Napatingin s'ya sa mata ko kaya lumiko agad ang paningin ko. Masyado akong naiilang pag palaging nagtatagpo ang paningin namin. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi naging magaan ang paglalakad namin.  Bukod sa naiinis ako sa mga tingin ng tao ay palagi niya akong pinapauna maglakad. Dalwampung baitang ang dapat naming akyatin bago makarating sa tuktok kung saan kita ang buong Buena Oliveranza.

Kung sa couple ay Isa itong mala memorable place..saakin hindi,wala namang memorable na puros ilaw lang at mga mag shoshotang naglalandian dito. Kahit noong hindi pa naman mag pe fiesta ginawa nang tabayan ito ng mga mag jojowang ito.

Dumeretso ako sa pinakang dulo. May mga lamesa at upuan din doon pero mas pinili ko ang bench  na nakaharap sa kadiliman ng buong Buena Oliveranza. Umupo ako habang naka ekis ang braso sa dibdib. Hindi ako nag salita kaya umupo din siya sa katabi ko, Yoon ngalang may malayong pagitan.

Dinama ko ang simoy ng hangin ng buong lugar. Hindi masyadong madilim dahil maraming ilaw. Isa sa pinaka nakakawalang pagod na lugar.  Pinikit ko ang mata ko ng kumalma ang isip ko at kahit paano makaisip ako ng topic. Para naman hindi kami mukang tanga dito habang nag iintay.

"Hey"  rinig kong utas nya sa gilid ko.

Sandali akong nakiramdam bago lumiko ang tingin sa kaniya. He's staring at my eyes once again. Tumatama sa muka niya ang ilaw na galing sa mga led lights na nakasabit sa puno. He's really  handsome, i swear.  Agad kong nilikong muli ang tingin ko.

"Uh. Ha?" Ngumiti ako

" Are you okay?" Tanong niya nakataas ang kilay habang bahagyang naka pout ang bibig. 

Tinignan kong muli isang beses ang kabuuan ng muka niya bago nilingon muli ang madilim na paligid.

Bwisit. Hindi ko nanaman siya kayang tignan.

"Bakit naman hindi?" Maingat na sagot ko.

Inisip kong napaka walang kwenta ng sagot ko. Pero totoo namang ayos lang ako. Muka ba akong hindi okay sa paningin niya?

Piniga kong muli ang utak ko sa kung ano mang pwede naming pag usapan ng hindi siya umimik. I heard him clear his throat but he didn't have the urge to speak. Huminga lang siya ng malalim pagkatapos nakita ko sa gilid ng mata ko na ginaya niya ang pagkaka upo ko.

Hindi ako umimik sa halip tinaas ko ang paa ko sa upuan at sinaklob ang Hoddie sa tuhod.  Narinig kong may sinabi siya  pero hindi ko naiintindihan.

Gusto kong tanungin pero ayokong mag salita.

..

"Naniniwala kaba sa....mga wishes?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko habang nakatulala sa madilim na paligid, pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"No"

"Huh? May ganon ba?" Biglang baling ko sa kaniya. Nakakunot ang noo habang siya kalmado lang na nakatingin sa harapan.

"Wala akong hinihiling" sabi niya sabay baling saakin.  Ngumiti siya pero hindi mawawala ang pagka seryoso sa mukha n'ya.

"Ah.." Sabi ko at tumango tango nalang. Gusto kong magtanong pero mukang hindi siya pala kwento. Sabagay, sino ba naman ang may hihilingin pa? Mukang nasa kaniya na ang lahat.

"Ako kasi.. meron" sabi ko sinabayan ng halakhak. Mukang awkward dahil para akong tangang sinabi iyon kahit hindi siya nagtatanong.

"Ano?" Hindi ko inasahan na sasagot pa siya.

"Gusto kong mabuhay ulit si mama," tumawa ako ng bumaling sa kaniya saglit .  "gusto kong naandito siya kapag naabot ko na yung pangarap ko o kahit kapag malungkot ako"  ngumiti pa ako na parang tanga. Hindi ako naiiyak o anuman pero ang sarap mag-usap kapag alam mong may lugar at may...  taong makikinig lalo at hindi mo gaanong kilala.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now