"Sa bagay mas madaming choices don."Kibit balikat ni Chloe.
"Bwisit na lalaking yon, na Talk shit pa ata ako." Bulong naman ni Pia. Nakapamaywang at nagsimula nang maglakad sa gilid ng mga estudyante.
"Tsaka kung dito baka sa ibang school din siya mag aral" Dugtong ni Ivan kay Chloe. Sumunod ang dalawa kaya kahit ayoko siguradong mapapansin nila ako . Masyadong malakas ang bunganga ni Pia para ratratan ako.
"Bakit?"
"Hindi papayag sila Tito--"
"Sopia! Here!" Sigaw ng lalaki sa may bandang dulo sabay kaway. Ang naghahanap na Pia ay nabuhayan. Natigil ang dalawang nag uuspap at kahit ako ay inaninag ang tumawag.
"Gago sino yon?" Reaction ni Ivan
"Tanga bili! ayon sila" sabay hila naman ni Pia kay Ivan
Hindi ko alam ang sinasabi niya pero nakisunod nalang ako. At hindi na ako nagulat ng nakita ko doon si Hanz at may kasamang dal'wa pang lalaki na hindi ko kilala. Naka long sleeve polo silang tatlo,mga nakasampay naman ang mga suit na may logo ng kanilang school sa upuan.
Napahawak nalang ako sa ilong sa frustration habang nakatayo sa pinakang likod ng mga kaibigan ko.
Tangina, hiniling ko pa namang sana hindi na makita ni Pia ang hinahanap nya kanina tapos eto--
"Bilisan mo Hanz, gutom na si Lori "
Napatingin ako kay Pia ng sabihin niya iyon agaran sa harap ng ilang taong hindi ko kilala!
"Bakit ako?" Mahinang tanong ko sa likudan.
Sa halip na pansinin ako nag kaniya-kaniya ng upo ang mga kaibigan ko. Umalis ang dalwang lalaking hindi ko kilala at humila sila ng upuan.
Hindi konga pati alam kung bakit may mga taga ibang school dito sa school namin e.
"Ano Lori? Tatayo kalang diyan? " Saway saakin ni Pia. Nakatingin na s'ya doon sa menu at nag iisip kung ano ba ang dapat kainin. Dahan dahan kong hinila ang upuan na para bang ayokong makagawa ng kahit anong ingay. I know he's staring at me kahit na kausap niya naman ang isang lalaki na ka kilala din ata ni Ivan.
Umupo ako ng maayos at pinatong ang kamay sa lamesa. Hindi ko inexpect na ganito ang mangyayari. I mean, oo alam ko nang na andito ang lalaki pero ang hindi ko inexpect na magiging ganito ako ka awkward.
"Anong gusto mo?" Pagsiko saakin ni Pia na siyang biglaang paglingon ko sa kaniya. Katabi niya sa kabilang banda si Chloe na nag aabang lang din ng sasabihin ko.
"Ako na ang o-order" Sabi ko akmang tatayo ng biglang tumayo ang mga lalaki sa tapat ko. Napunta sa kanila ang mga mata namin at sa hindi ko insahan nahuli ko ang mga mata niya.
"We'll get the foods" aniya ngumiti pa saakin bago hinila ang katabi niyang lalaki na ngumiti lang saamin bago sumunod. Naiwan tuloy kaming apat na mag kakaibigan doon. Napatunganga ako saglit sa likuran niyang umaalis .... Admiring his broad shoulders.
"Hoy-"
"Aray!" Reklamo ko agad ng bigalan akong kurutin sa tagiliran ni Pia.
"Naalala ko... " Nangunot ang noo niya habang nag iisip "Hindi mo nga pala naikwento yung kanina! Ano may Sparks naba!? Anong nangyari?" Sabay tawa n'ya na sinabayan ng pang aasar nilang dalawa ni Chloe. Si Ivan ay nangingiti pero hindi nakikisali. Hindi niya siguro alam ang pinagsasabi ng babaeng to.
Gumanti ako ng pabiro at nagtatakang muka ang pinakita ko.Humarap ako sa kanya at tumingin pa ako saglit sa paligid kung may nakarinig. Masyado akong mahal ng chismis kaya madalas akong napapaaway noon pero ngayon parang gusto ko nalang silang tarayan lahat na siyang hindi ko na magawa. Hindi ko din alam kung bakit.
ESTÁS LEYENDO
String Consequence
Novela Juvenil1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 6
Comenzar desde el principio
