Check-In 21: Pirates of the Caribbean

Start from the beginning
                                    

Napasapo naman ang magandang babae ng kanyang noo bago binalingan ang kasama. "Felix, pwede bang tigilan mo na ang panggagaya sa mga yumao na?"

Felix? Bakit masculine 'yong pangalan?

Napabaling kaming lahat sa may pintuan nang tumunog ang wind chime. Pumasok ang isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa edad kwarenta pataas pero mukhang makisig pa rin kagaya ni Count Vladimir. Tumayo na rin ako.

"Darcy, nagkakamali ka ata. Wala ka pang susunduin. Buhay pa 'tong isang 'to, naligaw lang ang kaluluwa," paliwanag naman no'ng magandang babae.

When the man looked at me, I noticed the subtle change of emotion in his eyes. Hindi ko maipaliwanag kung ano. It's like it's in between joy and longing.

He pursed his lips and looked at the pretty woman again. "May ibang paragon akong susunduin, Nena."

Nena pala ang pangalan ng magandang babae. Siya rin siguro ang may-ari ng tindahan na 'to. Ang Aling Nena na tinutukoy no'ng Felix.

"N-Nasaan ako?"

Napalingon kaming lahat sa bandang pinanggalingan ng boses na iyon. May isang babaeng paupo sa sofang katulad nang hinihigaan ko kanina. She has a fair complex, dark short hair, and small pretty face. Sa tantiya ko ay nasa late 20's pa siya o early 30's.

The man pulled out something from the inside of his black trench coat. Namangha ako nang mapansing parang card iyon na kulay ginto. Tumabi ako nang naglakad ito papunta sa babae at inabot iyon.

"Everlyse Puno, 29, 12:35 pm. Nasagasaan ng truck habang nakikipaghabulan sa binatilyong anak na balak lumayas. You're a paragon. You did well in living your life," wika ni Sir Darcy.

Naguguluhan man ay tinanggap pa rin ni Ma'am Everlyse ang card. Tinitigan niya iyon saglit bago siya nag-angat ng tingin ulit sa lalaki.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"You're dead," diretsahang tugon ni Sir Darcy.

"D-Dead?" Umiling si Ma'am Everlyse habang unti-unting nanunubig ang mga mata. "H-Hindi pwede... Paano na 'yong anak ko? Siya na lang mag-isa... Kailangan niya ng kasama. Kailangan niya nang gagabay sa kanya..."

"Kapag may nawawala, lagi may dumarating. Iyan ang batas ng buhay at kamatayan, Everlyse," hayag naman ni Ma'am Nena.

Umiling ulit si Everlyse. Tumayo siya at lumuhod sa harapan nina Sir Darcy at Ma'am Nena.

"Parang-awa niyo na po... K-Kahit isang araw lang... Pabalikin niyo ako... Magpapaalam lang ako nang maayos sa anak ko. Kailangan niya ring malaman ang lokasyon ng tatay niya para kahit papaano po ay mapapanatag akong nasa mabuting mga kamay na siya kahit wala na ako... Nagmamakaawa po ako..." she begged while crying and as she hugged Sir Darcy's legs.

Nahabag ako habang pinapanood si Ma'am Everlyse. Indeed, you cannot predict nor underestimate the lengths a mother can go through for her children. Ang swerte naman ng anak niya...  Hindi ko nailagan ang pagbayo ng lungkot at pait sa dibdib ko.

"Tapos na ang oras mo," mahinahong sagot ni Sir Darcy.

"Please, please... Kailangan ko lang pong dalhin ang anak ko sa ama niya sa Hotel Grimm..."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. "Hotel Grimm po?" tanong ko bilang paglilinaw.

Napabitaw si Ma'am Everlyse sa mga binti ni Sir Darcy at binalingan ako para tumango. "Oo, hija, Hotel Grimm. Ang may-ari no'n ang ama ng anak ko. Gusto kong iwan sa kanya si Evan para masiguro ang kapakanan ng anak ko kahit wala na a-ako..." she choked up in tears.

"Doon po ako nagtatrabaho. Si Count Vladimir po ang amo ko at hinahanap niya po ang mga anak niya. Pero pumanaw na rin po siya..." malungkot na saad ko.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulWhere stories live. Discover now