Hindi ko pa nakikita si Hazy at kahit sino sa pamilya niya bukod kay Hanz.
"What are you thinking again?" Napiksi ang iniisip ko sa gulat. Muntik ko pang masagi ang dumadaang bisita sa harapan ko. Mabuti nalang walang alam iyong naglakad ng deretso.
Sinamaan ko ng tingin ang lalaki pero nakangisi lang siyang nakiupo sa isa pang duyan katabi ko. Pansin kong basa parin ang buhok niya at formal ang suot katulad ng white long sleeve at pants. Amoy shower gel din siya at ang kilala kong pabango niya.
Mukha kaming couple na nag lalaro lang dito kung wala lang event na ganito.
Couple?! Talaga ba Lori? Bulong ng isipan ko.
"Ang hilig mong bumulong at manggugulat" saad ko nalang, tinignan ang pag upo ng mga tao sa kani- kaniyang napiling p'westo.
Hindi siya nakasagot dahil binati s'ya ng ilang dumating. Mga schoolmates siguro ni Hazy na kakilala niya rin. Mayroon pang mga babae na halos hindi maitago ang tingin sa kaniya.
"Ano 'yon?" Tanong niya maya maya. Sinilip niya pa ang mukha ko na para bang hindi ako nakikinig sa kaniya. Kaya tinignan niya rin ang tinitignan ko. May simpleng stage kasi kung saan may mga kaklase ata si Hazy na mag pe-perform. Two of them holding guitar. On the other side kakanta ang iba. Simple effort that I'm sure Hazy makes happy. What a kind of friends.
"Ah. That's hazy's friends" utas niya. Hindi pinagtuunang pansin. Pero ako nakatingin parin doon. They start displacing the string of the guitar. Walang kumakanta pero patuloy sila, tamang tama sa himig ng malamig na gabi.
"Aren't you hungry?" Tanong niya saakin. Pansin kong nakakunot ang noo niya at nakabaling sa'akin. Kaya napatingin ako sa kaniya-- napaiwas din agad. Pota! Kahit may distraction akong mapansin, Hindi talaga matutumbasan 'yon kapag napapabaling ako sa mukha niya!
"Hindi naman" Sabi ko, nilaro ang mga daliri. Avoiding his gaze.
Narinig kong nagsalita ang Isa sa mga kaibigan ni Hazy na nasa mini stage. Inaaliw niya ang mga kaklase. They're requesting songs, hindi rin nawala ang asaran.
"Let's go eat" Sabi niya bigla, napatayo agad ako ng hilahin niya ang kamay kong naglalaro. Hindi niya 'yon binitawan kaya tinago ko ang pamumula ng pisngi, nakayuko ako habang hinihila niya ako papunta sa long table at doon paupuin.
Magtatawag na sana siya ng katulong para iayos ang pagkain ko pero pinisil ko ang kamay niya kaya saakin siya napabaling.
" Mamaya na, magsisimula narin naman. Tsaka hindi pa naman ako gutom" ngiti ko sa kaniya na agad naman niyang naunawaan.
Tsaka nakakahiya kung mangunguna ako!
**
Dumating si Hazy kasama ang daddy niya. Nasa may pinakang unahan kami kaya hindi agad siya nakalapit. Inuulan siya ng pagbati ng mga kaklase.
Wearing red silly dress and a smile on her face, she looks gorgeous. Hindi mapagkakailang may magandang postura. Nakipag kwentuhan siya sa mga kaklase at pansin kong close rin ng daddy niya ang mga ito. Hindi naman 'yon bago dahil halata naman na pala kaibigan sila.
"Hi! O my god! Ate Lori!" Sigaw niya ng makita ako. Napangiti nalang tuloy ako dahil hindi ko pa naman siya ganoon ka close pero grabe yung pinaparamdam niya saakin.
Lumapit siya at niyakap ako. I saw Hanz reaction, his lips twitch and parted. Siguro iniisip niyang siya ang kuya pero ako ang unang pinansin. Cute.
"Ganda mo." Bulong ni Hazy.
"Happy birthday" sagot ko nalang, nakangiti habang yakap niya ako.
"Thank you, akala ko hindi ka pupunta e!" Sabi niya napangiti nalang din ako.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 8
Start from the beginning
