"Basta, gamitin mo ito ha?" Nakangiti paring utas ng matanda.

"Hay nako Lori. " Tumawa si Ariel kaya nilingon ko s'ya. Nginuso nya ang labas at doon kolang nakita na malapit na nga palang magdilim.

"Ahm...--"

"Lola uuwi na 'yan si Lori" sabi ni Ariel sa matanda.

"Oo s'yempre naman, mag iingat ka apo"  walang kupas ang ngiti nito.

Kaya hinawakan ko ang kamay n'ya at nagmano.

"Opo, salamat po." sabi ko  bago tuluyang lumabas ng kanilang pinto.

*****

Mabilisan kong sinilid ang panyo sa bulsa ko tsaka mabilisan ding tumakbo.

Palubog na ang araw at ramdam ko narin na hahanapin nako ni Papa. Bukod padon may taong babalik sa bahay na kanina pang nag iintay.

Sa bawat takbo ko sa kanto may tumatawag saakin. Minsan bata minsan mga lalaking papansin. Pero sa halip na pansinin sila dumeretso ako ng takbo.

Isang liko nalang. Malapit na ako.

Pero sadya yatang malas ako.

"Aray!" Napangiwi agad ako ng mapatama ang puwetan ko sa kalsada. Kasabay non ang biglaang pagtuon ng kamay ko para hindi ako tuluyang mapahiga.

Ang hapdi.

"Jusko po!, Lori!" Nag aalala at aligagang si Ate Dory- isang magtitinda ng kakanin, balot at kung ano ano pa, gamit ang bisikleta. Kasama nya ang dalawang taong gulang na bata. Inosenteng napatingin sa kanyang nanay.

Napaayos ako ng upo pero hindi agad ako nakatayo. Napangiwi ako sa hapdi!,nang tignan ko yon ay may maliit na galos ako sa kamay.

Hindi malala pero paunti unting dumudugo.

Aish! Napakatanga mo Lori. Bigla bigla ka kasing lumiliko!

Inalalayan ako ni ate Dory tumayo kaya pinilit ko kahit masakit talaga sa parteng puwitan. Dahil pagabi na may mangilan ngilang mga tao sa kalsada at aware akong nakita nila akong sumalubong sa bisikleta.

"Ayos-s kalang?, May masakit ba? Tatawag--"

" Hindi na Ate, okay lang ako. Maliit lang o" Sabi ko sabay pakita ng kamay ko. " Hindi nakakamatay" dagdag tawa ko.

Kahit napatawa ko hindi parin naalis ang  kaba sa muka nya. Alam ko. At alam nya din kasi na may kasalanan pa sila saakin.  I just don't want to drop it. Okay nako.

" Pauwi na ako ate, tuloy mona pag titinda o; baka gabihin pa kayo masyado,maabutan kayo ng curfew" Sabi ko at pinagpagan ang damit ko.

Nahihiya man. Tumango parin s'ya at humingi ng patawad. Na ako naman talaga ang may gawa.

Pinanood ko ang pagtipa nya sa bisikleta habang nililingon ako ng bata. Kumaway ako at ngumiti. Inosenteng tingin lang ang ibinalik nya saakin.

Nangtuluyang mawala sila sa paningin ko tsaka ako umayos ng tayo at nagpasyang maglakad.

Malapit na naman, okay lang siguro.

Kinapa ko ang cellphone ko pero ang nakapa ko ay ang panyo. Oonga pala siningit ko yon don kanina. Kinuha ko ito at ginawang pampunas sa nagbabadyang dugo sa kamay ko.

Sorry Lola. Dito ko muna gagamitin.

Ilang bahay nalang ang dadaanan bago ang amin , sa kabila kami dumaaan kanina kaya hindi kona nadaanan ngayon ang hall.

Nakarinig ako ng tawanan pero hindi ko pinansin. Natural lang yon pag pagabi. May mga kabataan talaga na ayos lang sa magulang nilang tumambay, parang ako noon. Mas worst pa. 

String ConsequenceWhere stories live. Discover now