Pero may bibig talagang hindi matatahimik.

"Saan nanaman kayo galing?" Parang nanay na tanong ni Pia kay  Ivan. Tinapiran pa ang lalaki ng tumabi sa kaniya. Mejo pawisan kasi.

"E bakit nang tatapir ka?" Sabay tapir niya rin dito pabalik. 

Walang sawang pag aasaran ang nangyari buong gabi. Inisa Isa namin ang mga tolda na may ibat ibang palaro. Sumakay din kami sa ilang rides na itinayo. Hindi nga lang ako natuwa ng masuka ako pagkatapos sumakay sa caterpillar na ride na iyon! Sobrang bilis at nakakahilo. Talo kopa ang lumaklak ng isang bote ng alak sa sobrang hilo.

"Are you okay?" Tanong ni Hanz ng himinto ako saglit para pumikit. Nakakahilo talaga!

" Okay lang. Kaya pa" Sabi ko at tinungga ang tubig na galing sa kaniya.

****

Naging madali rin sa bawat isa ang pag uusap lalot hindi nawawalan ng topic dahil kay Pia at Ivan. Kahit si Hanz nakikisabay sa mga kalokohan nila. Isa lang palagi kong napapansin parang ayaw niya laging makipag usap kay Calihl. Hindi ko rin alam kung bakit. 

Masasabi kong masaya ring kasama si Calihl at Hanz dahil may mga ugali silang katulad ng kay Ivan. Para kaming isang barkadahan kung titignan.. pero ang totoo hindi ko din masabi o baka ngayon lang.

Ala una kami nagpasyang umuwi. Hinatid kami ni Hanz sa sakayan ng jeep kahit hindi naman kailangan.

Nang makauwi ay mabilis akong nakatulog dala  pagsasaya at pagod. Inabutan panga kami ng Curfew na naghatid saamin sa kanya kanyang tapat ng bahay.

Sana palaging ganoon.

At totoo nga ang kasabihan na kapag masaya madaling lilipas ang minuto, oras at araw  maging ang linggo.

Halos mag isang  linggo na ng matapos ang fiesta ng  bayan. Sa mga araw na lumipas ay marami talagang pinagbago. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin o pati ang mga tao sa paligid ko.

"Lori! May sundo ka!" Sigaw ni papa sa baba. Nag aayos pa lang ako ng sarili sa salamin ay sumigaw na agad siya. Alam ko sa sarili ko na dapat hindi ko minamadali ang pagkilos pero napadali ito. Naka uniform na ako, at dali sadiling inipitan ang sarili. Basa pa ang buhok ko at ni hindi pa ako nakakapag suklay ay tumakbo na ako pababa.

Halatang masyado akong atat pababa kaya binagalan ko ng kaunti. Huling hakbang ko palang alam kong may nakatingin na saakin. Hindi nga ako nagkamali ng makita ko si Hanz. Naka uniform din siya at ayos na ayos ang buhok. Amoy kodin ang mamahalin niyang pabango.

Nakamangot ang muka niya kaya agad kong inabot iyon para tak'pan. Tumawa siya pero biglang tumayo ng maayos ng makita si papang lumabas ng kusina may hawak na tasa ng kape.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay papa dahil alam kong nagtatanong rin ang isip niya kung bakit napapadalas dito ang batang Velina dahil hindi ko rin naman alam ang sagot.  Simula kasi nung nag usap kami noong gabing yon e parang naging komportable na siya saakin--saamin. Sumasama siya minsan sa paglalakwatsa pag may oras siya. Minsan siya pa mismo ang nag aaya. Kasali nadin sila ni Calihl sa gc ng naming puros yabangan. Ang hindi lang alam ng lokong Ivan ay may gc din kaming tatlo lang nila Chloe at Pia.

Nagpapaalam ako kay papa palagi at minsan nakikita niya kaming sakay ng sasakyan ni Hanz pero ngumingiti lang siya at palagi kaming pinapaalalahanan na mag-ingat. Hindi lang naman kami ang naging kaibigan niya simula ng matapos ang botohan, actually mas madami pa. Siguro may ideya narin si papa na palakaibigan lang talaga ang lalaking ito kaya hindi na siya nagsasalita pa.

"Aga a?" Sabi ko umupo sa sofa at inayos ang medyas. Tinaas ko ang paa at agad ding binaba. Shucks! naka palda nga pala ako!. Minsan nahihiya narin ako kapag masyado akong nagiging komportable.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now