Normal bayon?

Halos lahat sila nilingon ang dumating. Ako lang ang hindi. Kitang kita ko ang pag iiba ng itsura ng kaibigan kong si Pia.

"Sinundan moko?" Makapal na mukang sabi niya. Halata parin naman ang inis pero mas nangibabaw ang paglambot ng boses.

Sa kabilamg gilid nakita kong ngumisi ang magpinsan. Habang si Chloe nakasimangot na nakatingin sakin!

Ano nanaman ba?patanong na sabi ng mata ko.

Nag iwas siya ng tingin sabay sabing " kanina pa tayo dito, Pia tigilan mo nayan" seryosong sabi n'ya sabay hila sa babaeng nagrereklamo.

 
Tatalikod narin sana ako pero si Ivan. Kaya humarap ulit ako.

" Uh. Una na kami" nakangiting sabi ko, sabay turo ko sa dalawa.

Ang kaninang ngisi napalitan ng pagsimangot.

"Uwi na kayo?, San kayo?"

"Don lang-"

" Let's go" sabay hila bigla saakin ni Ivan. Nagulat ako pero nakisabay nalang ako.

Kita ko sa gilid ng mata kong nakatingin saakin si Hanz. Hindi ko lang siya tinignan pabalik.

Naglakad kami palabas ng school at hindi ko na sana papansinin pero naririnig kong tumatawa si Ivan, sumesenyas pa siya sa likudan. 

Sa labas ng gate nandoon ang dalawa. Parang asot pusang nag uusap.

Nang matanaw kami , Naunang tumayo si Pia at hinampas si Ivan. Napahinto kami saglit dahil sa ginawang 'yon ni Pia, kanlaunan nag tuloy ulit.

Parang mga bata. Napairap ako.

May mga tao hindi manlang nahiya. Napataas nalang ang kilay ko sa sariling isipin. Parang ako lang noon a. Walang pakialam kung may makakita ng pakikipag away ko makaganti lang. Pero ngayon parang takot akong gumawa ng kalokohan.

Ayoko nalang magsalita dahil alam kong susumbat yang si Pia pag nagkataon.

"Andami mo nang kasalanan sakin"Sabi n'ya kay Ivan

"Ano nanaman? " Sagot naman ni Ivan. Nakisabay saamin si Pia sa paglalakad kaya mejo pahirapan maglakad lalot palabas na ng highway.  Kaya ako na ang nag adjust,Pagkaharap ko sa likod nakita kong nakasunod si Calihl at Hanz, magkasabay sila at  pareho lang din nakatingin sa unahan. Agad agad kong iniwas ang tingin ko ng magtama ang mata namin ni Hanz. Madalian akong tumabi kay Chloe kasunod nina Ivan.

"Ewan ko sayo! Nabubwisit ako" 

"Bwisit well"sabay halakhak ni Ivan kaya hindi na natapos ang asaran ng dalawa hanggang makarating kami sa bahay. Natapos lang 'yon ng biglang umikot si Pia paharap saamin.

Lumapit ako sa pinto, hinanap ko pa ang susi sa shoulder bag bago nabuksan ang 'yon. Tsaka kolang din naalala na hindi ako nakapag paalam kay papa.

Itetext ko nalang siguro.

"Pasok ka, Wag kang mahihiya kahit first time mo dito. Feel at home" rinig kong utas ni Pia ng nilingon ko ay parang prinsipe niyang ine-entertain si Hanz.

Napangisi ako. Nang maisip na hindi naman nya first time dito sa bahay. Pero s'yempre hindi ko na dapat sabihin yon,bukod sa mapapahiya ang kaibigan ko hahayaan ko nalang ipahiya niya ang sarili n'ya. Beysic.haha

Nakita kong dumeretso lang si Chloe sa kusina, samantalang ang magpinsan umupo sa sofa.
Habang ako dumeretso sa hagdan at doon umupo. Tinanggal ko ang sapatos ko. Init na init nako sa paglalakad kanina pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

String ConsequenceWhere stories live. Discover now