" Tang ina ayon yung jowa ko o!" Dahil don napalingon na ako pati ang dalawang katabi ko sa kanya. Hindi siya nakikinig dahil nakatingin s'ya sa kabilang dulo ng hanay ng mga upuan. Nang tignan ko yon halos biglang hindi kona alam ang naging takbo ng isip at damdamin ko.

Anong ginagawa niya dito?

Si Hanz kasama ang apat pang lalaki na hindi ko kilala. Pansin na pansin pala sila doon dahil naka uniform na iba ng amin. Akolang pala ang mukang walang pakialam sa paligid ko. Kinabahan ako kanina pero mas dumoble ata ngayon.

Maya maya pa nag salita ulit ang  emcee-ng officer na tinawag ang pangalan ng nanalong mayor!

"Please welcome our newly advocacy Mayor  Mr Emmanuel Velina!" Agad nagpalakpakan ang mga estudyante ang iba sumigaw pa.

"Daddy ko yan!" Sigaw ni Pia

Halos hindi ko nagalaw ang kamay ko. Pag kuwan nakinig nalang ako sa message niya. Madami s'yang sinabi pero ayon nanaman ako at namamangha sa accent ng pananalita niya. Nakinig ako sa mga pasalamat n'ya at pangako para sa bayan. Usually hindi na bago sa'kin 'yon, palagi namang sinasabi 'yon kapag may ganitong after botohan o kahit bago palang, pero bakit pati sa University namin?

"Ano naman kayang ginagawa ng anak niya dito?" Maya mayay sabi ni Chloe habang napapaisip ako.  Binalingan ko s'ya at nahuli kong lagpas ang tingin n'ya saakin. Sigurado na ako kung sinong tinutukoy niya.

Kahit ako napatanong narin kanina sa isip ko pero pinagsawalang bahala ko yo'n  mas nangibabaw saakin ang katiting na kaba. Tsaka kolang naalala na karamihan ng boto nya ay galing sa kabataaan at siguro dahil malaki ang naitulong nya sa St. Oliver Polytechnic University.

Hanggang sa matapos ang announcement na'yon . May mga professor din na nagpahabol ng nga paalala bago tinapos ang programme.

"Hi! " Napahinto agad ako sa hindi ko malamang dahilan ng marinig ko ang boses ni Pia. Tumulong kami sa pag aayos ng mga monoblock chairs bago kami umalis. Ayoko sanang gawin pero maraming professor ang nagkalat. Hindi naman ako natatakot pero naisip kong baka madagdagan nanaman ang kamalasan ko ngayong araw.

"Hi!' nagtaka ako ng may ibang sumagot. Siguro ibang  year?Ewan. Nag tuloy ako sa pag aayos. Hindi ko kilala kung sinong kausap nila dahil nakatalikod ako. Bahala sila at pag natapos ako dito iiwanan ko ang mga 'yan.

Huling upuan na at napalakas ata ang pagkakapatas ko. Hinayaan ko ang mga tumingin saakin pagkatapos humarap sa kaibigan kong kanina pa nag iingay. Pagsasabihan ko kung sino man ang kadaldalan niyaa dahil hindi sila  matatapos at iiwanan ko sila.

Halos umurong ang dila ko pagkaharap ko sa kanila. Hindi man ako mag assume ay halatang nakatingin saakin si Hanz.  Na concious tuloy ako bigla sa sarili ko na kanina hindi ko manlang naramdaman kahit alam kong naandito lang sila sa paligid ko.

Agad s'yang umiwas ng tingin at agad na binigay ang hawak niyang papel sa katabi n'yang kausap si Pia at Ivan. Natigil tuloy sila sa pag uusap. Apat silang  pare parehas na uniform. Ang kaibahan lang wala s'yang coat. Nakapatong lang sa kabilang braso.

"Hi" bati saakin ng Isa na naka specs  at maayos ang pagkaka ayos ng buhok.  Agad agad akong inakbayan ni Pia. Pumunta din sa gilid ko si Chloe mukang wala din siyang idea kung anong mayroon.

" Lori ang pangalan n'ya" Sabi niya sa lalaki. Inunahan pa ako kahit hindi naman tinatanong ang pangalan ko.

"Cool." Nilahad nito ang kamay n'ya saakin. Tumingin ako sa mga kasama niyang nakangiti rin. Liban lang kay Hanz na nakatingin sa kamay ng kasama niya.

"Uh. Hi" Sabi ko tinanggap ang kamay. Malambot ang kamay n'ya at mukang ayaw pa akong bitawan. Nagpapaka friendly lang ako pero alam kong hindi bagay dahil narinig ko ng ginaya ako ni Pia tsaka humagikhik.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now