Si papa!
Napakagat labi ako at nakailang ikot sa harap ng pinto.
"Wala ba si Lori?" Rinig kong tanong ni papa habang paunti unti ko nang nakikita ang pag galaw ng hawakan ng pintuan.
Anong gagawin ko shit!
"Pumasok ka muna. Sa loob mona intayin, Maya Maya andito nayon pag alam nyang pagabi na" halakhak pa ni papa.
Dali dali akong tumalikod. Sana hindi ako puntahan sa kwarto kung sakali.
"Ah--"
Kasabay ng paghakbang ko sa pangatlong baitang ng hagdan tuluyang bumukas ang pinto.
Sh! Potangyawa! Napahinto ako, pero hindi ako lumingon. Kagat kagat ang labi habang nakapikit.
Sana. Sana kainin mo na ako lupa!, Ready na akong makain mo!
"Lori?" Halatang gulat ang boses na yon ni papa.
Jusko. Huhu!
"Lori.., anak" ulit na sabi n'ya ng hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung anong expression ni Hanz ng malaman nyang nasa loob na pala ng bahay ang iniintay n'ya!
Nakakahiya!
Totoo nga talaga ang kasabihang maling gumanti sa kapwa!
Hiyang hiya ako pero kailangan kong harapin to.
Nakakainis.
Para akong batang dahan dahang lumingon. Hindi ko tinignan ang lalaki kundi si papa ang tinignan ko.
Halos malusaw ang ngiti ni papa ng makita n'ya ako.
"Andito ka pala sa loob? Akala ko lumabas ka kasama sina Ivan?"
"Uh.." Sabi ko unti unting tinago ang kamay.
"Iniintay ka ni --"
" Opo. Iniintay ko po s'ya salabas kasi may kukunin daw po siya" biglang sabat ni Hanz.
Kaya napatingin talaga ako sa kanya. Gulat.
Ano nanaman to?
Pero salamat. Pasabi ko gamit ang mata.
Madilim ang awra niya habang nakatingin saakin. Sabay baba sa kamay kong nasa likod.
Kaya pasimple ko lalong tinago.
"Ah.. ganon ba iho? Akala ko'y kanina kapa doon e"
"o siya aakyat lang ako para magpalit pagkatapos babalik na ako sa baranggay"
Sabi ni papa ,Akala ko tapos na pero
"Lori" tawag atensyon sakin ni papa.
" Po?" Kunot noong tanong ko. Hindi kasi sya nakangiti.
" Ayusin mo ang pakikipag usap. Sabi ko sa'yong huwag--
"--mong tarayan lahat ng taong nakakausap mo" pag dederetso ko sa sinasabi n'ya.
" Oo alam ko na 'yon pa" napairap ako ng kaunti.
Sus palagi nalang. Ganon ba'ko kasungit? Mabait nanga ako kung tutuusin.
"Pinaaalala ko lang sayo"
"Yes, yes captain"
....
Nang umakayat si papa ay halos matahimik na ako. Hindi rin siya umiimik.
Naglakad ako pabalik ng sofa at ganon din ang ginawa n'ya. Umupo sa kaharap kong sofa ng hindi parin nagsasalita.
YOU ARE READING
String Consequence
Teen Fiction1/3 Villa Series People are Changing with the different reasons. It's either good or bad. Santiña Lloyora the brave and undecided woman who can fight for many trials, exept for her love ones . What do you think is the sudden changes of her plans...
Chapter 3
Start from the beginning
