"Antagal mo aba!" Reklamo ni Pia.

"Bakit hindi nyoko inintay!" Sabi ko, tunutukoy ay yung sa sakayan ng jeep.

"E ano naman!, Inintay ka naman namin dito" sagot ni Pia. 

Pilosopo.

"Hinatid kasi ako ni kuya" si Chloe.

Sabay sabay kaming papasok sa gate. Si Chloe at Pia naka jeans, jeans din naman ang suot ko  kaya lang  kulay dark blue. Pinaresan ng puting top.

Tingin palang ng guard halatang hindi mo na mabibiro. Masyadong masungit kung tutuusin. Hindi marunong maki vibes sa mga estudyante.

Sa huli nakapasok naman ako kaya lang late. Pinauna ko na sina Pia kanina pa. Badtrip na badtrip na ako sa guard dahil parang elementary akong pinagsulat sa yellow pad ng "susunod napo ako sa announcement" tagal na tagal ako sa sarili ko habang sinusulat 'yon kanina. Gusto ko nang umayaw at umuwi nalang pero ang nagawa kolang ay magdabog sigurado kasing pagsasabihan nanaman ako ni Papa kung sakali.

Nang dumaan ako sa hallway napapatingin ang mga kapwa ko estudyante saakin. Hindi ko alam kung alam ba nilang ako 'yong isa sa  nagsusulat doon sa labas o kilala nila ako dahil pala away ako?

Parang mga walang pakialam kahit nakita konang nakatingin sila saakin kaya padabog akong naglakad. Wala akong pakialam kung pagsabihan ako ng mga professor nila. Bakit kasi 3rd floor ang room namin at pangalwa pa sa huli.

Pagkatapat na pagkatapat ko palang sa room napatingin agad ang mga kaklase ko. Kitang kita ko kung paano umayos ng upo si Pia at pasimpleng ngumisi saakin. Halatang nambubwisit.

"Ms Crisostomo you're late "  silip ng professor sa pintuan. Nalaman niya agad na nandon ako e hindi panga ako umaabot sa pinto.

"Uh. Hi ma'am " Sabi ko kumaway.

Kitang Kita ko kung paano tumaas ang kilay niya. Masyado na s'yang matanda para dramahan ako sus!, Kasalanan naman talaga nung guard e!

"Come in."  pagkasabi palang non nauna pakong nakalagpas sa pintuan. Narinig kong may sinabi pa s'ya pero hindi ko pinansin. Alam ko naman, pati ang mga classmate ko na kapag late automatic deretso sa office pagkatapos ng class or break time. Ewan ko nalang baga sa mga professor nato bakit hindi hayaan kaming mga estudyante na dere deretso nalang pumasok sa room para tuloy din ang klase. Imbis nag aaksaya sila ng laway kakasermon sa mga late e papapasukin din naman.

"May  meeting daw lahat ng students mamaya" pagka upong pagka upo ko palang narinig kona ang sinabi ni Chloe. Nasa unahan ko s'ya ng upuan habang ang nakangising si Pia ay katabi ko.  Hindi naman by last name ang arrangement ng seats kaya pwede kaming mag tabi tabi. Mabuti nga at malalakas ang dalawang to at pinag reserve pako ng upuan. Usually kasi pag late sa hulihan.

May dalawang subject na ang dumaan at kahit hindi sabihin sa akin ni Chloe na may meeting lahat ng student, maririndi kana sa unli unling paalala ng mga professor.

Ganon ba kaimportante 'yon? Dzuh!

Lumabas kami saglit para mag meryenda. Gutom na gutom daw si Pia dahil hindi siya nag breakfast. Ako naman sumama nalang dahil kahit dito sa classroom naririnig kong pinag uusapan parin ang mga candidate noong botohan at hindi lang yon! Para silang mga uhaw dahil pati mga anak ng tumakbong mayor kilala nila.

Pabalik na kami ng floor. Maraming student na nagkalat kung saan saan. Mamaya pa naman ang announcement meeting kuno na sinasabi nila. Ano nanaman kaya? Kakabalik lang ng school baka may kung ano nanamang ipapagawa sa mga students!

"Ay gago sino 'yon?" Maya mayay sabi ni Pia. Tinignan ko s'ya pero nakatingin pala sila pareho samay Dean's office. May mga pumapasok na taga ibang school. Nalaman ko dahil naka uniform tsaka iba naman ang uniform namin sa kanila.  Mga taga J. ATRIOZ.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now