"Thank you ya." agad na pasalamat ni Hanz sa katulong na lumapit sa kaniya para tanggalin ang coat niya at dalhin ang mga gamit n'ya.
Tumingin siya saakin pero naglilibot ang mata ko. Sobrang lawak. May mga puno na may ilaw bawat Isa. May malaking fountain na pinagsimbolo ng dalawang anghel. At kung hindi ako nag kakamali ay may swimming pool sa kabilang dulo,Kumikinang kasi dulot ng ilaw.
Doon din nanggagaling ang kaunting ingay na naririnig ko.
Birthday celebration ito ng daddy niya base sa narinig kong kuwentuhan ng dalawa sa loob ng sasakyan kanina. Sinabay nadin ang second celebration noong nanalo siya bilang mayor. Maraming tao ang thankful dahil sa mga success ng projects niya.
"Andoon ang daddy mo at ang si Ma'am Hannah ay wala pa." Rinig kong sabi ng Mayor doma ata nila na siyang busy sa pag eentertain sa mga bisita. Sumilip ang mata niya saakin at napamura nalang ako sa sarili ko ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa!
"Ah, This is Lori.." Sabay pakilala niya ng makitang hindi ako komportable dahil pilit na ngiti lang ang naitugon ko sa katulong na ngumiti lang din saakin at walang binanggit na kung ano.
"Let's go." Sabi niya at naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko kahit kaya ko namang maglakad ng maayos. Hindi lang ako naging komportable sa uri ng pagtingin ng mayordoma nila.
Hindi pa naman kadamihan ang tao sa parteng ito kaya nakita ko agad si Papa na nakikipag usap sa kapwa niya kapitan at may katungkulan sa bayan. Kumaway ako kahit alam ko namang nakita n'ya na ako.
"Bakit hindi ka nagpalit?, Matutuyuan ka ng pawis!" Agad na sabi niya saakin sabay yakap ng mahigpit, kasabay non ang paglayo ni Hanz sa tabi ko papunta sa Daddy niya. Nang bumitaw ako ay ipininakilala n'ya ako sa mga kasama niya roon kahit kilala na naman nila ako at hindi na kailangan pang ulit ulitin pa.
"Salamat." Huling sabi n'ya ng bumalik ang lalaki sa kung saan man ito galing.
"No worries. Tito" sagot naman niya ng napangiti, akala mo'y proud sa kung anong ginawa niya kaya pati saakin napatingin, kaya ngumiti nalang din ako bago tumalikod at maghanap ng mauuupuan.
Hindi ko alam ganon na pala siya kalapit sa ama ko? Hindi ko alam.
Dinama ko ang hangin ng ilang minuto. May mga pagkain sa lamesa pero tanging dessert lang ang ginalaw ko.
Dumadami narin ang tao at unti unti ng napupuno ang mga table kaya naisipan ko na ding magpaalam dahil wala naman akong gagawin dito. Bukod sa naboboring ako, karamihan ay matatanda ang bisita.
Sumakto pa ang pagdaan ng birthday celebrant sa table kung saan ako nakaupo.Kaya kinuha kona ang pagkakataon na iyon para tumayo at bumati kasabay ng pagpapaalam.
"Wait.. Lui's daughter right? What's your name again?" Pagkatayo ko palang ay yoon na ang sinabi nya.
"Lori po"
"Ah! Right Lori" Sabi niya tinapik ang balikat ko at ngumiti na kaparehong kapareho ng lalaking kilala ko, kaibahan lang ang uri ng pananalita.
"Nice meeting you again"
"Kayo rin po." Magalang kong sagot iniisip kung paano magpapaalam. Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong papalapit si Hanz kung saan naandoon kami, kaya lalo akong na pressure. Siguro nga nakamasid na ang ilang mata e!
" She might bored?" Sabat ng lalaki na nakapag pabaling sa ama niya sa kan'ya. Kahit ako napatingin.
"Looks like" nahiya ako ng sabihin 'yon ng tatay niya kahit may halong pagtawa.
HALATA BA? Muka ba akong uwing uwi? Jusko!
"I'll tour her--"
" Hi ate Lori!!" Sigaw ng isang mahinhin na babae pero nagmistulang bell sa lakas ng pagkakasigaw. Kaming tatlo napatingin kay Hazy ng dumating siya at yumakap sa kapatid na nangungunot noo.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 7
Start from the beginning
