"Dala ko pala yung flashdrive ko dito, peram muna laptop"  Sabi ni Chloe bago uminom ng tubig.

"Asa taas" yon lang ang sinabi ko. Dumaan siya sa gilid ko para umakyat sa kwarto. Alam niya nayon, sanay na sanay na 'yang mga yan sa bahay namin e.

Intayin ko nalang munang bumaba si Chloe. Sabi ko sa sarili ko.

Kumapit ako sa railings ng hagdan habang nakaupo. Mejo napagod ako.

Mabuti pa si Chloe,naalala ang thesis namin e si Pia, jusko. Ewan ko ba sababaeng 'yan mukang lalaki.

Pero ayos lang, ngayon lang 'yan. Bukas iba nanaman ang trip niyan. Hay Ewan koba.

"Juice please!" Sigaw ni Pia, nakatingin saakin, pinandilatan ako.

Hindi ako tumayo. Tumingin ako saglit sa kusina pero napabalik din agad sa kanila. Pakiramdam ko may nakatingin saakin e.

Saktong pag baling ko ulit, hindi ko alam kung bakit kay Hanz ako unang tumingin.

Potangina bat nakatingin kadin?!

****

Nang dumating ang sumunod pang  lunes, tamad na tamad akong inasikaso ang sarili ko. Pagod ako nitong linggo dahil nag aya ang mga dati kong barkada na mag inom. Napagalitan panga ako ni papa ng umuwi ako ng alas dos ng umaga. At ngayon pinagsasabihan n'ya parin ako, Umagang umaga, lunes na lunes.

"Bwisit talaga." bulong ko ng makitang labahin pa pala ang mga sapatos ko. Bakit kahit Isa sa pito wala manlang hindi labahin?. Mabuti sana kung hindi kita ang dumi e, pero wala.

Sumigaw ako sa sobrang frustrate. Napahawak ako sa ulo ko ng biglang kumirot. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit sumama pa ako kahapon!

Nang bumaba ako paalis na si papa. Nakasuot siya ng isang berdeng  polo, kaswal lang para sa araw araw. Ngayon din ata yung sinasabi n'ya saaking tree planting, ewan hindi ko na matandaan.

"Papasok kana?, Andoon ang baon mo" tinuro niya ang shelves kung saan madalas siyang maglagay. Minsan kasi hindi n'ya ako naabutan. May mga class kasi akong nag sisimula ng alas diez kaya tanghali nadin ako  gumigising dahilan para hindi ko siya maabutan.

Lumapit siya saakin at yumakap, nagpaalala pa siya ng kung ano ano  bago tuluyang umalis.

Tinignan ko ang orasan, may apatnapung minuto pa bago magsimula ang unang klase ko. Hindi ako sigurado kung ganon parin ang oras ng simula ngayong lunes. Hindi kasi ako nangsi- seen sa group chat sa kadahilanang ako palagi ang ina assign sa prayers ng professor naming iyon.

Hindi naman sa ayaw kong ako ang mag lead pero naiinis ako kapag inaasar ako ng mga barkada ko. Ewan ko din sa professor na'yon at kahit sa group chat nag tuturo.

Kumain ako ng mabilisan sa kusina bago hinagilap ang sandals ko. Pwede na ito . Idadahilan ko nalang na nasa locker ang  sapatos ko. Pero pag pumalag pa ang guard bahala na.

Alam ko sa sarili kong baka hindi talaga ako papasukin kaya nilagay ko ang pinakamaayos sa pito kong sapatos sa paper bag. Dadalhin ko yon pero hindi ko susuutin . Props kolang yon sa guard na kunyari basa pa.

Dahil second year college na ako, p'wede na ang freestyle na suot. Papasukin  ka naman ng guard kung  maayos ang suot mo at alam mo sa sarili mong hindi ka mababastos. 'Yon ngalang ngayong araw kailangang mejo casual,pants, jeans at any casual shirt lang  ang required,hindi pwedeng sandals kailangan ay sapatos. Basang basa ko 'yon dahil sa message ni Pia na inis na inis dahil ready na daw ang outfit n'yang dress sa araw na'yon.

Wala naman akong pakialam kung anong isuot, hindi ko lang alam kung bakit nag announce sila ng susuutin para sa ngayon.

Wala pang kinse minuto nakababa na ako ng jeep. Nag text si Chloe na nasa may gate s'ya kasama si Pia  kaya pagkababa ko palang hinanap ko na agad sila sa dagat ng mga estudyante. Ayos naman at madali kolang silang nakita.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now