Tinigil ko na hanggang doon. Sinabi ko nga palang ayaw kong pinapakita masyado ang totoong ako, mahirap na malaman nila ang kahinaan ko. 

"Ay ang drama ko!, Bakit kasi ang tagal nila" Sabi ko tumawa ulit. Ramdam kong nakatingin lang siya saakin. Hindi ko mabasa kung anong emosyon o kung anong iniisip niya tungkol saakin.

"I have...wish now" sabi niya habang nakatingin parin saakin ,Suminghap.

"Aba talaga? Ambilis a!" Lingon ko sa kan'ya. 

"Drama kolang pala makakapag pahiling sayo!, Anong wish ba'yan?" Biglang komportableng tanong ko.  Hindi ako makapaniwalang makakasaksi ako ng taong isang beses palang hihiling. Kahit imposible maniniwala ako.

"I wish I would be a moon" sabi niya binalingan ang maliwanag na buwan.

"Huh? Imposible iyon!" Sabi ko nagtataka. Pero unique ha!

Ngumiti sya sa paraang 'yon talaga ang gusto niyang matupad.

"Pero pwede narin." Sabay pasada ko sa maliwanag na buwan.

" Yeah,At least... I'm here to shine  down on you in your darkest hour."

****

Nakipag kwentuhan ako sa kanya na parang komportableng komportable ako. Alerto kasi siyang makinig at palaging may suggestion. Minsan malala din siyang mang asar. Very distant from what I think about him. Although nagulat ako dahil sa hiling niya e, binalewala ko nalang,tumawa noong sinabing seryoso sya.

Ngayon lang kami nakapag usap ng sobrang tagal. Usually pag nakakasama ko siya, ang ikli niya lang sumagot. Ngumingiti siya pero parang nakakatakot pag tripan.

Nakatayo na kaming pareho habang nakatanaw sa paligid--naka hawak sa railings. Nag tawanan kami at nag kwentuhan ng ilan sa mga kalokohan, may ilan din akong nalaman tungkol sa kaniya.

He have a sister and his mother was doctor.  Yoon lang ang sinabi niya tungkol sa pamilya n'ya. Some are about his friends and colleagues.

Natahimik kaming pareho ng sabay na humampas sa mukha namin ang malamig na simoy ng  hangin. Kahit paligid ng tao dinama ang hangin.

Sinuot ko ang isang kamay ko sa bulsa ng Hoddie , ang Isa ay pinaggalumbaba ko sa railings. Tumunganga ako sa buong syudad ng tahimik.  Hindi na rin s'ya nagsalita. Parang napipi na sa hampas ng rumaragasang hangin.

Binalingan ko siya at nakita kong nakatingin s'ya sa buwan. Agad namang tinamaan ng kaba ang dibdib ko ng hindi ko malaman.My heart beats fast.

Sa oras na ito anglakas ng tibok ng puso ko. 

Tinitigan ko siya hanggang sa lumingon s'ya na iniwasan ko. Sinabi ko sa sarili na kung magkakagusto man ako ulit, hindi ako aamin. Sinabi ko na kung may darating man...hahayaan ko muna at tatapusin ang college bago muling pumasok sa relasyon.

But now... I don't know what I feel. Kahit ilang buwan ko palang siyang nakakasama parang naninibago ako. Hindi ko alam kung hindi lang ako sanay o ayaw kolang paaminin ang sarili ko?

"Shuta" bulong ko sabay baling sa kaniya. Nanlaki ang mata ko ng nakatingin siya saakin, as in sa mata ko.

"What did you just say?" Kumunot ang noo niya.

Napalunok  ako ng patago dahil kahit simpleng ginagawa niya ay napapansin ko.

" Uh" ngumiti ako " Wala huh? Ha?  May sinabi ba ako?" Maang maangan ko. Nailabas koba ang iniisip ko?

" You say--"

" Wala akong sinabi na may gusto ako sayo ha!" Biglaang labas ng bibig ko. Napalabi ako sa biglang pag sigaw.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now