"Bwisit ka, Ang gwapo o" inakbayan n'ya ako na halos mabali na ang leeg ko, pagkatapos bumulong.

"Sayang binati ako" dagdag bulong nito.

Sinamaan kolang ng tingin ang bruha. Mabuti pa si Chloe  mukang wala sa mood lumandi. Sana ganon din si Pia.

Nakita kong nakatingin parin si Hanz saamin. He's standing in front of us. Mukang naguguluhan kung anong pinag uusapan namin, Kaya tumayo ako ng maayos at pasimpleng kinurot ang tagiliran ni Pia. Nag reklamo siya pero hindi ko pinansin sa halip bumati ako kay Hanz na ipinag taka nila.

"Hi?" Ngumiti ako ng tama lang. Ramdam kong kumapit si Pia sa baywang ko pero nanatili akong nakatingin sa lalaki. Nakatingin padin kasi sya!

"Kamusta?" Napapikit ako sa sarili kong boses.

Tangina, Bakit parang boses mahinhin?!

"I'm fine. You? "

Napamulat nalang ako ng kinurot nako ni Pia. Pagbaling ko sa kanya,parang bundok sa taas ang kilay niya. Nangungusap ang mga mata, kaya sana naiintindihan niya naman din ang sinasabi ng mata ko!

"Are  you done?"

"Ha?" Biglang baling ko sa kanya. Mejo lumayo kay Pia. "Ano?" Sabi ko bumabawi. Ngumiti pa ako kahit mejo awkward na.

Nahiya ako ng titigan niya ako saglit. MULA ULO HANGGANG PAA! 

Halos mamula ang muka ko sa sobrang hiya. Pero ng bumalik ang tingin n'ya sa muka ko, napaayos ulit ako. Sana lang naman hindi niya mahalata ang namumula kong pisngi.

Pota. Bakit niya kasi yon ginawa!

Sabi konalang sa isip ko.

" I see" Sabi niya. Hindi ko nakuha! Tumaas ang kilay niya pagkatapos lumingon sa mga tao.

Mabilis pa sa alas kwatro ang pag hila sakin ni Pia, sumunod pa si Chloe . Halos tatlong hakbang  din mula kay Hanz ang nilayo ko.

Ramdam kong nilingon kami ni Hanz pero nabaling ang tingin nya sa matandang dumaan sa gilid niya.

" Kilala mo!?" Halos maghisterya na ang bunganga ni Pia para lang masabi 'yon ng hindi kalakasan.

"In fairness gwapo" komento naman ni Chloe. Nag apir pa ang dalawa.

"Gaga ka bat hindi mo sinabi--"

" Bat ko sasabihin?" Kunot noong tanong ko

"Andamot mo--"

" Lori! " Isang sigaw lang nakilala ko na agad.

Salamat naman.

Sumakto ka Ivan. Sumakto din ang panghahampas ni Pia.

"Hay- panira, mamaya ha Lori sinasabi ko sayo--"

"Andyan pala si Ivan? Bat Hindi ko nakita kanina" sabi ko , hindi pinakinggan ang sinasabi ni Pia.

Rinig ko ang pagkairita sa boses nito at ilang pagmumura kay Ivan. Sa huli lumayas siya sa harapan ko at lumapit kay Hanz na ngayo'y kausap na ang matanda.

Hm.

Tinikom ko nalang ang bibig ko kaysa mag komento sa ugali ng lalaking to.

Binalingan ko si Ivan samay room na malapit kung nasaan kami. May kausap nang babae ang loko.

"So ano, akala ko pupunta tayo sa inyo?"

Maya maya'y sabi ni Chloe sa gilid ko.

Binalingan ko siya pero sa Cellphone din naman siya nakaharap. Nakita kong pasimpleng pag ngiti niya doon. Napataas ang kilay ko.

That's why. Siguro may bago nanaman itong kaharutan kaya nananahimik.

"Tara muna don kay Ivan, paalam manlang" Sabi ko.

Dzuh! Parang hindi nila kaibigan yung tao. Palibhasa palaging magkaka-asaran sa  media kaya siguro sawang sawa na sa mga sarili.

Naglakad ako papunta kung nasaan siya. Nakasunod lang si Chloe.

Kitang kita ko kung paano siya tumawa sa kausap na babae pero ng makita kami ngumisi lang siya.

That's Ivan's other side. Mahilig makipag landian kung saan saan. Pero hindi naman jinojowa!, Minsan natatawa nangalang ako pag nai-issue kaming dalawa, pero pag sila ni Pia ang na issue  grabe ang bruha parang may pinaglalaban. Galit na galit.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya don, e kanina wala naman siya d'yan or hindi kolang napansin?  Ewan.

Pagkalapit ko palang hinampas kona agad sa braso. Tumawa ang loko pero napansin kong nawala sa kwento ang kausap niyang babae.

"Hoy, napakagara nito a" sabi ni Ivan saakin. Bumaling siya kay Chloe at nakipag fist bump.

Hindi ko alam kung natakot o ano ba yung babae, basta nagpaalam nalang bigla.

"Mahina ka pala e HAHAHAHA" pang aasar ko sa kan'ya, bigla akong tumigil ng mapansing may mga tao pala sa loob na bumoboto. 

Karamihan kasing edad lang namin, mga kaklase ko pa nga ang iba at--

"potangina, bakit andito yaan?"  Napatanong agad na sabi ko.

"Naboto rin"  Chill na sabi niya.

"Gago". Sabay sampal ko sa braso n'yang agad niyang naipangharang. 

Parang nung nakaraan ko lang yan nakitang lalaking yan a? Tapos boboto? Ano  'to lokohan

"Para sakin" dagdag niya. Humalakhak.

"Ano ka walang kamay? Tanga nito"

"Walang pakialamanan"

Isang batok bago nakitawa, maging si Chloe tumawa rin kahit nagseselpon at walang pakialam sa pinag uusapan.

"Sino ba 'yon?" Tanong niya, maya mayay binaba niya ang cellphone at  napalingon din sa loob.

"Gago Lori andito yung naka--"

" Oo" sabi ko nalang dahil mejo lumakas ang boses niya. 

Potangyawa talaga.

"Sino?" Biglang tanong naman ni Ivan kay Chloe.

"Yang pinsan mo"Sabi ko.

"Pinsan?!, Hoy gago pinsan mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Chloe sa tumawang si Ivan.

"Bakit ba? Gwapo naman kami ah?"

"Kung alam molang!" Sabi ni Chloe. Sinamaan ako ng tingin.

Bakit parang kasalanan ko pa? Tangina.

Napahilamos nalang ako. Siguradong pag nakita ni Pia yang pinsan ni Ivan mas kailangan ko nang ihanda ang tainga ko.

Akala ko swerte na 'tong si Ivan.

May bitbit palang malas.

__________________________________________________________________________________

:)

String ConsequenceWhere stories live. Discover now