"Alin?"  Tanong ko kahit alam ko naman ang sinasabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit kinakabahan ako, naaligaga ang mata ko.

"Bobo kaba?"sa lakas ng boses ni Pia, aakalain ng iba na nakikipag away siya. Tinaas ko pa lalo ang kunot ng noo ko kahit alam ko sa sarili kong nakikiramdam ako sa paligid at baka may masabing kung ano ang babaeng to, napangisi nalang ako ng magsalubong ang kilay niya at walang sabing sinapok ako!

"Bwisit ka!"

Hindi ako gumanti at tinawanan siya.

"Ano nga?Hindi ka nakakatuwa" Nakasimangot ngunit nakataas ang kilay na sabi n'ya. Nabawasan ang katiting kong kaba dahil alam kong may pag asa akong matalo siya sa asaran kung ipagpapatuloy ko 'yon. At sa ganon hindi siya makakabangon para maasar ako!

"Chismosa ka" pag ayos ko ng upo. Kinuha ko ang cellphone at walang balak na sagutin ang pangungulit niya. Imbes lalo ko siyang iinisin para ma curious s'ya kung anong mayroon.

Kahit wala naman talaga akong dapat sabihin dahil wala naman talagang naganap.

Akala ko nga nung nakaraan saakin lang ganon ang lalaking 'yon... sa lahat pala. Kaya kung ano man ang nararamdaman kong paghanga sa kaniya ay hanggang doon nalang muna at ipagsasantabi ko.

"Ano nga!? Parang hindi friends!" Parang batang hinahampas hampas ang lamesa na siyang gumagawa ng munting ingay. Nakatingin lang ako sa cellphone at natawa noong nalibang si Pia ng magtanong si Ivan ng kalokohan. Kaya ayon tuloy at lalong nainis... Yon ngalang kay Ivan.

Nakalapit nat lahat ang dalawang babaeng crush si Ivan  sa table namin. Naitanong na pati mga pangalan namin, Hindi parin sila bumabalik!

Nainip nakong pansin na pansin kong hindi pa sila bumabalik. Hindi naman ako gutom pero bakit ang tagal nilang bumalik?

Tinignan ko ng pasimple ang looban ng counter kung saan nakapila ang mga estudyante para sa pagpili ng pagkain.

At sa hindi ko na mabilang napagkakataon,nagsisi akong muli.

Suks!

Agad kong niliko ang tingin ko sa ibang tao at sumakto iyon sa pagharang ng mukha ni Ivan. Nakangisi at ang sumunod nangyari...inasar na nila ako.

Sinamaan ko ng tingin si Pia ng hindi parin siya tumitigil sa pang-aasar kahit na alam naman nyang parating na ang mga lalaki. Kahit ang mga ex ko ay nahalungkat niya kaagad  at sinabi pa niya iyon ng malakasan na akala mo ay buhay n'ya ang pinag uusapan!

Umupo ang dalawang dumating. Ibinaba ang mga pagkain at tahimik na kumain.

"Diba diba diba?" Pagsiko niya saakin matapos nyang ibunyag na iniwan ako ng huli kong nobyo.

Tumigil ako sa pagkain. Kanina pa. Kanina pa tahimik ang dalawang lalaki sa harapan namin. Nahihiya ako at gusto ko nalamang tumayo at umalis . Bakit kasi parang sinasadya akong tirahin ni Pia kapag may ibang taong nakapaligid saamin!

Nahihiya ako na marinig ng ibang tao ang sarili kong kahihiyan, pero wala ka talagang maitatago kapag si Pia ang iyong kaibigan.

"Hey!" Maya mayay tawag ng isang lalaki sa likudan. Maingay parin ang mesa namin pero rinig ko kahit pagbulong ng lalaking dumating.

"About Maja? Saan mo siya susunduin?" rinig kong tanong ng lalaki.

Hindi ko naiintindihan ang sinagot niya dahil nagkakanta si Pia at Ivan at walang awang pinagpupukpok ang lamesa. Kaya tinaas ko nalang ang tingin ko at nakita kong may sinenyas  siya habang mahilig ang paggalaw ng panga.

