Nakita kong hindi maalis ang pagtaas ng kilay niya. Nginitian pa siya ng ilang kaklase  namin na dumaan bago ako tinignan ulit na may ngisi. Si Chloe ay hawak ulit ang kanyang Cellphone!

"Tara na e!, Libre kita!" Sabay lapit niya sa'akin at pinilit ako maglakad.

Hindi naman bago saakin ang ilibre niya ako pero sa mga oras na'yon napapikit nalang ako. Bwisit.

"Magandang ideya" ngumisi ako kahit papano. Baka sakaling tumagal at hindi namin maabutan ang lalaki sa canteen."Intayin na natin si Ivan" sabay turo ko sa mga table kalapit ng mga puno.

"Ha! Aba libre nanga pinapatagal mo pa" Reklamo niya. "Gutom na kami e, Tsaka hayaan mo na iyang Ivan na'yan matanda na iyon!" Hawak na niya ang braso ko habang unti unting naglalakad.

"Kayo nalang kaya. Iintayin ko nalang si Ivan." Sabi ko, napabitaw si Pia sa'akin at sinamaan ako ng tingin.

"Alam mo Lori, parang ayaw mong pumunta ng Canteen pansin ko" tumaas taas pa ang kilay niya kahit naka tagilid siya saakin. Konting liko nalang...,  madadaanan muna ang Music Room at Canteen na ang kasunod.

"Konting dahilan pa. Iisipin kong iniiwasan mo si Hanz" sabay tusok ng daliri niya sa tagiliran ko. Sumabay si Chloe sa panunukso. "Na-fall kana ba? yiiie!" Bulong pa niya kahit rinig naman ni Chloe.

Halos umatras ako sa pang aasar nila. Talo talaga ako pag silang dalawa ang nagtulong sa pang aasar. Ramdam kong umiinit ang pisngi ko at lumalakas ang tibok ng puso ko pero hindi ko ipapahalata 'yon! Lalo akong aasarin.

"Hanggang ngayon hindi pa kayo nakakarating?" Rinig kong boses yon ni Ivan. At Maya maya lang narinig kong tumakbo siya sa direksyon namin. Tumigil si Chloe sa pang aasar, Hindi ko lang alam si Pia dahil parang walang pakialam na paparating si Ivan.

"Iniintay ka namin" Sagot ni Chloe sa tanong ni Ivan kanina.  Napatingin  tuloy ako kay Chloe dahil sa sinabi niya.

Sinungaling amp!

"Sabagay gwapo nga naman iyon" 

Gusto kong pumikit nalang at pinagsisihan ang mga dahilan ko. Dahil sa huli papunta padin ako sa canteen!

"Gwapo talaga ako" sabat ni Ivan.

"Hay na'ko, tayoy humayo na at baka umulan pa" pambabara ni Pia. Hindi nanaman nawala ang kamay niyang kinapitan ang braso ko na akala mo'y tatakas ako. Tawa ni Ivan ang namayani sa daan.

Bwisit na mga ‘to.

...

Puno ang Canteen at halos walang maupuan. Mainit kasi sa labas kaya wala mas'yadong umuupo don. Puno narin naman ang mga bakanteng upuan samay tabi ng puno ang iba ay naglatag nalang ng blanket na akala mo ay picnic. May food court din naman kaso ay baka mag reklamo nanaman tong mga to kapag sinabi ko.

Kakarating lang namin doon malakas naman ang hangin pero mahahalata mo pading mainit. Nang pumasok kami ay biglang lamig dahil sa mga ceiling fan. Walang aircon dahil mas'yadong open area ang Canteen, kung titignan karamihan ay salaming bintana. Wala namang kaso yon saakin at mas satingin ko pa ay ayos iyon dahil sa dami ng college na parang batang nag sisiksikan sa Canteen,hindi malabong walang maglabas ng sarili nilang hangin. May mga estudyante lang talaga na kung umasta e sobrang yaman! Edi sana sa ibang school sila pumasok!

Nag aayos si Pia ng Ponytail niya habang  naghahanap ng mauupuan. At sa kabilang banda ang dal'wa pa na nagdadaldalan. Rinig kong pinag uusapan nila ang aking frenimy. Si Calihl.

"Gusto niya?"

"Hindi pwede, baka next month bumalik na'yon ng manila." Sagot ni Ivan sa tanong ni Chloe na kung gusto ba ni Calihl na mag transfer dito.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now