Public proposal huh?

....

Balak ko na sanang umuwi pero nakita pa ako ng isang barkada ko.

"Dammmitt! Ikaw na Lori last two chance!" Sambit ni Allen ng hindi nya natamaan ng laruang baril ang target na may lamang papremyo. Kinuha ko ang baril sakaniya at tumayo ng naaayon sa target.  Para lang akong kumukuha ng shots sa camera kung tutuusin kaya lang  baril na laruan ang hawak ko.

Ititira ko na sana ng marinig ko ang boses ni Pia. Napapikit nalang ako ng hindi ko natamaan ang target, tinawanan tuloy ako ni Allen. Akala ko ay hindi na ito magsisisunod saakin. Mga kinse minuto na kasi ako ditong nag lalaro.

"Huli ka!" Sabay akbay saakin ni Pia."hina mopo" bulong niya saakin, Napalayo ako at tinanggal ang kamay niya saakin. Tinignan ko ang mga kasunod n'ya at kumpleto parin sila even Calihl!.

"Anong kadramahan iyan Santiña?" Si Pia sinamaan ako ng tingin kaya hindi ko mapigilang mapangisi. I'm just acting to see her reaction kung ma ooffend s'ya sa ginawa ko pero walang epekto.

"Better luck Lori" sabay yapos saakin ni Allen, tinapik ang balikat ko bago umalis.Napairap naman si Chloe ng ngisian siya nito.

"Abnormal" bulong niya pero narinig naman namin. Tinignan ko ang baril na laruan bago ang mga kasama ko.

"Laro" Sabi ko sinenyas ang laruan kay Ivan. Nakita kong nanliit ang mata niya bago umirap na tumalikod, sumunod naman si Calihl na walang sinabi.

Attitude bastards!

Tinignan ko si Chloe para sana humingi ng tulong pero tumaas lang ang kilay niya--namaywang siya doon habang unti unting bumababa ang atensyon sa cellphone. At sa gilid ng mata ko ay  may taong kanina pa ako tinutusok ng madilim na tingin.  Kaya nga hindi ako tumitingin pabalik e.  Naaliwas ako sa kaniya. Ewan ko ba kapag kami lang dalawa gumagaan ang pakiramdam ko sa kan'ya  pero pag may ibang taong nakapaligid saamin naiilang ako. Bwisit!

"Alam mo Santiña.. Gutom lang yan halika na!" Higit ni Pia saakin. Alam kong ayaw niyang maglaro! Dahil madali siyang mainis,para-paraan n'ya lang ang pagkain para makaalis!

Sa daan ay hindi mawala ang pagsesermon niya saakin at ang kadramahang ginawa ko. Sinabi niya pa na kanina pa sila naghahanap matapos nilang sunduin si Calihl sa pinakang unahan,na hindi daw nila malalaman na sumunod din ng mag text kay Ivan.

"Alam mo kanina pa sana tayo nakalibot kung hindi ka lalayas layas" Sabi niya hanggang makarating kami kung saan  kami kumain kanina. Nilingon ko ang lalaking nakasunod lang saamin. Nakalagay ang kamay niya sa loob ng Hoddie at seryosong mukang naglalakad palapit sa table kung saan kauupo lang namin.

Sigurado akong naiinip siya.

"Edi sana naglibot na kayo ng wala ako" utas ko akmang itataas ang paa ng maalalang nala short lang ako at may kasama kaming lalaki. 

"May aayaw e" bulong ni Chloe na nasa cellphone parin ang atensyon. Nakangisi siya habang nakatingin parin doon.

"Madaliang libot ang nagawa namin sa kakahanap sa'yo e" Irap ni Pia at hindi nasawang kumakain nanaman.

Umupo ang lalaki sa katabi ni Pia na katapat kolang. Iniwas ko ang tingin ng mapatingin siya saakin. Mabuti naman at nagsalita na ulit si Pia ng kung ano anong masasabi niya tungkol sa pagkawala ko saglit. Tinatawanan ko nalang siya dahil alam kong hindi n'ya gusto ang ginawa nila at sigurado akong kung wala silang kasamang lalaki ay hahayaan nila akong mawala.

Magaling.

Dumating si Ivan at Calihl kahit pa nauna silang umalis kanina. Hindi na ako nag tanong inisip ko nalang na  baka inilibot niya ang pinsan sa lugar. Halata kasing tuwang tuwa ang dalawa sa kung anong nangyari.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now