Naghugas ako ng pinagkainan at nag iisip ng balak gawin ngayong hapon. May ilang oras pa naman at masyado pang maaga para mag ayos ako.  Mag ayos?! Napangisi ako sa sariling isipin.

Binuksan ko ang Tv at naghanda narin ako ng pagkain para sana mag movie marathon mag isa ng marinig kong may kumakatok sa pinto.

Kunot noo akong pumunta sa pinto. Katok kasi ng katok, hindi naman nagsasalita!

"Sino 'yan?" Tanong ko pa, baka mga batang loko- loko lang kasi! , Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mata ko at hindi agad nakakilos ng makita si Hanz. Nakataas pa ang kamay niya para kumatok sana ulit pero bumukas na ang pinto.

"Hi." Sabi nalang niya, unti unting binaba ang kamay at napahawak sa batok.

Napabalik ako sa reyalidad. He's now smirking at my face. Mukha ba na ba akong kamatis sa sobrang pula?! Jusko.

"Ah-- h-hi?" bat nauutal!

Inayos ko ang boses ko at nginitian siya.

"Anong mayroon? Akala ko ba mamaya pa ang birthday celebration ni Hazy?"

"Yeah." Sagot n'ya lang, nag iwas pa ng tingin.

Hindi ako mapakali kaya inaya ko siyang pumasok sa loob. Nag paalam pa ako saglit para kumuha ng pwedeng inumin sa sobrang taranta.

"Ano naman kaya ang ginagawa niya dito ng ganoon kaaga?" Tanong ko sasarili ko at pinadaan ang tingin sa babasaging baso ang mukha ko. Baka kasi tinitignan niya ang muka ko at may muta pa ako!

Namula ako sa sariling isipin.

Preskong nakaupo siya sa sofa ng ibaba ko ang juice at baso. Hindi ko alam kung aalukin ko siya gayong napatingin na siya saakin. Ngumiti  nalang ako bago naupo sa isahang sofa.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko!

Halos kahapon kolang siya hindi nakita.  Kaya paanong naging ganito kami ka awkward ngayon! .

Sabagay nung mga nakaraang araw may kasama kami pero ngayon kaming dalawa nalang.

"What are you thinking?" Biglang saad niya na ikinalingon ko sa kaniya. Ngayon kolang din napansin na hindi  siya  naka pang alis. He's in his usual, like shorts and black shirt. Pero kahit ganoon, mukang lagi siyang may pupuntahan.

"Ha?" Tangang sagot ko.

Suminghap siya. Kitang kita ko iyon. Hindi siya nakatingin saakin dahil nanonood siya. Kaya malaya akong nakakatingin sa kanya ng hindi naiilang.

"You're spacing out" Sabi niya at binalingan ako, agad akong lumiko ng tingin. Walang naiintindihan.

"You love romance?" Tanong niya matapos ng ilang minutong pananahimik.

"Ha?..hindi naman" sagot ko. Binalingan ang tv. The characters are telling their love to each other.   On how they adore every single of it.

Gusto ko nalang pumikit ng makitang may kissing scene doon. Shuta! Mahal mo talaga ako lord.

Hindi ko alam kung ilang oras na ka awkwardan ang nangyari. Mabuti nalang at tumawag si Pia saakin.

She have a problem. Hindi ko inasahan iyon.

"Pupuntahan kita.." Sabi ko at tinanong kung nasaan siya. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko ang pagka alerto ni Hanz ng tumayo siya.

Hindi ko na naproseso ang nangyari basta ang alam ko nalang ngayon ay nakasakay na ako sa kotse niya papunta kung nasaan si Pia. Nakakahiya pero mas nangingibabaw ang pag aalala ko sa kaibigan.

She's not telling anyone about her problem. Alam kong may problema siya pero hindi ako namilit para sabihin niya saamin 'yon, at ngayong kailangan niya ng kausap ay handa akong makinig.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now