"Tara?" Si Chloe ng makalapit, tapos na siguro ang inaasikaso niya.

"Mamaya lang naman!, Kanina kasi iniintay" reklamo kaagad ni Pia kay Chloe na tinawanan lang siya.

Napailing iling akong umupo sa tabi ni Chloe. Tinignan ko ang cellphone ko ng naramdamang nag vibrate 'yon.

Nagtaka pa ako dahil andito lang naman si papa . Sino nananaman itong--

"Unknown number"  nakadungaw na sabi ni Chloe sa tabi ko.

"Sino 'yan ha!" Sabi pa niya tumataas taas ang dalawang kilay.

Agad agad kong tinabi ang cellphone ko. Hindi naman 'yon tawag dahil hindi nagpaulit ulit ang tunog.

Nag isip ako saglit habang tinitignan ang mga tao. Hindi ko nakita ang message dahil kay Chloe. Tsaka ko lang din na realize kung bakit ganon ang reaksyon ko e tinignan lang naman ni Chloe, malay  ba n'ya kung sinong unknown number 'yon.

"Hanz?" Biglang sambit ko.

"Ano?sinasabi mo?" Si Chloe kinuhit ako.

Kitang kita ko kung paano siya lingunin ng mga tao.

He's like a goddess that really needing a  full attention.

As in bigtime.

Black oversize statement shirt pair with beige trouser pants.

Kahit ako nagulat ng lumabas siya sa dagat ng mga taong tinitignan ko kani kanina.

Nag tama ang tingin namin. He smiled.

Agad agad akong napayuko at kinalikot ang cellphone. Saktong pagbukas ko ng cellphone. Yung message agad ang bumungad.

From unknown number:

I'm here at school,Nasaan ka?
10:34am

Hindi pa natatapos ang pagtingin ko sa message na'yon natatanggap ulit ako ng bago.

From Unknown number:

I found you.
10:41am

Nanlalaking mata akong napatunganga sa cellphone. Bumilis ang tibok ng puso, tumaas ang mga balahibo.

"Tara e!" Natauhan ako ng tumayo na si Pia.

"Doon lang kami sa inyo maghapon" dagdag nito.

Kumurap kurap ako bago tumayo. Dahil kung hindi ko gagawin yon. Baka matabunan na ako ng kaba, mabatukan pa ni Pia.

"Tara." Sabi ko rin, kahit hindi ako sigurado. Yumuko pa ako ng makitang palakad dito si Hanz.

Gusto kong tumakbo lalo na ng huminto pa si Chloe para magsintas ng sapatos!

"Apaka tagal naman niyan Chloe--"

"Hi?" Sa isang iglap nakarating sya sa aming harapan.

Parang nabingi ako ng natahimik si Pia at napahinto si Chloe. Pakiramdam ko biglang umayon ang mga tao, para kasing natahimik sila kahit nang tignan ko ganon padin naman. Kumikilos sila pero parang antahimik sa pandinig ko!.

"Ah .. hi?" At dahil nasa una-unahan ko si Pia siya ang sumagot. Nakita ko ang pasimpleng pag ayos niya ng buhok!, Maging si Chloe nakatayo narin--tumingin saakin pagkatapos kay Pia pero hindi nagsalita.

"Anong hanap kuya?, Ako? I? Or  Me?,Pili na!"Nakakahiyang  sigaw pa ni  Pia,  kaya napatingin ako sa kay Hanz na biglang nangunot ang noo  habang nakatingin sa kaibigan ko. 

Siguro nagtataka siya sa kabaliwan ng bruha.

Mukang tanga pero bakit ako natatawa.

Sa isang iglap hindi ko nakumbisi ang sarili ko at nahila ko bigla si Pia. Nagulat s'ya sa ginawa ko pero ako nabahala. Tumingin ako kay Hanz nang tignan niya ang kamay kong nakakapit Kay Pia.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now