"You know Pia" Sabi niya at ngumisi, tinaas ang dalawang balikat. Siya na kasi ang ang nasesermunan ni Pia pag late akong nakarating ng school. Hindi naman niya ako pinepressure na magmadali. Tsaka... Minsan lang akong masundo ng solo. Usually kasama ko si Pia at Chloe. Minsan nga si Maja e!
"Masasanay ka rin!" tukoy ko kay Pia.
Ramdam kong lumapit si Papa sa p'westo namin. Umupo siya sa isahang sofa, pinatong ang hawak na kape sa lamesa. Hindi pa siguro siya aalis dahil mas'yado pang maaga.
"I guess so " Sabi n'ya lang at ramdam kong nanahimik saglit kaya napaangat ang tingin ko sa kanila. Tinitignan ni Hanz ang mga picture sa gilid ng shelves while on the other side si Papa na nakatingin saakin. Nakangiti. Sinamaan ko tuloy ng tingin.
"Okay kalang pa?" Natatawang tanong ko.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa kabilang dako kung nasaan si Hanz na busy sa pagtingin ng mga litrato. Tinignan ulit ako pabalik ni Papa hindi mawala ang ngiti. "Okay na okay" sabay higop ng kape.
Tumula ako saglit at binasa ang tingin niya pero wala akong makita. Alam kong kapag may problema si Papa magsasabi 'yan kahit papano. Pero sa nakikita ko ay mukang ayos naman s'ya kaya wala akong dapat ipag alala.
Kumain ako ng mabilisan sa kusina. Ayaw kasi akong paalisin ni papa ng hindi nag aagahan. Habang si Hanz nandoon at naririnig kong nakikipag usap kay Papa ng kung ano anong bagay. Nahihiya na tuloy ako dahil pakiramdam ko ay masyado na akong nagtatagal.
Napahinto ako sa pag-inom ng narinig kong tinanong ni Papa ang bukal ng iniisip ko kani kanina lang.
"Bakit ang dalas mo?" Maingat na tanong ni Papa.
Nilunok ko ang natitirang tubig sa bibig ko at tumayo lang don. Nag iintay lang din ng isasagot niya. Baka kasi iba ang nasa isip ni Papa na may ibang interpretasyon ang pag sundo at pagpunta dito ng lalaki gayong alam ko sa sarili ko na wala talaga. Pero aamin kong... minsan nag iiba ang interpretasyon nito sa'akin.
Hindi ganito si Ivan at ang mga nauna kong lalaking kaibigan saakin. Pero naisip kodin na may ibat iba silang paraan kung paano sila bilang isang kaibigan. I guess that was Hanz doing. Binibigyan lang ng ibang tao ng kahulugan ang ginagawa niya... gaya ko.
"I have a lot of friends here" tumingin siya sa direksyon ko kaya naglakad na ako palapit.
" Lori is my friend" napahinto ako pero agad na nagtuloy. Natiklop ang labi at kinuha ang bag.
"Papasok na ako pa" Sabat ko. Tumayo silang pareho. Lumapit ako kay Papa at niyakap siya.
"Ingat pa.."
"Ingat kayo ." sagot niya.
....
Nang nakarating kami sa school ay nakita ko kaagad si Pia at Chloe na nag aabang katabi ng guard. Naka uniform si Chloe habang si Pia ay naka dress na dilaw.Nakikipag kwentuhan siya sa kapwa namin estudyante.
Akala ko ba usapan namin na mag u-uniform!
"Ako na" Sabi ko at binuksan ang pinto ng sasakyan niya. Para hindi na siya bumaba at makakuha ng sobrang atens'yon sa mga estudyante. Palagi nalang siyang pinag uusapan at hindi gusto ng tainga ko iyon. I didn't talk.. but my mind keep rolling and thinking bad words.
Nasa labas na ako at nakita kong napansin agad ako ni Pia. Kumaway pa na akala mo hindi ko din siya nakita. Nakahatak tuloy ng atens'yon!
My brows shut ng marinig ko ang lagapak ng pinto ng sasakyan. Nilingon ko ang kabilang pinto. Tumiay pa ako kahit p'wede ko namang tignan sa loob kung lumabas ba si Hanz. Huli kona ng mapagtanyo 'yon. Nakalabas na siya ng sasakyan paikot sa direksyon ko kaya bago niya pa ako maabutang sinusundan siya ng tingin, humarap na ako sa kabilang direks'yon.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 6
Start from the beginning
