Alas singko palang nagising na ako. Masyado pang maaga para maligo kaya bumaba muna ako para sana manood muna habang nag iintay ng oras na bumaba si papa.
Hindi ako pala exercise katulad ng iba kaya humilata lang ako sa sofa habang nanonood. Madalas ko din naman 'tong gawin kapag may pasok, nagigising ako ng maaga at ang ending na lale-late ako sa klase.
Isang oras bago ko narinig ang yapak sa hagdan, mag uumaga na at nagbabadya naring magpakita ang liwanag. Kung sa mga lovestory maganda nga namang sabay na tignan ang pag bubukas ng panibagong araw. Pero kung saaking ordinaryong tao na hindi kailanman nagmahal baka sa fairy tales lang yon.
Nakita agad ako ni papa pagbaba n'ya. May dala s'yang damit at dumeretso ng banyo.
Ang matandang yon. Pag nagkasakit! Hindi manlang nag kape.
Saglit akong nanood tsaka tumayo para ipag timpla siya ng kape.
...
Mabilis na lumipas ang oras. Sa isang elementary school ginanap ang pagbibilang ng boto. Ginawa ko na rin ang parte ko bilang botante. Si papa naman inintindi ang mga matatandang nahihirapan sa pag boto.
Nilingon ko ang gate ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. May kalayuan ako ng kaunti sa gate kaya kailangan ko pang aninagin kung sino ang sumigaw.
"Lori! ". Matinis na boses na sigaw ni Pia sa may gate. Nakilala ko agad ito dahil sa boses, At ang baliw, kitang kita ko na parang lalaki kung sumabit sa gate habang kumakaway.
Dahil wala namang inuutos saakin si papa tumayo ako at dinaanan ang mangilan ngilang tao na nag iintay sa initan.
"Bakit?" Tanong ko nakapamaywang. Nakita kong andoon din di Chloe kaso lang may kausap, pinsan niya siguro.
"Tara tambay, Wala kaming gagawin ngayon" Sabi nito tumaas taas ang kilay na makapal, kasing kapal ng pagmumuka nya.
Alam ko namang mayroon. Alam kong magpapatulong ulit sila sa research!, Pero imbis na sabihin, mananahimik nalang ako. Masyado kong kilala ang mga kaibigan ko. Amazona.
Pia is one of my closest friends simula pa noong highschool. Makulit,madrama,mahilig din sa away. Hindi mo makikitang mag sosorry yan sa kaaway,palagi n'yang natatandaan.
Hindi ko nga alam kung bakit sumabay 'yan sa pag babago ko e. I'm still Lori the bitches hindi ngalang kalala tulad noon.
But behind that monster attitude, mabait at matulungin ang bruha nayan. Chloe also; s'ya ang pinaka mabait sa lahat ng naging kaibigan ko.
"Ano ba Lori!" Sigaw n'ya halos hindi ko napigilan ang paghampas ng kamay n'ya sa braso ko.
"Wag mokong titigan ha!, Sasampalin kita tamo!" Sabi pa nito .
Nagreklamo ako sa ginawa niya sakin, gusto kong gumanti pero alam ko sa sarili kong mas lalala pa at hindi na matatapos kapag nagkataon, kaya kapalit ..
"Chloe! Tara na hindi daw sasama si Pablo!--"
"Hayop ka talaga Santiña!"
Tumawa ako ng malakas ng marinig ang pagmumura sa'akin ni Pia. Parang sobra sobrang ganti pa iyon sa paghampas n'ya saakin. She's annoyed everytime I mention her father's first name.
Umupo siya sa bakanteng monoblock habang tatawa tawang kumakain ng isaw. Ni hindi ko manlang alam kung saan niya nadekwat 'yon.
Ewan ko ba,okay naman sila ni tito pero inis na inis s'ya pag binabanggit ko 'yon. The only thing she say " ambantot ng pangalan nya" and I laugh with that. Isang baliw na anak na kinaiinisan ang pangalan ng tatay niya!
ESTÁS LEYENDO
String Consequence
Novela Juvenil1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 3
Comenzar desde el principio
