Yumuko ako bago pa marinig ang sigaw ni Ivan

"Ash Morgan!" Sigaw nya sa pangalang hindi ko kilala. Akala ko may tinatawag syang iba lang lalaki pero nung narinig kong tumawa si Calihl, batid kong s'ya ang pinagsasabihan.

"What? Ang init kaya" Sabi pa nito. Hindi ko alam kung ano nang ginagawa nya- pero rinig kong tumatawa

"You see may mga kasama tayong babae,wag kang gaganyan gany-"

"Oo na! Oo na! Aakyat na ako maliligo!" Parang batang saad nito sa pinsan.

"Pasensyahan n'yona " paumanhin ni Ivan na tinanguhan ni Ariel, Ni hindi ako nakapag salita.

Nanood lang ulit ako pero ang utak ko ay nag iisip ng kung ano ano.

Hindi sya big deal pero nakakalipad talaga ng utak.

Calihl Ash Morgan? Cute pala ng pangalan ng kupal nayon! Pero kung ako pwede na sigurong Calihluya.

Napangisi ako sa sariling iniisip.

And? Onething.

Dito sya nakatira?

Malamang! Kaya nga umakyat sa kwarto e!

Sabagay ngayon nalang ulit ako nakapunta dito kaya hindi ko alam na may bago pala silang recruit na hampas lupa.

Not my concern but... Paano yon? Plano naming dito mag aral pag free day namin since tapos na ang candidacy! Anuyon makakasama at makikita ko yon dito?

Sigurado akong hindi papayag sila Pia. Right!

" O nasan na si Calihl?" Saakin agad ang mata ni ate Ivee. May hawak na tray ng snacks. May juice ding kasama.

Lumunok ako dahil parang ako pa yung hanapan ng nawawalang hampas lupa.

"A.. maliligo daw ate" untag ko nalang at nag iwas ng tingin. Dinukot ko ang cellphone ko dahil naramdaman kong nag vibrate yon.

" Suss!" Humalakhak ito na may halong panunukso pero dahil hindi naman ako nakatingin sa kanya ay naka-iwas ako. Hindi ko rin alam kung bakit ganyan ang trip nya sa araw nato.

Kung ako ang tatanungin mas gusto kong si Ivan ang lagi nyang inaasar at pansinin,kaysa ako.

Nilagay n'ya ang Juice sa harap ko habang kinakausap naman ngayon si Ariel. Mukang nahihiya ang babae dahil kahit mukang kilala na ito ni ate ay hindi parin sya sanay makipag usap.

Mabuti naman at hindi na ako.

Tinignan ko ang cellphone ko ng mag vibrate ulit yon. Binuksan ko na dahil baka si papa na hinahanap ako.

Pero Hindi.

From: unknown number
3:30 pm

Hi? How are you?

From: unknown number
3:32 pm

Ako to si hanz. (:

Are you busy?

Napasinghap ako.

I didn't expect na s'ya ang magtetext.

Okay kami nung Friday pero hindi nya sinabing mag te text sya sakin. Ni hindi nya hiningi yung number ko kaya paanong mayroon sya.

Iniwas ko ang pag iisip ng kung ano lalo na kung hindi ako sigurado.

Para bang ngayon lang may nagtext saakin na ganito, samantalang nagkalat lang naman ang mga message ng mga hindi ko kilalang numero sa inbox ko.

Hindi ako nag reply at pinatay ang cellphone bago ibalik ulit sa bulsa.

Mamaya nalang ako magrereply. Tsaka.. hindi naman siguro kailangan mag reply ako?

String ConsequenceWhere stories live. Discover now