Dali dali akong bumaba ng nakarating kami. Hindi naman ganoon kalayo pero pakiramdam ko sobrang tagal ko. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar at agad nakita siya.

Nakatalikod siya kung nasaan kami pero alam ko sa sarili kong umiiyak siya.  Hindi ko kayang nakikita siyang ganoon kaya dali dali akong lumapit para yakapin siya.

At time goes by, she tell me everything. Naiintindihan ko din kung may mga parte na hindi niya masabi. Ang gusto ko lang ay pagaanin ang loob niya. I don't ask any questions basta nakinig lang ako sa mga hinanakit niya.

Isang oras siguro mahigit bago ko siya napatahan. Gusto ko ring umiyak pero pinigilan ko. Kailangan niya ng kausap ngayon.

Tinignan ko ang lalaki sa likuran, nakatingin siya saamin. Hindi siya lumapit ng bumaba ako kanina at tahimik lang siya doong nag iintay. I wonder kung naiinip siya? Palubog na kasi ang araw at alam kong may kailangan pa kaming gawin. Gusto kong sabihin sa kaniya na mauna na siya pero hindi ako makatayo para iwan si Pia.

"Thank you Lori.." Maya mayay mahinang sabi niya. Pabiro pa iyon at may halakhak.

Binalot ng awa ang puso ko pero ayokong iparamdam 'yon sa kaniya. Ayaw niya ng kinaaawaan siya. Kaya imbes na maawa binalot ko siya ng mahigpit na yakap.

"Ano kaba! You always have me at you're back."  seryosong sabi ko habang yakap siya. Hindi ko din naman makakalimutan ang mga ginawa nila saakin nung ako ang nangailangan.

"Just call me baby." Tawa ko na tinawanan din niya. Nagawa pangang higitin ang buhok ko!

****

Hinatid namin si Pia sa bahay ng kanyang lola  matapos ang nangyari.  Alam kong ayaw na niya ring umuwi doon pero wala siyang magagawa, papayag naman siguro si papa kung doon muna siya aamin kahit ilang araw. Sinabi niya ring sasabihin n'ya rin ang nangyari kina Chloe, sumang-ayon naman ako dahil kung 'yon ang mas makakabuti. Inasar niya pa kaming dalawa ni Hanz bago tuluyang nagpaalam.

Tuloy bumalik ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Padilim na rin ng tignan ko ang daanan. Tinignan ko siya at nakitang deresto lang  ang mata niya sa pag mamaneho.

"Late pa ata tayo." Utas ko natatawa, tinignan din ang daan.

Hindi siya sumagot kaya dinugtungan ko ang sinabi. " Bakit kasi inintay mo pa ako?, P'wede ka na namang umalis kanina. Ayan tuloy nahuli ka" sabi ko pa at iniisip na kung ganon nga ang nangyari.

"It's okay...Sabi ko susunduin kita 'diba?" Bugtong hininga niya.

"Oo pero.." pag iisip ko dahil parehas pa kaming hindi ayos. Nakapambahay lang ako at siya ganoon din. Kung iintayin n'ya pa ako,Lalo kaming mahuhuli. Isa pa iintindihin niya pa ang sarili pagka uwi.

"I'll wait for you here" pinal na sabi n'ya ng makarating kami sa tapat ng bahay.

Hindi na ako nakipagtalo at nagmadali nalang maligo at mag ayos. Hindi ko alam ang mangyayari pero bahala na.

Naabutan pa ako ni papa na nagsusuot ng sandals sa sala. Dumating kasi siya, masamang tingin ang ibinigay niya saakin. Kumunot ang noo ko at pagkuwan napa-irap ng yakapin niya ako.

"Bakit hindi mo pinapasok ang bisita" sermon niya saakin pagkatapos. Hinubad niya ang jacket at nagtungo sa kusina.

"Nagmamadali ako pa." Sabi ko ng matapos mag ayos ng sapatos. Tinakbo ko siya at niyakap ulit. 

"Ikaw na bata ka talaga.." rinig kong sabi niya bago pa ako makalabas ng pinto.

"Pasensya na natagalan" Sabi ko ng makitang nadoon siya nakasandal sa sasakyan. Muka siyang inip pero hindi niya pinapahalata.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now