"Are you sure you're done?" Patanong na sabi niya. Pasimpleng pinasadahan ng tingin ang muka ko at suot ko.
Nahiya ako at namula.
"Bakit? May mali ba sa muka ko?, Sa...suot ko?" Nahihiyang sabi ko. Tinignan din ang suot na white string dress pati mukha sa side mirror niya.
Hiniling na sanay matapos na agad ito o kaya kainin ako ng lupa!
Ayos naman ang suot ko dahil hindi naman daw yon ganoon ka engrande ang party. Simpleng dinner lang ang gusto ni Hazy, kaya bakit parang gusto pa ata akong pag gown-in ng kapatid niya!
I heard him chuckled. Kaya napatingin ako sa kanya sumama ang mukha ko pero agad ding lumamlam sa sinabi niya.
"No. You're perfect." Nakangiting sabi niya. Lumapit siya at akala ko ay kung anong gagawin. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan kaya napalayo ako bigla. Nakangisi pa siya habang ako hindi malaman kung anong magiging reaksyon.
"I'm saying... Hindi mo naman kailangang magmadali, hindi naman ako aalis." Huling sabi niya pa bago ako makapasok sa loob ng sasakyan.
Nakakahiya!
"Seatbelt miss" tawa niya ng hindi ko pa naisuot kahit na nakapasok na rin siya.
Hmp!
**
Hindi naging madali saakin para magkaroon kami ng topic habang nasa sasakyan. Bukod sa nahihiya ako, panay ang text ko kay Pia.
Napapaisip parin ako kung kamusta na s'ya. After all she's my best friend at natural na mag alala ako sa kalagayan niya. Nag tetext naman siya pabalik sinasabing ayos lang siya pero hindi ko parin maiwasang malungkot para sa kaniya.
"You look nervous." Maya mayay sabi ni Hanz. Napansin niya siguro 'yon dahil panay ang hinga ko ng malalim.
" You know Pia.. tsaka late na tayo!" Tawa ko. Hindi siya binalingan.
Hindi siya umimik agad dahil pinarada na niya ang sasakyan sa garahe. May mangilan ngilan naring tao katulad noong huling punta ko rito. Kaibahan lang mas bata katulad namin.
"I know she'll be better soon." Saad niya hinugot ang susi at tumingin sa mga tao sa labas. Kung hindi lang tinted ito, iniisip ko nang nakikita nila kung sinong nasa loob.
"And.. Hindi pa tayo late." Tumawa siya kaya naibsan ang kaba ko kahit kaunti.
"There's no harm if we will be late."
" I prefer spend more hours waiting for you outside your house." Sabi niya na nakapag paligalig sa damdamin ko!
Mabuti nalang lumabas na siya, Kung hindi makikita niya ang pagmumuka kong namumula.
***
Umupo ako sa pinakagilid kung saan may duyang bakal, Dito ko mas piniling mag magpaiwan kay Hanz. Ibinilin niya pa ako sa isang katulong bago siya umalis para mag palit.
That simple gesture warmth my heart. Nagpapansin kong kanina niya pa ako kinokonsidera. Mula sa paghatid saakin papunta sa kaibigan ko, sa pag iintay sa labas bahay namin at pag papatatag ng loob ko na hindi pa kami late at ayos lang ang kaibigan ko ay napaka laking impact saakin. Hindi ko alam kung nadoble o na triple ang emosyon na nararamdaman ko para sa kaniya.
I spend more minutes fantasizing the whole venue. Sa may pool ginanap. May tatlong long table doon na kakasya siguro ang 25 na tao. May ilang nakaupo na roon at nag kokwentuhan. Karamihan mga college student na pero mayroon din namang mid 40's.
Kinabahan tuloy ako dahil karamihan ay mga englishero--mukang mayayaman. Not a joke pero totoo, hindi ko alam kung gaano ako kaiba kapag lumapit na ako sa kanila.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 8
Start from the beginning
