"What?" Napatingin ako sa kaniya ng kunot noo. Hindi ko alam kung madi-disappoint siya kung sasabihan ko siyang bingi dahil paulit ulit siya!
"I mean. Why?" Bawi niya na nakapag pakunot sa noo ko.
"Anong why?" Mejo inis kong tanong.
Tumayo siya ng maayos at inilagay ang kamay sa magkabilang bulsa. Tumingin siya saakin ng deretso kaya ganoon din ang ginawa ako. Na concious lang ako sa sarili ko ng basain niya ang labi niya gamit ang dila! Sabay tumawa.
I mean usual lang naman na dila ang pinaka mean na pang basa ng labi, pero bakit ganon yung sakaniya! Parang sinasadya! Nakakahilo!
"You're going with me" sabi niya.
"Ha?-- bakit?" Naguguluhan kong sagot.
"Bakit ako sasama sa iyo, e naandito na ako saamin." Kahit napaisip, nagawa ko pang mamilosopo.
"You are going home with me. Saamin ka uuwi.." he said in a dramatically sweet voice .
Lalong nangunot ang noo ko. Maging ang pagtayo ko ay parang kung sino lang na marites ang kausap ko. Napapataas ang kilay at ang mga kamay ay nasa baywang. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to? Mas nauna pa yata 'tong nabaliw kaysa saakin! As far as I remember, hindi pa naman ako nag assume ng ganito kalala.
"At bakit--"
"Shh..,woman."
"Anong sabi mo?" Natigil kong sabi. Ewan ko. Parang bumalik kami sa panahon kung kailan ko siya unang nakausap.
"Nothing... Just. Just go with me then I'll show you"
Anong..?
Napaisip ako. Ano nanaman ito? Kinakabahan ako. Anong ipapakita? Bulong ng utak ko
"Hindi. "Salitang nagpahinto sa kaniya sa pagtalikod saakin. Humarap siya ng nakakunot na kunot ang noo.
Tinaas niya ang kilay niya ng hindi ko na dinagdagan ang sinabi. Basta tumayo lang ako doon at nakipag titigan sa kan'ya. Hindi pa kasi sabihin.Bakit ang dami pang arte!
"Damn. Short-tempered. Your father is there, in our house, so can you please. go.with. me?" Sabi niya na parang nawawalan ng pasens'ya.
"Anong-"
"No more questions woman. Sakay" Imprenta niya sa sasakyan na kanina pang nag aantay.
"Pero-"
"Get in."
Potangina.
Napamura nalang ako sa sarili at madaliang lumapit sa kotse. Binuksan ko ang pinto sa likod at papasok na sana ako ng nagreklamo pa siya.
"Sit here. In the passenger seat"
Kahit ang lalaking kasama namin ay napatingin na saakin ng mabuksan ko ang pinto sa likod,ngumisi lang pag kuwan.
Padabog akong umupo sa katabi niya . Tumingin pa siya saakin pero sa labas ang tingin ko.
Bwct! Kung alam kolang na naandoon si papa!
Hindi manlang ako nakapag palit tangina.
...
I've never experienced luxurious house like this. Siguro dumaan?. Nakapunta pero hindi katulad nito. Labas palang alam mong may kakayahan na ang nakatira. Mataas ang gate kaya hindi makikita kung may tao ba sa unang palapag.
Dali dali akong bumaba at takot na maiwan. Pero pinagsisihan ko ang pagbaba dahil halos hindi rin pala mawawala ang mga mata ng taong nandoon malapit sa garahe. Hindi naman sila mukang may masasabi pero hindi ko din sigurado.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 7
Start from the beginning