"I'm out! Bakit ansakit ng tiyan ko?!" Maya mayay sigaw ni Pia habang patuloy padin sila sa pag iingay. Tumayo siya at tinawanan ni Chloe at Ivan ang pag alis niya.

Nilingon ko ang mga pagkain sa lamesa. At Mula sa upuan ko, tinusok ng mata ko ang pinggan ni Hanz  na hindi manlang masyadong nabawasan. Mas lamang panga ang natira kaysa nakain.

Sinilip ko ang mukha niya at nagpasalamat ng namataan kong nakalingin din siya sa pag alis ni Pia.

"Katakawan mo ha" mahinang bulong ko. Bago tumayo din para sundan ang bruha. Kinarma siguro sa kakachismis tungkol sa buhay ko.

"O tinamaan kadin?" Sabay halakhak ni Ivan. Nakakuha ako ng atensyon at  maging ang hindi ko kilalang lalaki ay nakitawa rin.

Nakakunot na kilay na bumaling si Hanz mismo sa'akin. Mukhang may sasabihin, pero hindi natuloy. Napaiwas tuloy ako ng tingin at walang pasabing lumakad papunta ng comfort room kung nasaan si Pia.

Hindi pa ako nakakarating sa pinto, sumabay na agad si Chloe sa paglalakad ko. Hanggang sa makapasok kami sa may cubicle, boses agad ni Pia ang narinig ko. Halos magmura na sa kakasigaw.

Ngumiti ako sa nakakasalubong namin at mukang nai-ingayan din sa lakas ng boses niya.

"Anong sumpa ito!"  Padabog na lumabas sa isang cubicle kaya agad din namin siyang nakita.

"Ang takaw mo kasi" Sabi ni Chloe, nilabas ang nakatagong lip therapy sa bulsa na siya namang inagaw ni Pia.

Pagkatapos siguro ng mahigit samung minuto lumabas narin kami sawakas. Panay na ang reklamo ko kanina  dahil baka malate kami ng class  kaya ngayong lumabas kami halos batukan ako ni Pia dahil pinagmamadali ko daw siya.

"Mga gago bat ang tagal nyo? Umalis na tuloy yung mga kasama k--"

"Nakita namin hindi kami bulag" si Pia sabay pasada sa buong Canteen habang ako naman umikot para umupo at ayusin ang buhok na ginulo ni Pia.

"Bulag ka kaya!" Banat naman ni Ivan.
" Bulag sa pagmamahal kay-"

" Gago kaba?" At isang iglap tumilampik ang kamay ni Pia sa pisngi ni Ivan at patakbong pumunta sa Cashier. Titignan ko si Ivan at napataas ang kilay ko ng masama ang tingin niya saakin.

"Aba bakit?"  Tanong ko

" Kasalanan mo ito!" Sabay turo niya saakin sa paraang makakakuha siya ng atens'yon ng ibang estudyante.

"Kasalanan mo talaga to" pag dadrama pa niya.

" Parang tanga Ivan itigil mo" sabat naman ni Chloe.

" Bakit ako pa kase ang pinagbilinan noong Mr Velina na  iyon,Hay bahala nanga nilibre naman ako ng lunch, a oo tama" pag iisip niya at tumayong nakabaling sa'akin. Ako naman nag aabang ng pinagsasabi nito.

" Ano?" Natatanong na ako dahil mukha siyang tangang nginingisian ako.

"Tara na!!" Sigaw ni Pia papalapit pagkatapos nyang dumaldal sa ibang kakilala nya sa canteen.

" Gago ayan na si Bruha" paalis na sabi ni Ivan. pero bumalik din kaagad at tinignan ako ulit.

" Sabi ni Velina, ay- Bobo ni Mr Velina.. sabay daw kayo umuwi! " At nagtatakbo na siya.

" May bruhaaa!" Sigaw nya pa palabas ng pinto na nagpatawa sa mga estudyante sa loob ng canteen.

__________________________________________________________________________________

:)

String ConsequenceWhere stories live. Discover now