Sumunod kami sa lakad nila. Para kaming hibang dahil kahit s'ya ay hindi nagsasalita at nakikinig lang sa usapan ng dalawa. Maraming tao halos karamihan ay kasing kaedadan lang namin, bihira ko lang makita dito ay mga tiga San Umbriel. Halos mga mayayaman kasi kaya siguro hindi sila nag cecelebrate ng mga gantong simpleng tradisyon. Sabagay kung ako naman ang tao sa kanilang mala palasyong bahay hindi kona gugustuhin pang lumabas no!
Tumigil kami sa mga playing games na nakahara sa daan. Nandoon si Ivan at Calihl naglalaro ng dart. Sayang-saya ang dal'wa kaya hindi yata kami napansin. Tumayo na'nga ang mga bruha sa gilid ni Ivan at namaywang,hindi parin napansin.
Napasinghap ako at napatingin ng marinig na tumawa ng mahina ang kalapit ko. Hindi siya nagsasalita kanina pero ngayo'y mukang masaya. Hindi ko nga din alam kung bakit nanatili ako sa tabi ng lalaking to.
Kalahati ng muka niya ang nakikita ko sa pagkakatagilid niya. Katabi n'ya ako pero sa kabilang gilid s'ya nakatingin. Hindi niya siguro napansin na nakatingin ako sa kanya kaya hindi kumukupas ang ngiti n'ya. Nang tignan ko ang tinitignan njya ay doon ko nakita ang isang pamilya.
May cute na cute na baby na bakitingin sa direksyon namin. Habang karga karga mga magulang na nakikipag usap. Ngumiti muli ang bata, na kahit ako ay nadala. Napangiti ako samantalang ang lalaking katabi ko ay hindi alintana ang tunog ng kanyang tawa.
So... He loves kids? I wonder kung may kapatid siya?
Tinaas ko ang kamay ko at kumaway sa baby. Dahil nasa likudan naman ako ni Hanz ay hindi niya 'yon mapapansin. Sa una ay ngumiti ang bata pero hindi ako natuwa ng makitang biglang kumunot ang noo nito at nagbabadyang umiyak. Dali dali tuloy akong napaayos ng tayo ng biglaan akong nilingon ni Hanz. Umakto akong walang ginawa kahit sa gilid ng mata ko ay nakita kong pinatahan ang bata ng kanyang mga magulang.
Gusto kong mag reac pero hindi ko nagawa. Nakatingin kasi siya saakin na parang alam niya ang ginawa ko.
Tangina ganon ba ako ka pangit? Napatanong ako sa sarili ko.
"What are you doing?" Biglang tanong niya. Nabigla ako.
Tumingin siya sa mata ko pagkatapos sa hinliliit kong pinipisil-pisil. Isa sa gawain ko kapag magsisinungaling.
"Ha?uh.Wala ah?" Bumaling ako saglit. Pero dahil sa titig niya umiwas ako agad. Nakita kong naglalaro na doon sina Pia, enjoy na enjoy sila at bawat tama nito kapalit ng batok kay Ivan. Kahit hindi ko tanungin halatang nawala doon si Calihl. Pumihit ako ng bahagya at hindi ko insahang tamang tama ang pagkakapihit ko.
Siguro'y mga tatlong palaruan ay nandoon siya at nakatayo sa harap ng tindahan. Nakatingala sa langit habang matiyagang nag iintay ng kung ano man. Naramdaman niya sigurong may nakatingin kaya napabaling siya saamin.
Tumingin siya saakin pagkatapos sa katabi ko. Timaas ang gilid ng labi at maya mayay kinuha ang binili niyang tea sabay talikod kung saan. Gusto kong habulin siya dahil alam kong bago palang s'ya sa lugar na'to at maraming lokoloko pero ng itaas ko ang kamay ko at handa na akong tumakbo..
"I'm asking you" Sabi ng lalaki sa gilid ko na nagpawala ng buwelo ko. Tuloy ang kamay ko ay napasampal nalang sa muka sabay pikit.
Rinig kong may sinabi syang kung ano na hindi ko maintindihan. Bukod sa mahina, malakas ang ingay at hiyawan nila Pia sa gilid.
Nawalan ako ng pagkakataong tanungin siya kung anong sinabi niya behind my back dahil lumapit si Ivan para itanong kung nakita ko ang pinsan niya.
"Andun pumunta " turo ko sa daan papuntang dulo.
"Grabe andaya niya" nakasimangot na sabi ni Pia
"Kain muna tayo- libre ni Ivan!" Sigaw nyang muli na kahit si Ivan na tumatakbo,napalingon at walang hiyang tinaas ang gitnang daliri.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 5
Start from the beginning
