"Ay bet ko don sa may dulo kita buong Buena Oliveranza, kahit nga mga nag chuchugchugan--"

"Pia!" Saway ni Chloe pero tumawa.

Tumawa ako pero parang nahihiya palagi ang sarili ko kapag may ibang taong nasa paligid namin. Hindi ko maipakita ang totoong ugali ko. Natatakot akong magkaroon ng kahit katiting na idea ang tao tungkol sa sarili ko. Kaya sa huli palagi akong binabansagang kill joy ng mga to.

"Sorry!" Sabay ayos ng buhok at lapit kay Hanz na ngingiti ngiti. " Sinong kasama mo nung last fiesta dito? Balita ko malapit lang bahay nyo a! bakit late ka!" Sunod sunod na saad niya. Nagsimula naring maglakad papunta sa sinasabi nila.

"I didn't go here."

"Heh! Don't English English me ha!, Pero punta kami next time sa bahay nyo! Wag ka tumanggi friends na tayo remember?"

Friends?

Hindi ako nag reac ng kahit ano, kahit magsalita  basta nakinig lang ako. Kailan pa naging magkaibigan ang mga 'to?

"Tss"

"Nakapunta ka na don?" Tanong ni Chloe kay Hanz. Nakahawak ang kamay niya sakain pero nagawa pa niyang kuhitin ang lalaki sa harapan .

" Ah. Yeah . "

Pati sila? Close din?

So ano ako dito?Baka biglang itakwil nila ako dahil sa sobrang kj ko.

"Ganda don no!" Si Pia

" Not really."

Hindi pa kami tuluyang dumeretso don. Huminto muna kami sa isang ihawan at naupo sa mga bakanteng upuan. Suhestiyon ni Chloe na intayin ang magpinsan para sabay sabay kaming umakyat.  Hanggang ngayon kasi naniniwala pa ang bruhang ito na may magic daw na mangyayari kung sabay sabay kayong aakyat ng hagdan at sabay sabay n'yo ring masisilayan ang ilaw at hanging dala ng buong Buena Oliveranza. 
Para saakin hindi ako nagpapaniwala sa kung anong pinaniniwalaan nila pero dahil siguro don nagtagal naman kaming magkakaibigan.

Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko. Iniisip ko palang na magiging kaibigan ko ito ay madadagdagan nanaman ang mga kaaway ko. Si Ivan nga lang na kaibigan ko pinag pepiyestahan na ng mga bading 'eto pa kaya?

Brows furrowed while doing something on his cellphone. Hindi lang ngayong araw ko nakitang ganito ang itsura niya. Sa kabila ng magulong buhok  hindi maipagkakailang mayaman ang lalaki. Malinis sa katawan pero halatang hindi maarte.

Is he texting his girlfriend?. Namula ang pisngi ko sa isipin. Last time I check tinext niya ako kaninang lunch. Kinamusta niya lang naman si papa kaya nagreply ako. Noong sinabi kong ayos lang, hindi na siya nagreply.  What now? Pansin kong napapadalas na pati ang pagdalaw niya sa baranggay kahit tapos na ang election. Ano naman kaya ang ginagawa nito?

"What are you staring at?" Nanlaki ang mata ko ng mapabalik sa ulirat. Nakalimutan kong kaharap kolang pala ang lalaking sinisiyasat ko kanina.

"Huh?, Hindi ako tumitingin sa'yo"  Sabi ko at walang sabing inilabas din ang cellphone.

Unknown number

7:40pm

Don't stare at me.  Or else.

****

"Kayo ha! Kopol kopol pa kayo mag bebreak din kayo!," Sigaw ni Pia sa kaklase naming nakaupo din sa kabilang table.
" Kayo rin!" Biglang turo niya saakin. Saktong nakatingin ako sa kanya kaya ngumisi siya ng nang aasar.

Ilang minuto palang kami dito ay halos ilang milyon na ang naidaldal ni Pia. Hindi s'ya nauubusan ng sasabihin dahil bawat bagay dinadaldal niya. Kahit sa pagkain hindi maawat .

String ConsequenceWhere stories live. Discover now