Nagpasalamat nanga lang ako dahil kahit papano  natakasan ko ang awkwardness na naramdaman ko kanina.

"An'tagal naman ng mga kupal na iyon" Maya mayay tinaas na ang dalawang paa sa upuan at pinaglaruan ang stick ng barbeque.

"Andyan lang yon--"

Humahagos na Ivan at Calihl ang dumating bigla sa harapan. Tumatawa ang dalawa at agad nakisiksik sa upuan ko. Nagtaka ako ng makitang pipilay pilay si Calihl.

"Anong nangyari diyan?" Naunahan ako sa tanong nayon ni Chloe.

"Nanghuli ng palaka" humalakhak si Ivan at napansin ko din na may dumi siya sa damit.

"Anong  ngang nangyari?" Biglang kalma ni Pia sa pag bibiro. Mukang napansin niya rin. Umayos siya ng upo at pinatong ang dalawang kamay sa lamesa.

"Ah eto kasi ang likot" sabay turo ni Ivan sa pinsan "Nanagip ng babae akala mo super hero, ayun nabudol tuloy ng motor" humalakhak ulit s'ya. Ngingiti ngiti naman ang isa pero halata sa mukha niyang nasaktan s'ya.

"E bakit ngingiti ngiti pa kayo?" Si pia

" Ang tanga n'yo" sabat ko. Napatingin tuloy si Calihl,sininghalan ako gamit ang tingin.

"Maganda yung sinagip---"

"Katangahan n'yo. Umuwi na kaya kayo. Dali kayo kay ate Ivee!" Si Chloe naman

"Siya ang sisihin ko" sagot naman ni Calihl na ang tinutukoy ay si ate Ivee na nagpumulit sa kanya na sumama kanina.

Tahimik lang ang lalaki sa harap namin at pinapanood kami kung paano magbarahan. Nakisabay pa siya sa biro pero pagdating kay Calihl parang magkasanggang dragon sila. Hindi ko alam kung anong problema ng dalawang to at simula ata nagkita magkagalit na.

"Okaya kayo!" Sabay turo ni Calihl kay Pia at Chloe.

"Anong kami?!"

"Kapal mo!"  reklamo agad ni Pia at  dalidaling tumayo si Pia sa upuan at akmang mananaksak ng Stick na hawak niya "birahin kita e!" Agad naman na hinila ni Chloe sa damit kaya napaupo ulit.

***

"Uuwi kami" anunsyo ni Ivan.

"Edi umuwi kayo." sagot naman ni Pia.

Gusto kong sampalin ang dal'wa ng magpatuloy  ang pagtatalong ginagawa nila at parang wala silang ibang kasama. Sa huli parang gusto ko nangang ituloy ang pag sampal sa kanila ng  nagdesiyon silang apat na sasamahan si Ivan at Calihl na umuwi at magpalit.Hindi naman sila ganon kadumi pero halata tsaka... sa nakikita ko mukang hirap talaga si Calihl sa pagkilos kahit hindi niya sabihin.

"Babalik din kami, Mauna na kayo." Sabi ni Chloe habang paamba ng paalis tinutulak si Ivan sa likod. "Sabi ni Hanz gusto niya daw makita ang buong Buena Oliveranza ngayon hindi niya daw kasi--"

"Sayang! dito nalang din kaya ako?" Suhestiyon ni Pia.

"Tara!" Higit ni Chloe sa bruha.

Nagpaalam sila kay Hanz at sinabing babalik din.   Hindi manlang siya nag reac nung sinabing maiiwan kaming dalawa! Ngumiti pa sya.

Isa pa itong si Chloe. Parang biglang tinamaan ng kung ano at pinapauna kaming umakyat, biglang nawala ang paniniwala! Nagreklamo ako kanina na sasama ako sa kanila pero bigla nilang sinabing walang kasama si Hanz. Alam kong mali nga namang iwan namin siyang mag Isa pero bakit ako pa?!

Nakatayo pa ako kahit ilang metro na ang layo ng mga kaibigan ko. Binalingan ko ang lalaki at nakatingin lang din siya sa tinitignan ko. Suminghap ako bago sinabing " Tara?" 

String ConsequenceWhere stories live. Discover now