"Thank you ma'am, hope to visit us again" ani ng waitress saakin ng naglakad ako pasunod kay Hanz.
**
Busog na busog ata ako at hindi ko namalayan ang pagtakbo ng sasakyan. Nagising nalang ako ng nasa sasakyan parin ako. Tinignan ko ang labasan at nakitang nasa tapat kami ng hospital.
Katulad ng sinabi niya kanina, kailangan ulit niyang isabay si Maja. Tinanong n'ya pa ako na kung ayos lang mag intay kami. S'yempre at wala akong magagawa; kahit hindi ako komportable na nakikita ang babae. Isa pa,nakakahiya kung tumanggi. Sino ba naman ako?
Kalahating oras siguro akong nakatulog kaya sumasakit na ang likod ko. Lalabas ako ng sasakyan para mag inat at para tignan narin kung nasaan ang kasama ko. Maybe he's off and get inside the hospital to at least see Maja.
Napairap ako bago bumaba. Kung ano mang pinag kakaabalahan ng babaeng yon dito sa ospital ay wala akong pakialam.
"Salamat po!" Rinig kong utas ng bata. Hindi ko nakita iyon kaya hinanap ko ang pinang-galingan ng boses. Nagulat pa ako sa nasaksihan.
Hanz Emmanuel Velina, the son of mayor and a doctor. The sibling of beautiful Hazy....is playing with naive childrens. Tumawa pa sila matapos mag yabang ng isang bata sa pag sayaw. Uminit ang puso ko ng makitang tuwang tuwa siya doon.
Mas lalong nag init ang damdamin ko ng makita ang mga pagkain na laman ng paper bags na dala dala niya kanina.
He give that to them.
Hindi ko alam kung ilang minuto ko silang pinanood hanggang sa mapansin ako ng isang bata mula sa kanila. Siya ang pinaka maliit sa kanila.
"Ay, ang ingay pala namin...Nagising napo ang girlfriend n'yo" walang nuwang na sabi ng bata habang nakaturo saakin.
Dahil nakatagilid siya sa direksyon ko unti unti siyang lumingon.
Nagulat ako sa nangyari pero agad ko namang naproseso ang sinabi ng bata. Natural bata iyon e. Wala naman silang alam kung sino ako.
"Hi" imbes na paglaanan ng pansin ang sinabi ng bata at ang mga mata niyang nakapukol saakin ay binati ko nalang ang batang maliit.
Lumapit ako sa kanila at nakiupo rin katulad ng upo nila. Dahil doon, dali daling inabot saakin ni Hanz ang papel ng pagkain. Noong una natanga ulit ako bago narealize na pangsapin ko 'yon para hindi madumihan ang shorts ko.
Ang hina mo naman Lori!
Bulyaw ko sa sarili ko.
"Ayiee! Bagay po talaga kayo." Sabi ulit ng bata, sumang ayon pa ang tatlo niyang kasamahan. Tuloy kahit bata inirapan ko kahit nangingiti.
Jusko!
****
Nang dumating ako saamin ay nakatulog ulit ako. Hindi ko alam kung napagod ba ako o sadyang puyat ako dahil sa kaka cellphone.
Naging mabilis ang oras at dumating ang araw nag kaarawan ng kapatid niyang si Hazy. Maaga pa pero bakit kinakabahan na agad ako? Mamaya pa naman iyong gabi at hindi naman 'yon ganoon ka engrande. Hazy wants a simple birthday celebration for her 20th birthday. Nagulat pa ako ng kaedad kolang din pala s'ya at akala ko ay big time niyang icecelebrate ang birthday nya. Ganoon naman talaga diba?
Tambay ako ngayong umaga sa hall at as usual, wala si Papa. Inayos ko na rin ang mga printed papers na hinihingi ng ilan sa mga tao sa baranggay para hindi na siya magkanda ugaga sa pag aayos.
Kailangan may pirma niya iyon, Clearance you know.
Nag lunch ako sa bahay kasama siya. Ako ang nagluto s'yempre. Nag usap kami ng ilang bagay bagay. Kalokohan man o katinuan. Napag usapan din namin ang pag bisita kay mama dahil 4th year death anniversary na niya sa January. Although matagal pa iyon, hindi namin ipinagsasawalang bahala.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 8
Start from the beginning
