" Sino?" Tanong ko " May kilala ka?, Ang linaw ng mata mo ha"
" Kilala mo'yon tanga!" Humarap pa saakin. Naglalakad kami kanina pero nakahinto na kami ngayon. Marami namang estudyante kaya hindi kami mukang tanga.
"Huh?"
" Yung kasama mo nung nakaraan!" Pagpupumilit pa niya kaya mas lalo akong naguluhan. Nag isip pako saglit pero andami kong nakasama nitong nakaraan, pati nga mga kaibigan ng barkada ko kasama nila. Hindi ko naman alam kung nag aaral din ba sila sa school nayan.
" Alam ko pangalan non e wait" nag iisip na sabi niya. Inintay kong may sabihin sya habang nakatingin parin sa may deans office.
"Ayun!" Sabi niya. Sakto namang may lumabas na pamilyar na lalaki sa pintuan ng Dean's office. Naka uniform siya at may kausap sa cellphone.
Parang gusto kong tumakbo kung sakaling makita niya ako.
" Ayun! Hanz yung pangalan!, Binanggit yan ni Calihl- Calihl bayon? Ah! Basta!"
***
Hila hila ako ni Pia ng i-announce na ng professor na pwede na kaming mag proceed sa gymnasium.
"Akala ko ba ayaw mong makinig doon?" Sabi ko. Ni hindi ko pa nailalagay ang mga notebooks sa bag ko ay nakalabas na kami.
"Basta, Malay mo nandoon yung Hanz! Jusko kahit sinabi n'ya saakin na may nagugustuhan na daw s'ya, Hindi ako titigil! "
"Ano?" Bigla akong napaisip sa sinabi. Muka ba'kong gulat?
" Oo!, Hindi mo alam? Ang hina mo naman! "
Clouded akong nagpahila sa kanilang dalawa habang pababa ng floor. Naghaharutan panga si Pia at Ivan pababa pero hindi manlang ako naapektohan. Ewan ko kung bakit ko biglang inisip yung sinabi ni Pia. Ganon na ba sila ka close? . Close din naman kami a? Casual mag usap. Ako lang ata ang hindi kapag minsan.
" Dito tayo sa bandang unahan--hoy kami diyan ha!" Pag haharang niya sa uupo sana sa tinuro n'yang upuan.
" Napaka yabang mo" pang babara sa kan'ya ni Ivan.
" Tigilan mo'ko Veltran, may atraso kapa sa'kin"
" Bakit ako nanaman!" Reklamo kaagad ni Ivan.
Nag asaran ang dalawa , ako naman tumahimik lang.Pinapanood ko lang yung mga officers na nag-aayos sa stage. Hinila panga ako ni Chloe paupo sa sobrang lutang ko.
" Ayos kalang?" Tanong n'ya. Tumango lang ako at ngumiti. Mamaya lang bumwebelo lang ako.
" Natatae ka ano?" Walang hiyang turo ni Pia saakin. Tinawanan pa ni Ivan at Chloe. Paano ba naman parang may kaaway na bigla bigla nalang tumayo at dinuro ako. Pati tuloy ibang students napatingin din. Kahit ang dalwang officer sa stage! Napalakas siguro ng bunganga nito pupwede na siyang pumalit sa mike ng speaker.
"Muka ba?" Sabi ko kahit nakatingin parin ang ilang students. Kahit mga kaklase ko nakatingin din e,pero nakikitawa dahil alam nilang ganito kami mag trashtalkan ng mga kaibigan ko. Lalo na kapag may away.
"Halatang halata, pinagpapawisan kana nga e,yuck Lori n'yo dugyot!"
Nakipag asaran at kwentuhan ako habang hindi pa nag sisimula. Bigla nalang nawala agad sa isip ko kung ano man yung iniisip ko dahil sa mga to. Nang magsimula na ang meeting natahimik ang ilang ilang students pero mayroon din namang hindi talaga maawat.
" Gago may gwapo pala don o" rinig kong bulong ni Pia sa katabi nyang kaklase namin. Si Chloe ang nasa kabilang dulo sumunod ako, si Ivan at ang napaka ingay na si Sopia.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 4
Start from the beginning
