Kahit tunog ng orasan at trysikel sa kalye nahiya nang makigulo saamin. Parang mas gugustuhin kong andito si papa at hindi na tumaas.

Pasimple ako lumunok dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko sa paghahagilap ng tamang salita para masimulan ang dapat kong sabihin. Kung meron man.

"Ehm" pagpapasimula ko na naging isang katawa tawa.

Nasamid ako sa sarili kong laway!

Umubo ako ng umubo at nakita kong gulat siya sa nangyari agad agad s'yang tumayo at derederetsong pumunta ng kusina.

Hindi naman mahirap hanapin ang kusina dahil hindi naman ganon kalaki ang bahay namin.

"Here" sabay abot  niya ng  isang basong tubig na hindi ko natanggihan kahit mejo humupa na ang pagka samid.

Maging sa paglagok ko ng tubig bumalik ang katahimikan.

It's really annoying! Bakit dumadating pa ang oras na ganito?,Kambal na kamalasan at kahihiyan ang laging inaabot ko!

"You okay now?" Walang bahid ng pag aalala o kahit anong emosyon sa kanyang muka. Just plain. Bigtime.

"Ah.. yea" Sabi ko at lumunok pa ng dal'wang beses. Nakatingin kasi s'ya sa labi ko. Kahit nasa kabilang upuan siya!

Bumugtong hininga s'ya tsaka tumayo.

Napatayo din tuloy ako.

"San--Saan ka pupunta?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko. Na sana hindi ko nalang sinabi.

He's still staring at me intently, tumaas ang kilay nya maging ang sulok ng labi. Hanggang sa sumilay ang ngisi.

Namula ang pisngi ko at napayuko.

Bakit ang tanga mo Lori?

Pumikit ako ng mariin dahil pakiramdam ko bibig ko na ang may pinaka makasalanan sa lahat.

Sumobra na ata ang kamalasan ngayong araw.

Lord please pwede bukas naman?

"What's with your hand?" Napamulat ako sa tanong na 'yon.

Siniksik ko ang kamay ko sa loob ng damit ko sa likod.

No. bakit pati yon napansin ng lalaking to.

"Alin?" Sabi ko  tiningala siya. Pero hindi s'ya nakatingin sa mukha ko. He's now staring at my hand even it is inside my shirt.

"Sinong may gawa niyan?"

"Does it hurt?" Magkasunod na tanong nya.

Dahil doon nilabas kona ng tuluyan ang kamay kong may maliit na sugat. And because he's asking, might  say who really the reason why I have these little bruises.

Sino nga ba?

Napangisi ako sa sariling isipin.

"Here" Sabi ko, nilahad ang kamay sa paraang akala mo ako ay prinsesang hahalikan sa kamay.

Tinignan n'ya ito bago sana hahawakan ng bigla kong bawiin.

"Ops." Sabi ko kaya napatingin s'ya saakin.

"Sorry. " Ngisi ko pa. Pero kahit anong lakas ng loob ko,naglalaho't naglalaho talaga ang tapang ko pag nakikita ko ang mukha nya.

"Don't joke on me . I'm serious" matigas na ingles na sabi niya. Madiin at may kalakasan. Kaya napatikop pa lalo ang bibig ko.

Lalong naubusan ng tapang.

"I'm asking,Sino ang may gawa niyan?" Madiin paring tanong n'ya.

At totoo. Muka ngang hindi nagbibiro.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now