Saktong  muka ni Pia.

"Solo flight si ateng!"  Sabi niya. Tinignan din ang lalaki  at tinaasan ng kilay.

"Sabagay hindi pa naman late, LETS GO!! " Sabay talikod niya.

Himala at hindi siya nanermon. Bulong ng isip ko.

Humarap ako sa gilid ko at inayos ang pag kakasakbat ng bag ko. Magpapasalamat at magpapa alam lang ako ng madali.

"I'll just park this. Mauna kana" pagkaharap na pagkaharap ko sa kaniya. It's like inaantay niya talaga yon. To surprise me.

Inisip kopang mali ang nasabi niya. Alam kong halatang nangunot ang noo ko kaya nagsalita ulit siya.

"Mauna kana, susunod ako"  then he gesture the gate. May ngisi pang nakaukit sa muka. Halatang nakuha ang inexpect na reaction ko.

"Oo susunod ako. Totoo" isang ulit pa niya ng hindi ako kumilos. Naiintindihan ko pero natulala ata ako sa muka niya. He's assuring me while I'm busy staring at his face.

My definition of handsome-

"Santiña Lloyora!" Sigaw ni Pia.

Kaya agad akong napatalikod at napatakbo papunta sa gate sa hindi ko malamang dahilan.

**

Nagkaroon kami ng Quiz sa araw na iyon.Huling  subject na ito ng pang umaga at malapit nang mag lunch. Ngunit ang isip ko ay hindi mapakali.

Ini-announce narin kung anong grade ang nakuha namin sa panibagong research na sinimulan  agad namin noong nag second semester at tuwang tuwa si Pia ng makitang mas mataas pa sa inasahan niya ang nakuha ng members niya. Tuloy ay hindi maawat ang pagyayabang niya kay Ivan, maging sa mga seatmates namin.

I stared at Pia. She's so happy. Kitang kita ko iyon sa mga mata niya. Kahit pa ang daldal daldal niya ay may ibubuga naman. Alam  ko marami s'yang pinagdadaanan kaya dinadaan n'ya nalang sa daldal at tawa. Gusto ko sanang sabihin ang nararamdaman ko ngayon pero baka pagtawanan lang nila ako pag sinabi ko'yon. At worse makarating pa kay Hanz.

Sabagay maliit pa ito kumpara sa mga problema niya. Kaya ko pa itong i-handle mag isa.

Gustong gusto niya ang ginagawa n'ya, samantalang ako.. noong nagsimula ang College ay nakihalubilo lang sa kanila. Hindi ko nga alam kung bakit ako napunta sa Business management e. Sinabi ko nalang non sa sarili ko na bahala na sa future, tapos nung namatay si mama tska kolang sobrang pinahalagahan yung pinili ko. Wala akong hilig sa business,hobby lang ang mayroon ako. Unlike kay Pia na bagay sa kanya ang business, magaling sya makipag usap sa tao e.. baka mapa-deal niya agad ang mga business man pag nagkataon.

Sa away lang ako magaling.. ni pagtibok ng puso pinoproblema ko.

Bwisit ka Lori.

"Humanda ka ngayon Mr. Hanz Velina" Sabi niya ng pababa kami ng hagdan. Magkakasabay kaming tatlo na bumaba. Wala si Ivan, pinauna kami dahil ihahatid lang daw niya saglit ang hiniram niyang libro sa library.

Tuloy kami ang dinadaldal ni Pia.

"Andon iyon sa Canteen" Sabi ni Pia tinuro ang daan papuntang Canteen. Parang siguradong sigurado siya sa sinabi. Hindi ko alam kung anong trip niya  at parang gusto ko nalang mag excuse at pumunta sa Comfort Room.

Sinubukan kong magpahuli sa paglalakad. Sa una inunti unti kong umatras ngunit natigil ang kwentuhan nila at nilingon ako. Naramdaman siguro nilang walang Lori'ng sumusunod.

Awang pa ang bibig ni Pia na parang may sasabihin  pero mas piniling lumingon sa'akin. Napataas ang kilay at waring magsasalita.

"Nakalimutan ko pala yung wallet ko sa bag" agad na dahilan ko. Tinuro ko pa ang daan pabalik .

String ConsequenceWhere stories live. Discover now