang kunot. Napansin kong nakatingin na rin sa akin ang dalawang tagapaglingkod at si Lynn na may pagtatakang ekspresyon ang gumuhit sa mga mukha.

"At sino ka naman para pagsalitaan mo ko ng ganiyan?" Malamig niyang giit. Hindi mapagkailang, maganda siya. Maputi ang balat, mataas at makingtab ang buhok, singkit ang mga mata at mataas ang pilik-mata, matangos ang ilong at mapupula ang labi. Matangkad rin siya at maganda ang hubog ng katawan. Subalit, may nararamdam akong hindi maganda sa kaniya. Ewan ko ba, pero tila uminit ang dugo ko sa kaniya.

Sandali kong nilingon si Lynn at namataan kong umiiling siya at tila may kung anong bagay ang pinapahiwatig.

Binalik ko ang tingin ko sa babae at nagawa ko pang makipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Hindi makatarung ang iyong ginagawa."

Tumaas ang kaniyang kilay. "Ang lakas mong mangialam. Sino ka ba sa iyong inaakala?"

'Sino ako? Ako lang naman ang magbibigay ng bangungot sa iyong buhay.'

Gusto kong sabihin ang bagay na iyon sa kaniya... gusto kong isampal sa kaniyang mukha ang katotoohanan na mali ang kaniyang binabangga. Kung tutuusin, ang kaniyang ginawa kay Lynn ang s'yang nagdulot sa akin ng umaapaw na galit. Kung wala lamang kami dito sa palasyo ay malamang kanina na ito nakabulagta sa lupa. Ayaw ko kasi sa lahat ay iyong mga taong sinasaktan ang mga walang kalaban-laban.

Tinignan ko lamang ang babae at nanatiling tahimik. Ni isang salita ay walang lumalabas sa aking bibig. Kaya sa bagay na iyon ay lalong kumunot ang kaniyang noo at lumingon sa dalawang tagalingkod. May bagay siyang sinenyas sa mga ito dahilan para magsilapitan sila sa aking direksyon at agad na hinawakan ang magkabila kong braso. Bago pa ako makapalag ay nagawa na nila akong kaladkarin patungo sa puno kung saan nakatali si Lynn. Marahas rin nila akong tinali doon at napangiwi pa ako sa sobrang higpit ng pagkakatali.

"Ang dapat lamang na gawin sa mga taong kagaya mong pakialamera ay parusahan." Sabi niya at buong puwera akong nilatigo. Halos mapasigaw ako sa sobrang hapdi nang tumama ito sa aking likod. Unang tama pa lamang nito ay parang nag-aalab na sa sakit.

Imperial ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon