Huminga ako ng malalim at unti unting inangat ang ulo. Deretso ang tingin ko sa katapat ko at hindi sa gilid ko kung saan naandoon siya.

Wala pang ilang sigundo narinig ko nang bumahing siya kaya napalingon ako. Oo nga pala, hindi siguro sanay? Potangina bakit naman kasi sumakay?!

Napatingin siya saakin kaya tinaasan ko ng kilay at pinagmukhang masungit ang itsura ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Sapat lang na marinig niya. Pero kumunot ang noo niya sabay sabing...

"What?"

Napairap nalang ako dahil hindi naman talaga kami magkakaintindihan dito. Bukod sa maingay ang makina ng jeep. Bukas pa ang  stereo ng driver.

"What?" Pag uulit ko nalang. Hindi na siya nilingon.

"What?" Nagulat ako ng bahagya kaya napalayo ako. Bigla kasing bumulong!

Napatingin tuloy ang dalwang babaeng katapat lang namin.Mukang kumikinang ang mga mata dahil nakakita ng gwapo sa loob ng jeep! Jusko!

"Bakit ka nandito?" Mejo malakas na sabi ko.

Napakunot ang noo niya at pagkuwan tinitigan ako sa mukha.

"Sabi ko sabay tayo diba?" Tanong niya. Ewan ko kung anong klaseng boses yung pinaparamdam nya! Parang sweet na nagtatampo na  na frustrated na ewan!

"Tapos?"

"Tapos?.." Pang gagaya niya saakin. Ngumisi.

"I want to drive you home but you're too stubborn that's why,."

Napatingin tuloy ulit ako sa kaniya. He just smirk then smile.

" If you're with me; I'm sure you're safe"

****

Pagkarating napagkarating palang saamin ay napalingon na ako sa kanya ng makitang nandoon ang sasakyan niya.

"Yuki drive it for me" Salong tingin niya saakin.

Dumeretso ako papuntang pinto at hindi ko alam kung aayain ko ba silang pumasok o ano. Pero nung nilingon ko ang dalawa ay nakita kong nag uusap, kaya imbis na pumasok ay iintayin ko nalang silang matapos sa pag uusap ng makapag paalam na at makapag pasalamat kahit may kaunti parin akong kabang nararamdaman.

Sumandal ako sa gilid ng pinto at pinag ekis ang mga braso. Staring intently in his side face really giving me breathtaking view. Mula sa matatangos nitong ilong pababa ng kanyang labi na gumagalaw dahil sa pag sasalita.

Andami ko pa dapat na idadagdag yoon ngalang ay bigla siyang lumingon. Parang may kuryente ang mata niya at napaisod ako sa pagkakatayo.

Jusko!

Ngumiti ako at nilakihan siya ng mata. He just stared at me for a while bago binalingan ang kausap at maya maya lang ay  pumasok na sa sasakyan. Siguro paalis na sila.

"Ingat, thankyou. " I mouthed. Kumaway pa ako.

Na patanga nalang ako ng kumunot ang noo niya habang unti unting humahakbang palapit sa'akin. And for the fvcking sake hindi ko alam kung bakit kumabog nanaman ang dibdib ko sa kaba. Para palaging may recitation pag siya ang nakikita ko!

Pero bilang isang anak nga ng nanay ko ay magaling kong naitago ang pagka kaba ko. Tinignan kolang din siya pabalik na para bang hindi ako nagulat o ano.

"What?" Tanong niya ng makalapit.

Mabilisan akong tumingin sa mata n'ya tsaka nagsalita.

"Thank you....ingat kayo." At nag simula konang kalikutin ang hinliliit na daliri ko.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now